Chapter 9 Lander's POV "Okay ka lang?" ang tanong ko sa asawa ko nang mapag-isa kami rito sa kuwarto namin dito sa mansion. "Yeah... Ikaw ba?" May one week na ang nakalilipas nang maidaos ang matagumpay naming kasal. Dahil marami sa mga bisita namin ang gusto pang mag-stay at maglibot-libot ng France, ibinukas namin ang mansion para sa kanila. Lahat ng mga natira ay nakatirang dito sa amin. Mas mabuti na rin kaysa mag-rent pa sila ng hotel na tutuluyan. Maluwang ang bahay, kung saan-saan ay may mga guest rooms. Katatapos lang naming mag-breakfast kasama ang mga ito. Nang makita kong umakyat dito ang asawa ko ay sumunod akong agad. "Of course I am good... Ang... kaunti ng kinain mo kanina..." "Only because my tummy is still full..." "Yeah... Pumapak ka na naman ng yema... Favorite

