Chapter 10 Ksenia's POV "Papa..." Mahigpit na yakap ang ibinigay ko rito nang ngitian niya ako. Halos ayaw ko nang uminog ang mundo para lang lagi ko silang makasama, lalong-lalo na siya. Bumabalik iyong nakaraan. Iyong panahong nagpapaalam ako rito na pupunta ako sa Palawan pero sa France naman talaga. "D-Dito ko na lang kasi..." pahikbi kong pakiusap. Pinasok ko siya rito sa kuwarto niya dahil gusto ko siyang makausap nang masinsinan. Heart to heart talk namin bilang mag-ama. "Ksenia, anak, kung puwede lang sana... Pero kilala mo naman ako, hindi ba? Sa Pilipinas ko gustong tumanda... Naroon na lahat ng mga hindi ko maiwan." Sa nakalipas na pananatili niya rito, umasa talaga kaming lahat na magkakabalikan pa sila ni Mama pero hindi na talaga. They chose to remained friends for us

