Chapter 11 Lander's POV The Green-Wood Cemetery. Doon naka-address ang pinaglibingan sa kambal namin ni Kath. One of the famous cemeteries ito rito sa United States. One week after ng paghahabol ko ng mga trabaho sa kompanya, lumipad ako patungo rito sa New York para puntahan sa unang pagkakataon ang mga anak ko. May kirot sa puso ko tuwing nababanggit ko sa mga labi o sa isip ang mga katagang "Mga anak ko"... Nasanay akong si Supreme lang ang laging kasamang bata. "Pero sa Brooklyn, New York pa ito, Ksenia...." winika ko sa asawa nang iabot niya sa akin ang papel kung saan nakasulat ang mga iba pang impormasyon sa lugar. May map pa kahit obvious naman kung saan ito matatagpuan dahil kilala ang lugar. Naririnig ko na ito lagi sa mga kaibigan at kaklase ko nang nag-aaral pa lang ako sa

