Chapter 131 Lander's POV "Sa iyo na iyan... First ever gift ko sa iyo magmula nang lumabas ako ng rehabilitation center..." patuloy nito pero hindi pa rin ako natinag. Ang ibig tukuyin ay ang drawing nito. Ngumiti na ito at lahat-lahat pero hindi pa rin ako natitinag sa pagkakatitig sa mukha niya. Paano kung isa na naman ito sa mga bitag na na-encountered ko before? Madalas mangyari sa akin ito kahit alam ko namang imposible dahil nasa rehabilitation center ito. "Baka pagod ko lang ito at nasobrahan sa kasipagan sa trabaho kaya ganito..." usal ko sa sarili bilang pagpapaalala. "Wala ka pang maayos na tulog, Lander... Sign na ito niyon..." Astonished, she smiled at me. She seemed to know something about my reaction. Humakbang ako paatras; sa marahang paraan lang para hindi ko naman mas

