Chapter 132 Ksenia's POV Itinodo ko ang pagngiti nang maramdaman ko ang pagdapo ng dulo ng dila nito sa dila ko. Hindi pa rin siya nagbago, magaling pa ring humalik at walang pakialam kahit papunta na sa french kiss ang ginagawa nito. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Eh, may lahi naman itong French! Wala namang pakialam ang mga tao rito, eh. Kahit yata gumawa pa kami nang higit ay panonoorin pa rin nila kaming tila normal lang na mga tao. Dahan-dahang kong ikinakawala ang sarili nang maramdaman kong kulang na lang ay lamunin na niya ang mga labi ko. Nakapasok na rin ang isang kamay nito sa loob ng t-shirt ko at ang isa ay nakadapo na sa ibabaw ng dibdib ko. "Hey! We are in public..." pagpapaalala ko sa kaniya sabay hawak sa braso niya. "Are we?" takang anito naman sa medyo nahihimasmasa

