Chapter 133 Lander's POV Hindi pa siya nagbubukas ng bibig pero mukhang alam ko na ang magiging sagot niya sa pagkakatitig ko pa lang sa mga mata niya. Her eyes twinkled with emotions similar to the ones I have now. "Habang nakatitig ako sa mga mata mo ngayon, naaalala ko lahat..." Marahan kong pinahid ang luhang gumapang pababa ng kanang pisngi ko. "Naaalala ko iyong mga masasakit at magagandang nangyari sa buhay natin..." Ngumiti ako sa kaniya. Mukhang kailangan ko na ring maging totoo sa kaniya sa pagkakataong ito. Magpapakasal muli kami... Kung tatanggapin niya ang alok ko. Pero bago iyon, gusto kong buksan ang puso ko rito. Bago kami humarap kay Ama, gusto kong buong-buo niya akong makilala... "Two month and one week lang yata tayong nagkakilala noon... Iyon ang tantiya ko..."

