Chapter 13 Lander's POV Kanina, nang gumagayak ako sa pagpunta rito, ay maganda pa naman ang panahon pero habang palapit ako nang palapit sa pupuntahan ko ay kumukulimlim ang kalangitan. Nagdahan-dahan ako sa paglalakad nang matanawan ko na ang malawak, berdeng-berde at tahimik na paraisong kinalalatagan ng mga nitso. Binigyan ko ang sarili ng moment para pagmasdan ang paligid. Kaya pala famous ang lugar dahil sa lokasyon nitong mas mataas kaysa sa ibang lugar dito, may mga famous celebrities and known other people rin na nakalibing dito at ang higit na nakaaagaw ng pansin ay ang mga statues at architectural building na nakapalibot at nagkalat dito. Well, it suits the place to some, but for me, it made me shivered everytime I am staring a monster's face at the end of some statues. Ang w

