Chapter 14 Ksenia's POV Interlaken, Switzerland. Sa probinsiyang ito namin natagpuan ang isang kambal nina Kath at Lander. "Oh, Hold on, Mr. Ver... I think we deserve to appreciate the view from here..." ani Ramces na ikinalingon naming sabay ni Mr. Ver. "If you're not rushing, why not, boy..." aniya naman. Tumawa ito nang marahan, ipinagilid ang sasakyan sa tabi at itinigil na ang makina. "You had chose the perfect area, huh..." hangang-hanga nitong patuloy. "You can get some best shots here, couple... I am open and happy to take the job!" Nagkatinginan kami ni Ramces. Wala kaming kaaalam-alam na pinagkakamalan na pala kami nitong may relasyon. Nauna itong napabunghalit ng tawa. Sinundan ko na lang ito. "Oh, we are not couple, Mr. Ver... We are friends..." pagtatama ni Ramces na mab

