OSWL (BOOK 1) Chapter 66

1626 Words

Chapter 66 Ksenia’s POV Pagkapasok ko ng bahay ay si Mama sa namumugtong mga mata ang naabutan ko. May ginagawa siya sa table sa kusina at nalingat lang nang mapansin ako. Muli niyang ibinagsak ang mga mata sa ginagawa. Siya ay naghihiwa ng mga rekado. Mula rito ay kitang-kita ko ang muling pagpunas niya ng kaniyang mga bagong labas na mga luha. Naaalarma ako sa nakikitang anyo niya pero pinilit kong ikalma ang sarili. Gusto kong malaman ang sagot nang hindi nagpapakita nang pagkabigla. Dahan-dahan akong lumakad papunta sa kaniya. Ibinaba ko lamang ang ilang mga dala sa nadaanang table bago muling nagpatuloy sa paglalakad. “Mama... Bakit ho kayo umiiyak,” malumanay kong tanong. Napatitig sa mga kamay niyang pinag-iisipan ko kung aabutin ko o hindi. Muli kong binalikan ang mukha niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD