OSWL (BOOK 1) Chapter 75

2133 Words

Chapter 75 Lander’s POV Matagal kaming magkayakap sa ibabaw ng kama, walang ni isang saplot na suot, walang ni isang salitang namutawi sa aming mga labi. Sa balat ko, ramdam na ramdam ko ang hinahong hatid ng init na nagmumula sa katawan ni Lander. Ninanamnam namin ang mga natitirang sandali kasama ang isa’t isa kahit pa ang kapalit ay ang dahan-dahang paghila ng oras sa akin mula sa kaniya. Kahit ayaw naming pareho ang kumalas sa isa’t isa, kailangan pa ring gawin. “Joyeux voyage, Ksenia...” bulong niya sa likod ng tainga ko sabay haplos sa mahaba kong buhok. “Je t’aime...” malalim nitong dagdag sabay ngiti sa akin. “Je t’aime aussi, Lander...” “Handa na akong pakawalan ka...” aniya sabay alis sa pagkakayakap sa akin. “Pero bago iyon, gusto muna kitang ipakilala kay Mama bilang asawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD