Chapter 22 Ksenia's POV Malalakas na mga katok ang nagpabangon sa akin dito sa kama. Napamulagat ako ng mga mata, itiningin ang mga ito sa open na balcony at wala sa sariling napangiti. Umaga na pala sa magandang paraisong kinapadparan. Binabati na ako nang maganda liwanag sa labas. Napasamyo ako sa alimpuyo ng hanging dumaan. Naging dahilan lang iyon para muli akong mapangiti nang wala sa loob. Ang mga ibong dumadaan ay tila mga katropa, napapalingat sa akin at bumabalik para dumapo sa handrail ng balcony na gawa sa kahoy. Nakahilera na sila ngayon doon at tila nag-uusap-usap. "Ganito pala sa Interlaken, Switzerland, 'no? May reunion ng mga ibon." I laughed softly at that thought. "Pero nakatutuwa sila. Mas pinaganda nila ang umaga dahil sa mha presensiya nila..." "Ksenia, wake up! H

