Chapter 21 Lander's POV Ipinagpapatuloy ko na ang pag-aayos ng mga gamit ko sa maleta nang tumawag muli si Fred. Dinampot ko ang nagwawalang cellphone sa ibabaw ng unan ko sa paanan ng kama. Naka-disabled ang ringing tone ng cellphone ko lately dahil ayaw kong maistorbo sa mga lakad ko sa pagpunta ko rito pero sa inaabangang mabilis na update mula rito ay naka-enabled na. "Yeah," bungad ko pagkasagot ko rito. Ipinamaywang ko ang isang kamay at seryosong tinungo ang balcony ng suit. Itinanaw ko ang mga mata sa abalang lungsod nang makarating. "Boss, nasa inbox mo na iyong exact address ng lugar na iyon.... Mabuti na lang talaga at mabibilis magtrabaho ang mga empleyado mo rito... Tinulungan nila akong trabahuin nang humingi ako ng favor sa kanila during their break time..." "Okay... T

