ALEXANDRA’S (ALEXANDER) POV
Paggising ko, akala ko nasa langit na ako. Ang tahimik, ang lamig ng aircon, at ang... bigat ng hangin.
Pagdilat ko, nakita ko ang dahilan.
Sa sofa sa gilid ng kwarto ko, may dalawang higante na natutulog.
Si Franco, nakanganga, tulo-laway, at nakataas ang isang paa sa armrest. Mukhang lasing sa antok.
Si Deon, kahit tulog, model pa rin. Naka-cross arms, nakasandal ang ulo nang maayos, at ni isang hibla ng buhok hindi gumulo. Nakakainis.
"Hoy! Gising!" sigaw ko sabay bato ng unan. Headshot kay Franco.
"Aray! Sunog! Sunog!" Balikwas ni Franco, punas agad ng laway.
Dumilat naman si Deon. Kalmado. Tumingin sa akin.
"Good morning, Sleeping Beauty. Wala na bang lagnat?"
Kinapa ko ang noo ko. Malamig na.
Actually, energized na ako.
Yung pakiramdam na parang bagong change oil ang makina.
"Wala na. Lumayas na kayo. Magbibihis ako. Naaamoy ko yung laway ni Franco mula dito."
"Grabe ka naman, Alex!" reklamo ni Franco. "Binantayan ka namin buong gabi! Halos magpatayan kami ni Deon kung sino magpupunas sa'yo ng bimpo!"
"Thanks. Pero okay na ako. Now, shoo!"
Paglabas nila, tumayo ako at nag-stretch.
Tunog ng buto. Crack.
Sarap.
Kinuha ko ang phone ko.
Sunday ngayon.
Ibig sabihin... Track Day.
Dati, tuwing Linggo, nasa Clark International Speedway ako. Nagpapaputok ng tambutso, nagda-drift, at nakikipag-pustahan.
"Namimiss ko na ang amoy ng goma," bulong ko.
Biglang nag-vibrate ang phone ko.
From: Deon (Asshole)
Get dressed. Wear pants. We're going somewhere loud.
Napangiti ako.
Alam ko kung saan kami pupunta.
THE RACETRACK
Pagdating namin sa Batangas Racing Circuit (yes, nag-roadtrip kami gamit ang GT-R niya), para akong batang dinala sa Disneyland.
Ang ingay!
Vroom! Vroom! screech!
Amoy na amoy ko ang gasolina at sunog na goma. Ito ang perfume ng mga tunay na lalaki!
"Deon!" sigaw ko, excited na excited. "Track day ngayon?! Sali tayo?!"
Nakasuot ako ng skinny jeans (tiis-ganda ulit, masikip sa singit), white tank top, at leather jacket. Si Deon naman, naka-black shirt at shades.
"Relax," sabi ni Deon. "Manonood lang tayo. Delikado dyan."
"Manonood?! Deon, GT-R 'yang dala mo! Godzilla 'yan! Tapos ipapara-parada mo lang?!"
"It's my baby, Alex. Ayokong magasgasan. At isa pa..." Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa. "...do you even know how to drive manual?"
NATIGILAN AKO.
Insulto 'yun ah.
"Excuse me?!" lumapit ako sa kanya, dinuduro ang dibdib niya. "I learned to drive manual before I learned to walk! Kaya kong mag heel-toe shifting habang kumakain ng burger! Don't test me, Ravena!"
Ngumisi si Deon. "Talaga? Sige nga."
Hinagis niya sa akin ang susi ng GT-R.
Sinalo ko.
Ang bigat ng susi. Ang sarap sa kamay.
"Prove it," hamon niya. "One lap. Kapag natalo mo ang best time ko na 1:45, sa'yo na ang premyo."
"Anong premyo?"
"Anything you want."
"Anything?"
"Yes. Kahit ano."
"Deal. Kapag nanalo ako, titigilan mo na ako. At... bibilhan mo ako ng sarili kong sports car. Yung hindi pink."
"Game. Pero kapag natalo ka..." Lumapit siya, tinanggal ang shades niya. "...you have to go on a real date with me. No manang outfits. No eating with hands. Just you and me."
"Deal! Sisiw lang 'yan!"
THE DRIFT QUEEN
Sumakay ako sa driver's seat.
Ang bango ng leather. Ang daming buttons.
Inadjust ko ang upuan. (Kailangan isagad sa harap kasi ang ikli ng binti ko ngayon! Bwisit!).
"Okay, Godzilla. Let's dance."
Pinaandar ko ang makina.
BROOOOOOM!
Ang lakas ng ungol ng makina. Parang musika.
Umupo si Deon sa passenger seat. Nag-seatbelt siya. Humawak siya sa Jesus Handle sa taas ng pinto.
"Ready, princess?" pang-asar niya. "Wag kang iiyak kapag namatayan ka ng makina."
"Shut up and watch."
Apak sa clutch. Kambyo sa Primera.
Bitaw. Gas.
SCREEEEECH!
Humarurot kami palabas ng pit lane.
Didikit ako sa upuan dahil sa G-Force.
Ang sarap!
"Woah!" sigaw ni Deon.
First corner. Hairpin turn.
Imbes na mag-brake nang maaga, binilisan ko pa.
"Alex! Brake! Mamatay tayo!" sigaw ni Deon.
"Not today, Satan!"
Apak sa brake. Bawas kambyo.
Heel-toe.
Pinihit ko ang manibela nang mabilis.
Hinila ko ang handbrake nang konti para dumulas ang likod.
SCREEEEEEEEEEEEECH!
Nag-drift ang GT-R. Perfect angle.
Usok sa likod.
Amoy goma.
Nalagpasan namin ang corner nang hindi bumabangga.
Paglabas ng curve, apak sagad sa gas!
VROOOOOOOOM!
Tumingin ako kay Deon.
Maputla siya. Nakakapit nang mahigpit sa handle. Ang mata niya, nanlalaki.
"Are you crazy?!" sigaw niya. "You almost killed us!"
"It's called Drifting, Deon! Ever heard of Tokyo Drift?!"
Next corner. S-Curve.
Kaliwa. Kanan.
Ang smooth ng pagpasok ko. Hit the apex.
Parang sumasayaw ang sasakyan.
Nakalimutan kong babae ako.
Nakalimutan kong wala akong junjun.
Ang alam ko lang, ako ang hari ng kalsada.
"Woohooo!" sigaw ko habang nasa straight line. "Eat dust, losers!"
Inabutan namin ang isang Porsche sa harap.
Binusinahan ko.
Beep! Beep!
"Tabi! Mabagal!"
Nilagpasan ko siya sa inner lane.
Kumaway pa ako habang dumadaan. (Nakalimutan kong naka-tint nga pala kami).
Last lap. Finish line.
Tinignan ko ang timer sa dashboard.
1:42.
Huminto ako sa pit stop.
Umuusok ang gulong.
Ang init ng makina.
Pinatay ko ang engine.
Tumingin ako kay Deon.
Nakatulala pa rin siya sa harap. Hingal na hingal.
Ang buhok niya, medyo magulo na.
Ang pawis niya, tumutulo sa leeg.
"1 minute 42 seconds," sabi ko, nakangisi. "Beat that, Ravena."
Dahan-dahang lumingon si Deon sa akin.
Ang tingin niya... hindi galit.
Hindi takot.
Ang tingin niya ay... paghanga.
At... pagnanasa.
"Holy s**t," bulong niya. "Sino ka ba talaga?"
"Alexandra Valdaramos. The Drift Queen. Now, where's my car?"
Biglang tumawa si Deon. Malakas.
Pumalakpak siya.
"You are unbelievable. Akala ko magpapatakbo ka lang ng 40kph. You drive like a... like a professional racer."
"Told you. Don't judge a book by its boobs."
Tinanggal niya ang seatbelt niya. Lumapit siya sa akin.
Ang sikip ng loob ng kotse.
"You won the bet," sabi niya. "I owe you a car."
"Good."
"But..."
Hinawakan niya ang baba ko.
"...that driving skill? That aggressive shifting? That fearless cornering?"
Nilapit niya ang mukha niya.
"That was the hottest thing I have ever seen."
Natigilan ako.
Hot?
Ako? Hot dahil nag-drive ako parang basagulero?
"Deon... usapan natin..."
"Screw the deal," bulong niya.
Bago ako makapag-react, hinalikan niya ako.
Hindi sa lips.
Sa leeg.
Sa pulso ko kung saan ramdam ang adrenaline.
"You make me crazy, Alex. You make me question everything."
Tinulak ko siya. Mahina lang.
"Deon... nasa race track tayo. Ang daming tao."
"Let them watch," sagot niya. "Let them see that the Drift Queen belongs to me."
"Hindi ako sa'yo!"
Binuksan ko ang pinto at lumabas.
Tumakbo ako palayo sa kotse.
Ang puso ko, mas mabilis pa sa RPM ng GT-R.
Dug. Dug. Dug.
Putragis.
Bakit... bakit nagustuhan ko yung halik niya sa leeg ko?
Bakit parang gusto kong... ituloy?
Pumasok ako sa CR ng race track.
Humarap ako sa salamin.
Namumula ako.
Buhaghag ang buhok.
Pero ang mata ko... buhay na buhay.
"Alexander," sabi ko sa sarili ko. "Anong nangyayari sa'yo? Bakit ka bumibigay?!"
Biglang pumasok ang isang group of girls. Mga promo girls ng car show. Naka-bikini top at shorts.
Ang gaganda. Ang sesexy.
Tumingin sila sa akin.
"Hi po, Miss Alex!" bati nila. "Ang galing niyo po mag-drive kanina! Idol!"
Nginitian ko sila.
"Thanks, girls."
Tinignan ko ang dibdib nung isa.
Wala. Walang spark.
Tinignan ko ang pwetan nung isa.
Wala rin.
Napahawak ako sa leeg ko kung saan ako hinalikan ni Deon.
Spark.
Kuryente.
"s**t," bulong ko. "Bakla na nga yata ako."