THE GIFT

1269 Words
ALEXANDRA’S (ALEXANDER) POV ​Hindi ako nakatulog nang maayos. ​Kada pipikit ako, nararamdaman ko yung labi ni Deon sa leeg ko. Naririnig ko yung boses niyang nagsasabing, “You make me crazy, Alex.” ​"Bwisit na Ravena 'yun," bulong ko habang naghihilamos kinaumagahan. "Nilagyan yata ng gayuma yung laway niya. Bakit ako kinikilig?! Kadiri! Lalaki ako! May bigote ako dati!" ​Kinapa ko ang upper lip ko. Wala. Kinis. Putik na buhay 'to. ​Para mawala ang pagkabagabag ko, tinuon ko ang atensyon ko sa isang mahalagang bagay: Ang Pustahan. ​Kinuha ko ang phone ko at nag-type. ​To: Deon (Asshole) Hoy. Nanalo ako kahapon. Asan na yung kotse ko? Gusto ko ngayon na. Baka sabihin mo drawing ka lang. ​Hindi pa lumilipas ang isang minuto, nag-reply agad siya. ​From: Deon (Asshole) I always pay my debts, sweetheart. Be ready in 30 minutes. Wear something you don't mind getting dirty. ​Napangisi ako. Getting dirty? Sige. Gusto mo ng dirty ah. ​Nagsuot ako ng ripped jeans na hapit sa binti, isang itim na cropped tank top (kasi wala akong mahanap na matinong t-shirt sa closet ni Alexandra), at Chuck Taylors. Tinali ko ang buhok ko ng magulong bun. Walang makeup-makeup. Punasan ko lang ng pulbos 'to, okay na. ​THE DEALERSHIP ​Akala ko dadalhin ako ni Deon sa casa ng Ferrari o Porsche. Yung mga lugar kung saan bumibili ang mga mayayamang conyo. ​Pero nagulat ako nang pumasok ang SUV niya sa isang malaking, tagong warehouse sa Quezon City. Puno ito ng mga imported, modified, at classic sports cars. Mga JDM (Japanese Domestic Market) legends. ​Pagbaba namin, sinalubong kami ng manager. ​"Mr. Ravena! Good to see you," bati nung manager. Napatingin siya sa akin. "And who is this beautiful lady? Girlfriend mo? Miss, may mga cute na Mini Cooper at pink na Fiat 500 tayo sa likod. Bagay na bagay sa'yo." ​Tinaasan ko ng kilay yung manager. "Mini Cooper? Mukha ba akong pupunta sa tea party?" sagot ko. "Gusto ko ng rear-wheel drive. Manual. Turbocharged. At wag mo akong bibe-bentahan ng kotse na hindi aabot ng 300 horsepower." ​Nanlaki ang mata nung manager. Tumingin siya kay Deon. ​Si Deon? Nakangisi lang, nakapamulsa, halatang proud na proud sa kamalditahan ko. "Give her what she wants, Marv. Siya ang boss ngayon." ​Naglakad-lakad ako sa loob ng warehouse. Parang nasa paraiso ako. May Mazda RX-7. May Honda NSX. ​Tapos... nakita ko siya. ​Sa isang sulok, nakaparada ang isang Nissan Silvia S15. Kulay midnight purple. Naka-body kit. Ang kinis, ang linis, at halatang halimaw sa kalsada. ​"Ito," turo ko. "Gusto ko 'to." ​"Ah, good eye, Miss," sabi ni Marv. "Pero modified na 'yan. The clutch is very heavy, and it's built for drifting. Baka mahirapan ang mga hita mo—" ​"Bigyan mo ako ng 10mm na wrench at flashlight," putol ko sa kanya. "Bilis." ​THE GREASE MONKEY ​Nagkatinginan si Marv at Deon. Binigyan ako ni Marv ng tools. ​Binuksan ko ang hood ng S15. Wow. SR20DET engine. Upgraded turbo. Front-mount intercooler. ​Sumampa ako nang konti sa bumper para tignan ang engine bay. (Nakalimutan kong naka-crop top ako, kaya panigurado, nakalabas ang bewang ko). ​Pinakialaman ko ang mga hoses. Tinignan ko ang oil dipstick. Kinapa ko ang ilalim para icheck kung may tagas ang langis. Habang ginagawa ko 'to, naramdaman kong may tumutulo sa noo ko. Init kasi sa warehouse. Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang likod ng kamay ko. ​"Alex," tawag ni Deon. ​Lumingon ako sa kanya. "Ano? Wag kang magulo dyan, chine-check ko kung may leak yung gasket. Maganda ang pagkakabuo pero kailangan kong palitan yung—" ​Napatigil ako. ​Nakatingin sa akin si Deon na parang nakakita siya ng milagro. Nakabuka nang bahagya ang bibig niya. Ang mata niya, madilim. Nakatitig siya sa mukha ko, pababa sa bewang kong nakalabas, at pabalik sa mga kamay kong puro langis. ​"Bakit ka ganyan makatingin?" mataray na tanong ko. ​Lumapit siya. Unti-unti. Hindi siya sumagot. Tinaas niya ang kamay niya at hinawakan ang pisngi ko. ​Ang init ng mga daliri niya. Ginamit niya ang hinlalaki niya para kuskusin ang pisngi ko. ​"May grasa ka sa mukha," malat na bulong niya. ​Dug. Dug. Ayan na naman yung traydor kong puso. ​"A-ako na magpupunas," sabi ko, aalisin sana ang kamay niya, pero hinawakan niya ang pulso ko. ​"Your hands are dirty," sabi niya, hindi inaalis ang tingin sa mata ko. "Let me do it." ​Kinuha niya ang panyo niya mula sa bulsa. Dahan-dahan niyang pinunasan ang dumi sa pisngi ko, sa noo ko, at sa gilid ng labi ko. ​Sobrang lapit namin. Naamoy ko na naman yung expensive cologne niya na humahalo sa amoy ng gasolina sa paligid. ​"You are so beautiful when you're acting like a mechanic," bulong niya. "Ang dumi mo tignan. And it's making me crazy." ​Napalunok ako. Bakit parang naging SPG bigla yung pag-check ng langis?! ​"Bibilhin mo ba 'to o hindi?" tanong ko, pilit na binabasag ang tensyon. "Kasi kung hindi, uuwi na ako." ​Ngumiti siya. Yung ngiting nakakatunaw. "Bibilhin ko. Kahit bilhin ko pa buong warehouse na 'to para sa'yo." ​Tumingin siya kay Marv. "We'll take the Silvia. Cash." ​Hala. Cash?! Yaman talaga ng gago. ​THE CONFRONTATION ​Habang pinoproseso ni Marv ang mga papel, naghugas ako ng kamay sa CR ng warehouse. Paglabas ko, nag-ring ang phone ko. ​Calling... Franco (Best Bro) ​Sinagot ko agad. "Oh, pre? Napatawag ka?" ​"Alex! Nasaan ka?!" galit ang boses ni Franco sa kabilang linya. "Pumunta ako sa inyo, sabi ni Lena umalis ka daw! Kasama mo na naman yung Ravena na 'yun ano?!" ​"Oo. Binilhan niya ako ng kotse. Nanalo ako sa pustahan eh." ​"Kotse?! Alex, nagpapabili ka ng kotse sa lalaking 'yun?! Alam mo bang pwedeng gamitin 'yan laban sa'yo? Baka may hingin siyang kapalit!" ​Napatingin ako kay Deon na nakasandal sa bagong S15 ko. Nakatingin din siya sa akin habang may kausap sa phone. ​"Wala siyang hihingin, Franco. Pustahan lang 'to." ​"Alex, please. Umuwi ka na. Sunduin kita dyan. Hindi maganda ang kutob ko kay Deon. Nilalandi ka niyan!" ​"Pre, babae ako ngayon. Malamang lalandiin ako ng mga lalaki." (Kahit diring-diri pa rin ako sa loob). ​"Pero wag siya! Alex... wag siya. Ayokong mapunta ka sa kanya." ​Natigilan ako. May kakaiba sa tono ni Franco. Hindi siya nagtunog 'Best Bro'. Nagtunog siyang... nasasaktan. ​Bago ako makasagot, biglang may kumuha ng phone ko mula sa likod. Si Deon. ​Nilagay niya ang phone sa tenga niya. ​"She's with me, Franco," malamig na sabi ni Deon. "And she's not going anywhere. Kaya wag mo na siyang istorbohin." ​"Hoy Ravena! Ibalik mo kay Alex 'yan!" rinig kong sigaw ni Franco mula sa earpiece. ​"Bye," sabi ni Deon at pinatay ang tawag. ​"Hoy!" Inagaw ko ang phone ko. "Bakit mo pinatayan yung best friend ko?!" ​Lumapit si Deon sa akin. Binigay niya sa akin ang susi ng Silvia. ​"Because for today, you're mine. Walang sisingit. Walang Franco." ​Hinawakan niya ang bewang ko (yung parteng nakalabas sa crop top ko). Nakuryente na naman ang buong katawan ko. ​"Tara na, Drift Queen," bulong niya sa tenga ko. "Iuwi na natin ang bagong laruan mo. And then... let's see what else you know how to drive." ​Pumikit ako nang mariin. Alexander... humanda ka. Mukhang hindi lang sasakyan ang ma-e-engine over-haul ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD