ALEXANDRA’S (ALEXANDER) POV
Walang tatalo sa pakiramdam ng pag-apak sa clutch at pag-kambyo ng sarili mong sasakyan.
Pinaandar ko ang Nissan Silvia S15 palabas ng dealership. Rinig na rinig ko ang sipol ng turbo. Ang higpit ng manibela, ang bigat ng clutch perfect. Para akong bumalik sa pagiging lalaki. Ako ulit ang hari ng kalsada.
Nasa passenger seat si Deon. Nakahalukipkip, nakatingin sa akin habang nagda-drive ako sa kahabaan ng highway papuntang Antipolo. Gusto ko kasing i-test ang cornering ng bagong baby ko.
"Ang bigat ng paa mo sa gas, Alex," puna ni Deon, medyo nakangisi. "Hindi ka ba natatakot na baka may mahagip tayo?"
"Ako? Matatakot?" Tumawa ako sabay downshift sa kwatro para mag-overtake sa isang mabagal na truck. "Kabisado ko ang kalsada, Ravena. Relax ka lang dyan at i-enjoy mo ang libreng sakay."
Tumingin ako sa rearview mirror. Madilim na ang langit. Kanina lang, ang init-init, tapos ngayon, parang nagbabadyang bumuhos ang delubyo.
"Putek, mukhang uulan pa ah," reklamo ko.
Saktong pagkasabi ko nun, bumagsak ang ulan. Hindi lang basta ulan bagyo level. Biglang nag-zero visibility.
Binuksan ko ang wiper sa pinakamabilis na setting, pero halos wala na akong makita sa kalsada.
"Alex, pull over," seryosong sabi ni Deon. "Masyadong madulas, naka-semi-slick tires pa naman 'yang nabili mo. Delikado."
"Kaya ko 'to—"
BZZZT. KUG-KUG-KUG.
Biglang pumalya ang makina. Umilaw ang Check Engine sa dashboard. Bumigat ang manibela dahil nawala ang power steering.
"s**t!" Mabilis kong tinadyakan ang preno at kinabig ang sasakyan sa gilid ng madilim na kalsada bago kami tuluyang mamatayan ng makina.
Natahimik ang loob ng sasakyan. Ang tanging naririnig lang namin ay ang malakas na paghampas ng ulan sa bubong ng kotse.
THE BREAKDOWN
"Anong nangyari?" tanong ni Deon.
"Ewan ko! Baka pinasok ng tubig yung cold air intake o nag-short yung wirings!"
Sa sobrang inis ko, binuksan ko ang pinto.
"Alex, wag kang lumabas! Ang lakas ng ulan!" pigil ni Deon, pero huli na.
Lumabas ako at binuksan ang hood. Halos liparin ako ng hangin. Basang-basa ako agad sa loob lang ng limang segundo. Ginamit ko ang flashlight ng phone ko para silipin ang makina, pero wala akong makitang malinaw dahil sa lakas ng bagsak ng tubig.
"Bwisit na buhay 'to! Kakabili ko lang eh!" sigaw ko sa hangin.
Bumalik ako sa loob ng kotse at pabagsak na sinara ang pinto. BLAG!
Hingal na hingal ako. Ginaw na ginaw. Nanginginig ang mga balikat ko.
"Siraulo ka ba?" medyo galit na sabi ni Deon. Kinuha niya ang towel sa likod (buti may freebie yung dealership) at pinulupot sa ulo ko. "Magkakasakit ka na naman niyan eh!"
Pinunasan ko ang mukha ko. "Nakakainis kasi! Gusto ko lang naman i-test yung kotse!"
Pagdilat ko, nakita kong natigilan si Deon. Nakatitig siya sa akin. Hindi sa mukha ko, kundi sa... ibaba.
Tinignan ko ang sarili ko.
Naka-white crop top ako.
At dahil basang-basa ako, naging transparent ang tela. Kitang-kita ang itim kong lace bra. At dahil sa sobrang lamig, bakat na bakat ang... alam mo na.
Nanlaki ang mata ko. Agad kong tinakpan ang dibdib ko gamit ang dalawang braso ko.
"Hoy! Wag kang tumingin!" sigaw ko, namumula ang buong mukha.
Lumunok si Deon. Ang dilim ng mga mata niya. Unti-unti siyang lumapit mula sa passenger seat papunta sa direksyon ko. Ang sikip ng Silvia S15, kaya halos magkadikit na ang mga hita namin.
"Hindi ko maiwasang hindi tumingin, Alex," malat na bulong niya. "Lagi ka na lang nababasa kapag kasama mo ako."
THE FOGGY WINDOWS
Dahil patay ang makina, patay ang aircon. Dahil umuulan sa labas at mainit ang mga katawan namin sa loob, unti-unting nag-fog ang mga bintana.
Balot na balot na kami sa hamog. Walang makakakita sa amin mula sa labas. Kaming dalawa lang. Sa gitna ng kawalan.
"D-Deon... lumayo ka nga. Ang sikip," nanginginig na sabi ko. Hindi ko alam kung sa lamig o sa kaba.
Hinubad niya ang leather jacket niya at ipinatong sa mga balikat ko. Pero imbes na lumayo, kinulong niya ako sa pagitan ng mga braso niya. Nakasandal ang likod ko sa pinto ng kotse. Wala akong kawala.
"You're shaking," sabi niya. Hinawakan niya ang mga kamay ko. Ang init ng palad niya.
"L-lamig eh," palusot ko, kahit ang totoo, nagwawala na ang sistema ko.
Alexander, wag kang bibigay! Straight kang tao! sigaw ng utak ko.
Pero ang traydor kong katawan ng babae, nag-re-react. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Naramdaman ko na naman yung pamilyar na init sa puson ko yung naramdaman ko nung gabing nag-eksperimento ako.
Tumingin si Deon sa mga labi ko.
"Your lips are pale," bulong niya. Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya. "Let me warm them up."
Bago pa ako makasagot, naramdaman ko ang mga labi niya sa akin.
Hindi ito tulad ng halik niya sa leeg ko sa race track. Ito... totoong halik.
Madiin. Nag-aangkin. Mainit.
Namilog ang mga mata ko. Gusto ko siyang itulak. Gusto ko siyang suntukin sa panga.
Pero nang hawakan niya ang batok ko at mas palalimin ang halik, nawalan ng lakas ang mga braso ko.
Tangina. Ang sarap niyang humalik.
Bumukas ang bibig ko para huminga, at ginamit niya 'yung pagkakataon para ipasok ang dila niya. Napapikit ako. Isang mahinang ungol ang nakawala sa lalamunan ko. Ungol ng babae. Lalo siyang ginanahang halikan ako. Gumapang ang isang kamay niya mula sa bewang ko, paakyat sa basa kong tiyan, papunta sa gilid ng dibdib ko.
Nag-init ang buong paligid. Ang mga bintanang puro hamog, lalong kumapal.
"D-Deon... teka..." hingal na awat ko nang humiwalay siya sandali. "H-hindi pwede... lalaki ako..."
Ngumisi siya, ang lapit pa rin ng mukha sa akin. Hinalikan niya ang gilid ng panga ko, pababa sa leeg ko na basang-basa ng ulan.
"You feel like a woman to me, Alex. You taste like one. You moan like one." Kinagat niya nang mahina ang earlobe ko. "Stop fighting it. Let me take care of you."
Kinapa ng kamay niya ang lock ng upuan ko at hinila ito patalikod. Sumandal ako nang tuluyan. Sumampa siya nang bahagya sa ibabaw ko.
Wala na. Burado na ang logic ko. Ang alam ko lang, kailangan ko ng init niya.
Dito na ba matatapos ang pagka-lalaki ni Alexander? Sa loob ng isang sirang Nissan Silvia sa gitna ng bagyo?
Biglang...
BEEEEEEP! BEEEEEEP! BEEEEEEP!
Isang napakalakas na busina ng truck ang umalingawngaw mula sa labas. Halos mabingi kami.
Napamulat ako at mabilis na tinulak si Deon. Pareho kaming naghahabol ng hininga.
Kinapa ko agad ang dibdib ko at inayos ang jacket niya na suot ko.
Nagkatinginan kami sa dilim.
Bitin. Frustrated.
Napahawak si Deon sa manibela at napamura. "Fuck."
Ako naman, nakatingin lang sa bintana.
Muntik na. Muntik na akong ibigay ang Bataan! Dahil sa gabing ito, alam ko na ang totoo. Hindi ko na kayang magpanggap.
Gusto ko si Deon. At nakakatakot.