ALEXANDRA’S (ALEXANDER) POV
Paggising ko kinabukasan, parang gusto kong i-umpog ang ulo ko sa headboard.
Kinapa ko ang labi ko.
Maga.
Putik. Maga ang labi ko dahil sa pakikipag-laplapan kay Deon Ravena sa loob ng isang sirang Nissan Silvia.
"Alexander, anong nangyari sa'yo?" kausap ko sa sarili ko sa harap ng salamin. "Lalaki ka. May abs ka dati. Ikaw ang bumabayo, hindi ikaw ang binabayo!"
Pero kapag naaalala ko kung paano niya hinawakan ang bewang ko at kung paano niya ipinasok ang dila niya... Holy s**t. Tumataas ang balahibo ko sa batok at nag-iinit ang puson ko.
Kinuha ko ang phone ko.
Walang text. Walang call.
Pagkatapos i-tow ang kotse kagabi at ihatid ako sa mansyon (kung saan tahimik lang kami buong byahe), hindi na siya nagparamdam.
"Aba. Ang gago, nakuha na ang gusto niya, nang-ghost na?!" inis na bulong ko.
Teka.
Ganyan din ako dati sa mga babae ah!
Pagkatapos kong makuha ang gusto ko (o makipag-make out man lang), hindi na ako nagre-reply kinabukasan para hindi sila mag-assume.
"Karma is a b***h," bulong ko. "At ako ang b***h na 'yun ngayon."
Nagbihis ako papuntang Valdaramos HQ. Kailangan kong idaan sa trabaho ang inis ko. Naka-red power suit ako ngayon. Walang cleavage, walang masikip na palda. Pantsuit para makahakbang ako nang malaki. Alpha mode on.
THE LOBBY ENCOUNTER
Pagbaba ko sa ground floor lobby ng Valdaramos Tower para bumili ng kape sa cafe, natigilan ako.
Nandoon si Deon.
Naka-gray suit. Ang gwapo ng gago. Nakasandal sa counter habang naghihintay ng kape niya.
Pero hindi 'yun ang nagpainit ng ulo ko.
Ang nagpainit ng ulo ko ay ang babaeng nakadikit sa kanya na parang linta.
Naka-tight bodycon dress, mahaba ang buhok, malaki ang hinaharap, at tumatawa nang malandi habang hinahawakan ang braso ni Deon.
Nanlaki ang mata ko.
Kilala ko 'yung babaeng 'yan.
Si Marissa.
Si Marissa ang huling babaeng kinama ko (bilang si Alexander) bago ako isinumpa ng matanda! Ex-girlfriend ko 'yan! Well, "flavor of the month" ko dati.
"Deon, you should totally come to my photoshoot later," rinig kong malanding tawa ni Marissa. "I can show you around... privately."
"Is that so?" nakangising sagot ni Deon. "Sounds tempting, Marissa."
Umakyat ang dugo ko sa ulo.
Literal na sumabog ang utak ko sa confusion.
Wait. Kanino ba ako nagagalit?!
Nagagalit ba ako kasi nilalandi ni Deon si Marissa na dating akin?!
O nagagalit ako kasi nilalandi ni Marissa si Deon na... halikan mate ko kagabi?!
DOUBLE JEALOUSY ACTIVATE.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Humakbang ako palapit sa kanila. Ang lakas ng tunog ng heels ko sa marmol na sahig. Tack. Tack. Tack.
"Excuse me," malamig na sabi ko.
Napalingon silang dalawa.
Pagkakita sa akin ni Deon, nawala ang ngisi niya. Napalitan ng isang seryoso, pero mapanuksong tingin. Alam ng gago na nagseselos ako.
"Alex," bati ni Deon.
Tumaas ang kilay ni Marissa sa akin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "And who are you? Assistant?"
Assistant?!
Gusto kong sabihing: Gaga, ako si Alexander! Ako yung kumama sa'yo sa hotel sa BGC last month at nagpa-iyak sa'yo!
Pero syempre, hindi pwede.
"Ako si Alexandra Valdaramos," mataray na sagot ko, humalukipkip ako. "And this is my building. At ikaw, Miss Marissa, you're blocking the line for the espresso."
Umirap si Marissa. "Oh, the new heiress. Right. Anyway, Deon..." Binalik niya ang atensyon kay Deon at hinawakan ulit ang lapel ng suit nito. "...I'll text you the address, okay?"
Tinignan ko ang kamay ni Marissa na nakahawak kay Deon.
Kumulo ang dugo ko.
Lumapit ako, hinawakan ko ang pulso ni Marissa, at dahan-dahang inalis ang kamay niya kay Deon.
"He's busy," malamig na sabi ko kay Marissa. "And he's not going to your photoshoot. He hates fake lighting. And fake people."
Nanlaki ang mata ni Marissa. "Excuse me?!"
"You're excused. The exit is that way," turo ko sa revolving doors.
Padabog na umalis si Marissa, nagmamartsa palabas ng building.
Pagkaalis niya, lumingon ako kay Deon. Nakangiti ang loko. Tuwang-tuwa.
"What?" inis na asik ko.
"You're jealous," bulong niya, lumapit sa akin nang konti. Naamoy ko na naman yung pabango niya. "Nagagalit ka dahil may kausap akong iba pagkatapos ng nangyari kagabi."
"Feeling mo naman! Nainis lang ako kasi nakaharang siya sa daan!" palusot ko. "At tsaka, bat di ka nag-text?!"
Punyeta. Nasabi ko nang malakas! Ang tanga mo, Alexander!
Lalong lumawak ang ngiti ni Deon. "Ah... so you were waiting for my text?"
"Hindi! Naghihintay ako ng update sa kotse ko, tanga!"
Tumawa siya nang mahina. Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang likod ng daliri niya. "Your car is safe sa repair shop ng casa. Don't worry, baby. Hindi kita ii-ghost. Gusto ko lang makita kung hahanapin mo ako."
Tinitigan niya ang labi ko.
"And seeing you possessive over me... makes me want to drag you back into that car right now."
Namilog ang mata ko. Umatras ako agad.
"M-magsama kayo ng Marissa mo! Mga dugyot!"
Tumalikod ako at mabilis na naglakad papunta sa elevator. Rinig ko pa rin ang mahinang pagtawa niya.
Bwisit. Panalo na naman siya.
THE GIRL TALK WITH LENA
Pag-uwi ko ng mansyon ng hapon, dumiretso ako sa kwarto ni Lena.
Nakadapa siya sa kama, gumagawa ng t****k dance gamit ang ring light niya.
"Lena," tawag ko, sabay patay ng ring light niya.
"Ate Alex! Anong ginagawa mo?! Pa-viral na 'yung video ko eh!"
Umupo ako sa gilid ng kama niya. Mukha akong pinagbagsakan ng langit at lupa.
"Need ko ng advice," seryosong sabi ko. "Pero 'asking for a friend' lang 'to ha. Hindi ako 'to."
Umupo si Lena at nag-cross legs. "Okay, spill the tea, sis. Sino ba 'yung friend mo?"
"Yung friend ko... medyo... 'boyish'," simula ko, kinakamot ang batok ko. "Tapos, may kaaway siyang lalaki. As in, laging nagbabaragulan. Gusto niyang sapakin 'yung lalaki palagi. Pero..."
"Pero?"
Napabuntong-hininga ako. "Pero kagabi, naghalikan sila ng lalaki. At imbes na masuka 'yung friend ko... nagustuhan niya. Tapos kanina, may nakitang ibang babae 'yung friend ko na kasama 'yung lalaki, at gusto niyang sabunutan 'yung babae. Anong tawag dun?"
Tinignan ako ni Lena.
Isang mahaba at seryosong tingin.
Tapos bigla siyang ngumiti nang nakakaloko.
"Ate Alex... halata namang ikaw 'yung friend na 'yun. At halata namang si Deon Ravena 'yung lalaki!"
"Sssshhh! Wag kang maingay!" tinakpan ko ang bibig niya. "Paano mo nalaman?!"
Tinabig niya ang kamay ko. "Ate, the tension between you two is so thick, you can cut it with a chainsaw! Plus, ang obvious mo magselos. Para kang asong naagawan ng buto."
"Eh anong gagawin ko?!" na-frustrate na ako. Napasabunot ako sa sarili kong buhok. "Lena, ayokong maging ganito. Ayokong maging mahina sa lalaki. Gusto ko, ako yung nagpapaiyak!"
Hinawakan ni Lena ang kamay ko. For once, naging seryoso ang kapatid ko.
"Ate, it's not a weakness to like someone," sabi niya. "Kung gusto mong sapakin pero gusto mo ring halikan... in love ka, sis. Welcome to the girl club."
In love.
Ako? Si Alexander The Great? In love kay Deon Ravena?!
"Hindi pwede," iling ko. "Hindi tama 'to."
"Bakit naman hindi? Kasi 'boyish' ka? Ate, love doesn't care if you act like a bro or a princess. Kung tinamaan ka, tinamaan ka."
Napahiga ako sa kama ni Lena at tumitig sa kisame.
Wala na.
Kumpirmado na.
Hindi na lang ang katawan ko ang nagbago.
Pati ang puso ko... bumibigay na rin sa isang Ravena.