ALEXANDRA’S (ALEXANDER) POV
Haharangin mo ako sa beer? Seryoso ka ba?
Nakatayo sa harap ko si Deon. Ang lalaking amoy "axe body spray" at ego. Nakangisi siya sa akin, yung ngiting 'alam-kong-bibigay-ka-rin'.
Alam ko ang ngiting 'yan. Ginagamit ko 'yan dati sa harap ng salamin tuwing nagpapractice ako ng seduction face. Pero ngayong nakikita ko na siya mula sa ibang perspective...
Ang sarap pala manapak.
"Feisty. I like that," ulit ni Deon, sabay hakbang palapit. Halos madikit na ang dibdib niya sa... well, sa bago kong dibdib.
Napataas ang kilay ko. "Back off, bro. Personal space."
Tumawa siya nang mahina. Yung tawang pilit pinapa-husky. "Playing hard to get, huh? I know your type, Miss...?"
"Alexandra. At hindi ako playing. Hard to get talaga ako dahil wala akong pake sa'yo. Now move, uhaw na ako."
Tinabig ko siya. Literally, ginamit ko ang balikat ko para banggain siya. Shoulder check. Dati, kapag ginagawa ko 'yun, tumitilapon ang binabangga ko.
Pero ngayon?
Boog.
Ako ang tumalbog. Muntik pa akong matumba dahil sa pesteng heels na 'to! Buti na lang nasalo ako ni Deon sa bewang.
"Woah there, easy," bulong niya sa tenga ko. Ang init ng hininga niya. "Falling for me already?"
Kinilabutan ako. Hindi kilig. Kadiri.
"Bitaw!" Tinulak ko siya at inayos ang dress ko. "Feelingero ampota."
Biglang sumulpot si Franco sa tabi ko. Mukhang taranta.
"Alex! Okay ka lang?" Tanong niya, sabay tingin nang masama kay Deon. "Pre, back off. Lasing na yata 'to."
"Franco!" Inakbayan ko ang best friend ko. Ang bigat ng braso ko sa balikat niya kaya medyo napadukwang siya. "Okay lang ako! Gutom lang ako at uhaw! Asan na yung beer?!"
"Alex, juice na lang..."
"BEER!" Sigaw ko.
Wala nang nagawa si Franco. Dinala niya ako sa table kung saan nandoon ang mga tropa namin si Jigs, si Bert, at si Ken. Mga dati kong kalaro sa basketball at kainuman.
Paglapit ko, natahimik silang lahat.
"Ui... chix," bulong ni Bert.
"Gago, kapatid ni Lena 'yan," sabi ni Jigs. "Si Alexandra."
Umupo ako sa gitna nila. Syempre, manspread ulit. Pero dahil masikip ang dress, nagmukha lang akong... ewan, palakang naka-gown?
Kinuha ko ang isang bote ng San Mig Light na nasa mesa. Binuksan ko gamit ang ngipin ko.
Tak!
Tumalsik ang tansan.
Nanlaki ang mata nilang lahat. Pati si Deon na nakatingin mula sa malayo, napahinto sa pag-inom.
"Wow..." sabi ni Jigs. "Ang astig."
Nilagok ko ang beer. Deretso. Walang hinto.
Glug. Glug. Glug.
Ubos.
Binagsak ko ang bote sa mesa. "Ahhh! Sarap! Isa pa!"
Dumighay ako nang malakas. BUUUUUURP!
Silence.
Lahat sila nakatitig sa akin. Si Franco, nakatakip sa mukha dahil sa hiya.
"Excuse me," sabi ko sabay punas ng bibig gamit ang likod ng palad ko. "Ano tinitingin-tingin niyo? Shot na! Paikutin niyo na yung baso!"
THE ALCOHOL TOLERANCE
Akala ko kaya ko pa.
Dati, kaya kong umubos ng isang case ng Red Horse nang hindi natutumba. Alexander Valdaramos is a legend when it comes to drinking.
Pero nakalimutan ko ang isang mahalagang variable: Biology.
Babae na ako. Mas maliit ang katawan. Mas mababa ang tolerance. At may mens pa ako.
Dalawang bote lang ng San Mig Light, at biglang...
Umikot ang mundo.
"Whoooo!" Sigaw ko habang nakatayo sa sofa. "Party party! Tugtugan niyo ng Budots!"
"Ate! Bumaba ka dyan! Nakikita na panty mo!" sigaw ni Lena na nasa baba, pero imbes na tulungan ako, naka-video lang siya. "Guys, she is wasted! #WildSister #OOTDgoneWrong."
"Budots! Sayaw tayo!"
Nagsimula akong gumiling. Pero dahil lalaki ako gumalaw, ang sayaw ko ay parang macho dancer na hinaluan ng zumba. Kumakaway-kaway ako habang pinipilit na mag-twerk (na hindi ko naman alam paano gawin kaya parang nag-squat lang ako nang paulit-ulit).
"Alex, tama na 'yan!" Hinila ako ni Franco pababa.
Bumagsak ako sa dibdib niya. Ang bango talaga ng gago.
"Franco..." ngumiti ako nang tabingi. Hinawakan ko ang pisngi niya gamit ang dalawang kamay ko. "Alam mo pre... mahal kita."
Nanigas si Franco. Narinig ko ang hiyawan ng mga tao sa paligid.
"Ayieeeee!"
"Sana all!"
"Love team!"
"Mahal kita pre!" ulit ko, medyo tumutulo na laway ko. "Ikaw lang ang... ang tunay na lalaki dito. Yung iba... mga supot!"
Namula si Franco hanggang tenga. "Alex... lasing ka na talaga. Uwi na tayo."
"Ayoko umuwi! Andyan si Daddy! Papagalitan ako nun kasi kumain ako ng hotdog nang buo!"
Biglang lumapit ulit si Deon.
"Looks like she's had enough, Franco," sabi ni Deon, sabay hawak sa braso ko. "Ako na maghahatid sa kanya. My car is outside."
Tinabig ni Franco ang kamay ni Deon. Mabilis. Matigas.
"Hindi na, Deon. Ako ang kasama niya. Ako ang maguuwi."
Tinignan ko silang dalawa. Ang lalabo na ng mukha nila. Pero nakikita ko ang tensyon. Parang magsusuntukan.
"Pre..." sabi ko kay Franco. "Suntukin mo... suntukin mo sa itlog..."
Tapos, bigla akong nakaramdam ng something sa tiyan ko.
Hindi kilig.
Hindi gutom.
Nasusuka ako.
"Tabi!" sigaw ko.
Kumawala ako kay Franco at Deon at tumakbo papuntang CR. Or kung saan man ang CR. Basta tumakbo ako sa pinto.
THE CR INCIDENT PART 2
Pagpasok ko sa isang kwarto, akala ko CR.
Kwarto pala ni Franco.
Madilim. Malamig. May kama.
"Perfect," bulong ko.
Humiga ako sa kama. Umiikot ang paningin ko. Ang sakit ng ulo ko. Ang sakit ng paa ko sa heels.
Sinipa ko ang sapatos ko kung saan-saan.
"Ayoko na maging babae," bulong ko sa kisame. "Lord, ibalik niyo na si Junjun. Promise, magpapakabait na ako. Hindi na ako mambababae. Magmamadre na lang ako."
Biglang bumukas ang pinto.
Akala ko si Franco.
Si Deon.
Pumasok siya at ni-lock ang pinto.
"So," sabi niya, habang naglalakad palapit sa kama. "Dito ka pala nagtatago, Sleeping Beauty."
Bumangon ako, kahit hirap na hirap. "Anong ginagawa mo dito? Lumayas ka nga! Teritoryo ko 'to!"
Umupo siya sa gilid ng kama. Hinaplos niya ang binti ko.
Mabilis pa sa alas-kwatro, sinipa ko siya sa mukha.
PAK!
Tumama ang sakong ko sa panga niya.
"Aray!" Napahawak si Deon sa mukha niya. "What the f**k?!"
"Sabi ko layas! Manyak!"
Tumayo ako, pero dahil sa hilo, nawalan ako ng balanse. Bumagsak ako hindi sa sahig, kundi kay Deon.
At sa sobrang malas ng pagkakataon, bumukas ang pinto.
Pumasok si Franco, kasama si Lena at ang ilang tropa.
Ang nadatnan nila:
Ako, nakadagan kay Deon sa kama.
Ang dress ko, medyo nakaangat.
Si Deon, hawak ang hita ko (kasi pilit niya akong tinutulak).
"ALEXANDRA!" sigaw ni Lena.
"What the hell is going on here?!" sigaw ni Franco.
Tumingin ako sa kanila. Tumingin ako kay Deon.
Ngumisi ako nang parang baliw.
"Guys... tinetesting ko lang kung... kung bakla siya."
Tapos, everything went black.
KINABUKASAN
Nagising ako sa isang pamilyar na amoy.
Bacon?
At isang pamilyar na boses.
"Gising na ang prinsesa. Or should I say, ang Amazonang Lasinggera."
Dumilat ako.
Nasa kwarto ako ni Franco. Nakasuot ako ng malaking t-shirt (damit niya siguro).
Nakatayo si Franco sa may pinto, may dalang tray ng pagkain. Pero hindi siya nakangiti. Seryoso siya.
"Alex," sabi niya sa mababang boses. "We need to talk. About what happened with Deon."
Wait. Anong nangyari kay Deon?
Sinipa ko siya sa mukha.
Tapos nadagan ako sa kanya.
Tapos...
Wait.
Kinapa ko ang katawan ko. Masakit ang balakang ko. Masakit ang ulo ko.
"Franco..." Garalgal ang boses ko. "Wag mong sabihing... may nangyari sa amin ni Deon?!"
Umiling si Franco. Lumapit siya at umupo sa tabi ko.
"Wala. Dumating kami agad. Pero Alex..."
Tinitigan niya ako sa mata. Yung titig na tumatagos.
"...bakit sinabi mo kagabi na mahal mo ako?"
NANLAKI ANG MATA KO.
Shit.
Did I say that?
Did Alexander Valdaramos, the King of Fuckboys, just confess feelings to his best friend?!
"Ha? Ah... eh..."
Nag-buffer ang utak ko.
"Lasing lang ako nun! You know me! Brotherly love! Bromance!"
"Brotherly love?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Hinalikan mo ako sa leeg, Alex. Bago ka tumakbo sa kwarto."
HINALIKAN KO SIYA SA LEEG?!
"What?!"
"And you grabbed my ass. Twice."
Napahawak ako sa mukha ko. Lupa, kainin mo na ako. Ngayon na.
This is the problem with muscles memory combined with hormones. My body acted on its own!
"Franco, listen. I was drunk. I thought you were... uh... a pillow?"
Bumuntong-hininga si Franco. "Kumain ka na. Ihahatid na kita sa inyo. Galit na galit ang Daddy mo. Nakita niya yung t****k ni Lena."
"Aling t****k?"
Kinuha niya ang phone niya at pinakita sa akin.
Video ko. Naka-minidress. Nakatayo sa ibabaw ng sofa.
Sumisigaw ng: "WALANG LALAKING MATINO! LAHAT KAYO MANLOLOKO! PERO GUSTO KO PA RIN NG HOTDOG!"
At ang caption: My sister exposing men while craving hotdogs. #DrunkTalks #AlexandraV.
Views: 2.5 Million.
Comments:
"Ganda niya pero parang kanto boy."
"I can fix her."
"Relate sa hotdog ate!"
"Is she single?"
Ibinalik ko ang phone kay Franco.
"Patay ako," bulong ko.
"Oo. Patay ka talaga. Kasi nasa baba si Daddy mo. Susunduin ka."
Napatingin ako sa bintana. Gusto ko nang tumalon.
Being a woman is hard.
But being a woman with a viral video about hotdogs and strict parents?
That’s a tragedy.