ALEXANDRA’S (ALEXANDER) POV
Kung may mas nakakatakot pa sa mawalan ng junjun, ito ay ang mawalan ng dignity sa harap ng tatay mo habang pinapanood niya ang video mo na sumisigaw tungkol sa hotdog.
Pagpasok ko pa lang sa mansion, ramdam ko na ang aura ni Daddy. It was the same aura I used to fear kapag nahuhuli akong nagka-cutting classes noong high school. Pero ngayon, iba ang bigat.
Nasa sala si Daddy. Nakaupo sa kanyang favorite leather armchair. Sa harap niya, naka-project sa malaking Smart TV ang t****k video ko.
"WALANG LALAKING MATINO! LAHAT KAYO MANLOLOKO! PERO GUSTO KO PA RIN NG HOTDOG!"
Paulit-ulit. Naka-loop.
"Dad..." tawag ko, medyo garalgal ang boses. Nasa likod ko si Franco, parang bodyguard na takot din mapagalitan.
Pinatay ni Dad ang TV. Dahan-dahan siyang lumingon. Kung nakakamatay ang tingin, kanina pa ako pinaglalamayan.
"Alexandra Valdaramos," panimula niya. Ang lamig ng boses. "Care to explain why my daughter, the heiress of the Valdaramos Group, is trending online as the 'Hotdog Queen'?"
Napalunok ako. "Dad, gutom lang ako nun! Tsaka lasing! You know how it is, diba? Boys will be boys, este, girls just wanna have fun?"
"Fun?!" Tumayo si Daddy. "Alexandra, halos atakihin sa puso ang Mommy mo! You were wearing a dress that barely covers your soul, standing on a table, screaming like a lunatic! Saan ka ba namin nagkulang? Pinagaral ka namin sa exclusive school for girls!"
Exclusive school for girls? Teka, Don Bosco ako galing! All boys yun!
Tumingin ako kay Franco. Nagkibit-balikat siya. Ah, oo nga pala. Altered reality. Sa mundong ito, Assumptionista siguro ako.
"Sorry na, Dad," sabi ko sabay yuko. Sinubukan kong ilabas ang charm ko. "Hindi na mauulit. Promise. Cross my heart."
"Talagang hindi na mauulit," madiin na sabi ni Dad. "Because you are grounded."
"Grounded?!" Nanlaki ang mata ko. "Dad! 25 years old na ako! Hindi na ako teenager!"
"You act like one! Until matutunan mong kumilos bilang isang disenteng dalaga, you are not leaving this house. No parties. No alcohol. And no..." Tumingin siya kay Franco nang masama. "...no sleeping over at boys' houses."
Namula si Franco. "Tito, wala pong nangyari. Natulog lang po siya sa guest room."
"I trust you, Franco," sabi ni Dad, pero bumalik ang tingin sa akin. "Pero ang anak ko? Hindi ko kilala ang pag-uugali niya ngayon. Mula bukas, magha-hire ako ng Personality Development Coach para sa'yo."
"Coach?! Ano ako, sasali sa Miss Universe?!"
"Kung kailangan, para lang tumino ka! Go to your room! Now!"
Wala akong nagawa. Padabog akong umakyat. Pero bago ako makalayo, lumingon ako kay Franco.
"Pre," bulong ko. "Text mo 'ko. Takas tayo bukas."
Umiling si Franco, mukhang disappointed. "Alex, makinig ka muna sa Dad mo. And... about last night..."
Hinawakan niya ang leeg niya kung saan ko daw siya hinalikan.
"Let's talk when you're sober."
Tinalikuran niya ako at lumabas ng bahay. Naiwan akong nakatayo sa hagdan, feeling ko... feeling ko basted ako. Pero teka, lalaki ako! Bakit ako masasaktan?!
THE MORNING AFTER: HANGOVER & VIRAL FAME
Kinabukasan, nagising ako na parang biniyak ang ulo ko.
The hangover was real. Dati, kaya kong mag-gym kahit puyat. Ngayon? Parang gusto ko na lang maging lumpia at balutin ang sarili ko sa kumot habang buhay.
Kinuha ko ang phone ko.
99+ Notifications.
Binuksan ko ang t****k.
Ang video ko? 5 Million Views.
Followers ko? From 200 (na puro dummy accounts ko dati pang-stalk sa ex) to 150k.
Ang mga comments:
"Slay, Queen! Hotdog supremacy!"
"Grabe ang ganda niya pero ang gaspang ng ugali. I like it."
"Notice me po! Kahit tadyakan mo ako okay lang!"
"Mga baliw," bulong ko habang nag-i-scroll.
Biglang pumasok si Lena sa kwarto ko. May dalang tray ng breakfast.
"Good morning, Internet Sensation!" bati niya. "Ang dami nang nag-i-inquire for collabs! May nag-o-offer ng Hotdog Brand Deal! Tsaka bikini sponsorship!"
"Ayoko. Tigilan mo ako, Lena. Grounded ako."
Umupo si Lena sa kama at kumuha ng bacon sa tray ko. "Sayang naman. Alam mo ba, trending ka rin sa Twitter? Ang tawag sa'yo 'The Brusko Barbie'."
"Brusko Barbie? Putek na yan."
"Anyway, may delivery ka sa baba. Galing sa 'Secret Admirer' daw. Pero feeling ko kilala mo."
Kumunot ang noo ko. "Admirer? Wala akong admirer. Haters marami. Sino daw?"
"Check mo. Iniwan ni Yaya sa pinto ng kwarto mo."
Tumayo ako at binuksan ang pinto.
Sa lapag, may isang malaking box. Black velvet box na may gold ribbon. Mukhang mamahalin.
Dinala ko sa loob.
"Buksan mo dali!" excited na sabi ni Lena, nakatutok na naman ang camera.
Tinanggal ko ang ribbon. Binuksan ko ang box.
Ang laman?
Isang Ice Pack at isang Pair of Boxing Gloves.
Nagtaka ako. "Ano 'to? Gagawin akong si Pacquiao?"
May nakasilit na card. Kinuha ko at binasa. Ang sulat kamay, elegante pero mayabang.
To the woman with the strongest kick in town,
My jaw still hurts, but my ego is intrigued. You owe me a dinner for the physical damage. Or a sparring session. Your choice.
P.S. You look better on top.
- Deon
Napuyumos ako ng kamao. Nilamukos ko ang card.
"DEON!" sigaw ko.
"Omg! Kay Deon Ravena?!" tili ni Lena. "Yung super yummy na anak ng Ravena Shipping Lines?! Ate! Ang haba ng hair mo! Siya yung sinipa mo sa party diba?!"
"Yummy?! Mukha siyang paa! At anong 'Better on top'?! Ang bastos!"
Biglang pumasok ulit si Daddy. Akala ko papagalitan na naman ako, pero nakita niya ang card na nilamukos ko at ang box.
Kinuha ni Dad ang card at binasa (kahit gusot na).
Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Daddy. Mula sa Hulk, naging Santa Claus.
"Deon Ravena?" tanong ni Dad, nakangiti. "Siya ang nagpadala nito?"
"Opo, Dad! Binabastos ako nyan! Sabi niya owe ko daw siya ng dinner!" sumbong ko. Ine-expect ko na susugurin ni Dad si Deon gamit ang shotgun.
Pero tumango-tango si Dad. "Good. Good family. Business partners natin ang Daddy niya sa logistics. Mabait na bata 'yang si Deon. Top of his class sa La Salle."
Napanganga ako. "Dad? Did you read the 'Better on top' part?! Bastos siya!"
"Baka naman ibig sabihin, better on top of... the corporate ladder?" palusot ni Dad. "Alexandra, you are grounded regarding parties. BUT..."
Tumaas ang kilay ko. "But what?"
"If Deon invites you to dinner, papayagan kita."
"WHAT?!"
"Kailangan mong matuto sa mga taong may class. Deon is a gentleman. Baka mahawaan ka ng pagka-disente niya. At isa pa, merging our families would be... beneficial."
Merging families?! Ano 'to, Bridgerton?!
"Ayoko! Manyak 'yon! Sinipa ko nga sa mukha eh!"
"That's exactly why you need to apologize. You will have dinner with him if he asks. That is an order."
Lumabas si Daddy na humuhuni pa ng kanta.
Naiwan akong nakatulala.
This is a nightmare. My nemesis the guy who represents everything I was and everything I hate now is being served to me on a silver platter by my own father.
At ang worst part? Alam kong nag-e-enjoy ang gago.
THE TEXT MESSAGE
Kinagabihan, habang nagmumukmok ako at nanonood ng s*x Education (para maka-relate naman ako sa struggles ng life), tumunog ang phone ko.
Unregistered number.
From: +63917xxxxxxx
Hope you liked the gloves. Wear them to dinner tomorrow? 7 PM. I'll pick you up. Don't be late, Brusko Barbie.
Gusto kong ibato ang phone ko. Paano niya nakuha number ko?!
Nag-reply ako.
To: Deon (Asshole)
Ayoko. Manigas ka.
Sent.
After 5 seconds, nag-reply siya.
From: Deon (Asshole)
Your Dad already said yes. Sinabi ko sa kanya na susunduin kita. He said magsuot ka daw ng something nice. See you, babe.
Napahagis ako ng unan.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!"
Pumasok si Lena. "Ate, bakit?"
"I'm going on a date with the Devil."
"Kay Deon?!" Lena squealed. "Can I do your makeup?! Please! Gawin kitang Latina Baddie!"
Wala na akong choice. Kung hindi ako sisipot, baka tanggalan ako ng mana ni Daddy. At kung mawalan ako ng mana, paano ako bibili ng matcha ice cream?
Kailangan kong mag-isip ng plano.
Kung kailangan kong makipag-date kay Deon, gagawin ko ang lahat para mandiri siya sa akin.
I will be the worst date in history.
Magmamanspread ako.
Didighay ako.
Kakain ako gamit ang kamay.
At higit sa lahat...
Isu-suot ko ang pinaka-panget na damit na mahahanap ko.
"Lena," sabi ko na may masamang balak. "Tulungan mo ako."
"Yes, Ate! Anong look? Sexy? Classy?"
Ngumisi ako. Yung ngisi ni Alexander Valdaramos bago gumawa ng kalokohan.
"Gawin mo akong... Manang."
Nanlaki ang mata ni Lena. "Ha?"
"Make me look like I'm about to attend a prayer meeting in 1980. Yung tipong anti-boner."
Bukas, Deon Ravena...
You will regret messing with the Apex Predator.
Even if the Predator is currently wearing a sanitary napkin.