BRGY. TAGPI Uminom si Pablo ng beer at nakatingin kina Junrey at Rene na abala sa plano nitong kidnap-for-ransom. Niyuko niya ang litratong hawak. Litrato diumano ito ng prinsesang dudukutin nila. Maganda ito at maliit ang mukha. May malabo itong freckles sa pisngi at ilong na nagpapatingkad sa dugong bughaw nito. Her short red-hair added the sharpness in her eyes. "Okay ka lang ba sa trip ni Rene, Pabs?" Nilingon niya ang kaibigang si Jerome na kasalukuyang humihithit ng sigarilyo. "Bakit?" Nasa isang abandonadong tren sila kinaumagahan para sa pag-pa-plano sa krimen. "Ang dukutin ang isang prinsesa?" Binuga nito ang usok pataas. "Di ba't parang buong bansa na ang kakalabanin natin pag ganun?" Di sumagot si Pablo. Hati ang opinyon niya sa gusto ni Rene. Sabi ng puso niya'y wag kasi m

