bc

Loving the Nation's Idol

book_age16+
879
FOLLOW
5.4K
READ
billionaire
possessive
friends to lovers
tomboy
princess
heir/heiress
drama
comedy
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Being the country's top idol and sought-after bachelor, people believe that Liam Allejo-Torres has it all — looks, fame and money.

What they didn't know is behind the lenses of the camera is a guy who wanted to be normal for once - eat, travel and act normal any guy in his age would do.

Pero paano kung isang pangkaraniwang-araw ng kaniyang buhay, may hindi siya inaasahang mangyayari?

His phone, containing all of his precious memories of his life off the spotlight, was snatched.

Thus the start of the wild goose chase.

Hinabol niya ang snatcher at sinundan kahit sa kasuluk-sulukan ng mga eskinita.

But when he was about this close in catching him, he discovered that the culprit wasn't a he but a SHE!

And he accidentally pulled off her shorts in the middle of a busy street.

Now, the Nation's Idol fate is now in the mercy of a his phone's snatcher and tomboyish - Islanda Mutya Macatuto!

chap-preview
Free preview
Stage 1: The Difference of HE and SHE
f*******: Page to read #LTNI for free (even with no data): •ᴥ• Happy Virus •ᴥ• and in f*******: Group: MARPLE DAME Stories. A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Magbasa at Mag-vote. ⭐ Enjoy! KASALUKUYANG naglalakad si Isla habang kumakain ng Stik-O nang makita niya ang grupo ng mga batang sumasayaw sa isang tugtugin. Bumagal ang paglalakad niya at hindi napigilang panoorin ang mga ito. "Give it to you, my nu nu nu nu nu nu nulpit!" bibong pagkanta ni Chichi, ang baklang bata na siyang leader ng grupo. Naka-headband pa ito na may malaking sunflower. 'Bboom Bboom' ng Momoland ang kinakanta nito na may kasama pang steps ng sayaw. Dahil hindi memoryado ang lyrics ay pilit na nag-iimbento ng lyrics si Chi-chi para lang masabing magaling ito sa Korean. Nangangapa naman ang mga batang nasa likuran nito para sumunod sa kaniyang bawat galaw. 'Anong orasyong pang-demonyo na naman kaya itong sumapi sa mga kabataan ngayon?' Natatawang tingin ang ipinukol niya sa mga ito sabay sipsip sa straw ng Coke niyang nakapaloob sa plastic. "Chigu my nu nu nu nu nu nu nu no touch! Hagu labyu labyu labyuuuu. . . oh my lover!" Nag-finger heart pa ito pagkatapos. "Wow! Ang galing mo, Chichi, ah!" pumapalakpak na sabi ni Isla. "Whaw!" Huminto si Chichi at pawisang lumingon sa kaniya na parang hinawi pa ang mahaba 'raw' nitong buhok. "Pwede ba? Nag-eensayo kami para sa darating na pista sa barangay natin!" Bumali nang konting Stik-O si Isla at ibinato rito. "Matatalo kayo niyan. Para lang kayong nangingisay na bulate." "Tumigil ka, Tomboy!" pakikay pa itong nagdabog. "Bakla!" tumatawang sigaw naman niya pabalik. "Pangit!" "Wow! Nahiya naman ako sa mukha mo!" "Dwende! Pandak!" "Ay. . . ang sakit mo namang magsalita..." Dahil sa height niyang 5'3" ay halos magkasingtangkad na sila ni Chichi. At dahil sa insecurity niyang iyon ay ayaw na ayaw niyang gawing biro ang height niya. "Walang ganyanan! Bata ka pa! Matuto kang rumespeto sa mga nakatatanda." Ngumisi si Chichi. "'Bata' rin naman 'ah?" "Huh? Twenty-three years—" "Bata ka pa... pam-'bata' ang height!" bwelta ni Chichi at malakas na nagsitawanan ang grupo nito. "Ikaw—" Kukunin na sana ni Isla ang tsinelas na suot para ibato rito pero mabilis na nagsitakbuhan ang mga ito papalayo. "Isla!" sigaw ni Empoy mula sa tindahan ni Aling Nena. "Halika rito! Tumagay ka na lang kasama namin! Huwag mo nang patulan ang mga bata! Pikon-talo ka na naman!" pasura-suray nitong sabi. "Heh!" pabulyaw niyang lingon sa mga katropang lasing na kahit kakatirik pa lang ng araw. "Umuwi kayo at maligo! Amoy na amoy ko hanggang dito ang mga kilikili ninyo." At tulad ng maikling height niya... maikli rin ang pasensiya niya. HABANG naglakakad sa gitna ng riles ng tren papuntang palengke para maglako ng isda ay hinila ni Isla ang pagkakasuot ng shorts niyang brown na lagpas sa tuhod ang haba. "Isla!" tawag sa kaniya ni Aling Bebang. Nilingon niya ang matandang nakasilip mula pintuan ng bahay nito na lamang lang ng dalawang paligo sa kaniyang pinagtagpi-tagping plywood na bahay. "Ho?" Huminto siya. 'May dalawang anak ito sa abroad. Hindi man lang tinulungan ang ina nilang gawan ng bahay?' "May pinaglumaan na damit ang anak ko rito. Baka may magustuhan ka. Naglilinis kasi ako at nakitang marami pang damit si Bebot na hindi na nagagamit." Tumalikod ang matanda at pumasok sa kabahayan nito. "Aba, sakto, Aling Bebang! Halos butas-butas na 'yong iba kong damit!" tuwang-tuwang sabi ng dalaga. BITBIT ni Isla ang isang plastic bag na naglalaman ng mga damit na binigay ni Aling Bebang. Binabagtas na niya noon ang daanan papunta sa kaniyang barong-barong. Niyuko niya ang dala. 'Wala na pala akong pambili ng pagkain mamayang hapunan.' Himutok niya. Bilang barker sa terminal ng mga jeep, namomroblema si Isla ngayong iilan na lang ang pasahero dahil bakasyon na ng mga estudyante. 'May laman pa kaya 'yong lalagyan ko ng asin? Eh, kakaulam ko lang ng toyo kaninang agahan. . . baka naman UTI* na ang kalalabasan ko nito.' [*UTI- Urinary Tract Infection, a kidney semi-infection due to too much salt/sweet intake] Sinipa niya nang mahina ang lumang blackboard na ginawa niyang gate upang makapasok sa bakuran niya. "Makautang nga uli kay Aling Dolores ng sardinas—Naku! Puro pagmumura na naman ang aabutin ko roon. . ." Huminto siya at niyuko uli ang dalang plastic bag. 'Teka. . . pwede ko 'tong ibenta sa palengke. Ukay-ukay! Tama! Makakapera pa ako kahit 250pesos lang—' Nabitin ang kaniyang 'Oplan-Pakainin-Ang-Bulate-Ni-Islanda' nang makarinig siya ng tilian sa katabing bakuran. "Sasali ako! Sasali ako!" tili ni Tilda. Ito ang nag-iisang anak na babae ni Kapitan Jerome na siyang kapitan ng Barangay Tagpi. "Tiyak mananalo ka riyan, anak!" Dinig ni Isla na segunda ni Aling Gloria, asawa ni Kapitan Jerome. Naglakad si Isla papalapit sa bakod na naghahati sa dalawang bakuran at tumingkayad para silipin kung anong pinagkakaguluhan nila. Lumingon si Tilda sa katabing ina at humalik sa pisngi rito. "Tanungin mo sa mga Event Organizer kung sino ang mga judges, Ma. Tapos sabihin mo sa kanilang dapat ako ang mananalo dahil anak ako ni Kapitan!" "Aba, siyempre, baby girl ko!" Lumabi pa si Aling Gloria at pa-cute na pinisil ang nagmamantikang pisngi ng anak dahil sa kapal ng make-up. "Titiyakin ko 'yan." Sinangga ni Isla ang palad niya sa taas ng kilay niya para takpan ang mga mata sa sinag ng araw habang pilit na inaaninag ang hawak na poster ni Tilda. "S-Search... for... for Miss..." "Search for Ms. Tagpi!" pakikay na dugtong ni Tilda na noo'y nakaharap na pala sa kaniya. Nakahulukipkip na ito at nakataas ang isang kilay na nakatingin sa kaniya. "Bakit? May plano kang sumali, Tomboy?" Ngumiwi si Isla. 'Ke-aga-aga, gusto agad sagarin ang pasensiya ko.' "Sinong may sabi? Eh, kung sino man ang sasali sa pageant na iyan ay tiyak kawawa —" Tumawa na parang bruha ang mukhang butete nitong ina dahil sa laki ng tiyan at sa iba't ibang koloreteng nilalagay sa mukha. "Kawawa talaga! Sa ganda ng Matilda ko?! Uuwi silang luhaan!" Sa mahinang boses, tinapos ni Isla ang sasabihin. "...kasi alam kong babayaran ninyo ang mga hurado..." "May sinabi ka?! Yah!" Bukas ang bibig ni Tilda habang dinuduro siya na parang ginagaya ang reaction ng mga inis na bidang babae sa mga K-Drama. Nasira ang mukha ni Isla at tinitigan ang mukha ni Tilda. 'Seryoso? Trip na naman nitong gayahin ang K-Drama? Kinain na ba ng mga Korean ang sistema ang buong Pilipinas ng mga Korean' "Tilda, okay ka lang?" "B-bakit?" natigilang tanong nito at nilingon ang ina. "Nabura ba ang kilay ko, Mama?!" natatarantang tanong ni Tilda. "Hindi naman, anak," pinagmasdan ni Aling Gloria ang mukha nito. "Okay pa naman ang mukha mo." Tinakpan ni Isla ang bibig sa likod ng palad niya para pigilan ang tawa. 'Ano raw? Okay pa naman mukha niya'? Okay?!' Iba nga naman talaga ang pagmamahal ng isang ina. "Anong ibig mong sabihin, Tomboy!" Taas-noo uli siyang hinarap nito. "A-ano kasi..." Kinagat niya ang ibabang labi para hindi bumulahaw ng tawa. "Tirik na ang araw." 'Mapiprito na mukha mo sa daming mantikang lumalabas.' "Masisira ang skin mong ke-puti-puti." 'Na alaga sa buwanang Gluta injections at Kojic.' "Hala! Oo nga mama!" Dali-daliitong tumakbo papalayo at pumasok sa bahay. Agad namang sumunod ang ina nito nang halatang hirap na hirap nangtumakbo. Ngiting tagumpay na inayos ni Isla ang pagkatago ng kaniyang makapal na buhok sa puting sombrero sabay rolyo sa manggas ng t-shirt niya sa may balikat. Kung gaano kabuti ang kalooban ni Kapitan Jerome, gano'n naman kaitim ang budhi ng asawa at anak nito. THE ENTRANCE tune of BTS' song 'IDOL' filled Liam's room that morning. ♫♪ You can call me artist, You can call me idol! anim eotteon dareun mweora haedo I don't care... I'm proud of it! nan jayuromne, No more irony ♫♪ naneun hangsang nayeotgie! ♫♪ Umungol si Liam mula sa ilalim ng comforter niya. Habang nakatalukbo sa makapal na kumot ay nilabas niya ang isang kamay at kinapa mesa para kunin ang cellphone. Patuloy pa ring umalingawngaw sa buong kwarto niya ang kanta. ♫♪I know what I am! I know what I want! I never gon' change! I never gon' trade! ♫♪ Mas lalong pang pinag-igihan ng kamay niya ang pagkapa sa mesa. At nang walang phone na mahawakan, inis na nilabas ni Liam ang ulo sa comforter. "f**k!" Sinilip niya ang walang lamang mesa maliban sa nightlamp niya. "Where the hell is that goddamn phone!!!" Naka-boxers lang siyang lumabas sa comforter at hinanap iyon. ♫♪ You can't stop me lovin' myself ~Hoo hoo! Eolssu jodaYou can't stop me lovin' myself! ♫♪ Groggy from his two hours sleep, his golden curls left unkempt and his blue eyes darkened by annoyance, he covers his two ears with both his hands. He either kicked or grabbed the week-old clothes on the floor to look for his missing phone which kept on ringing the Korean song. "Oh shut up!" sigaw niya. At tumigil naman ito sa kakatunog. He exhaled a sigh of relief. He knew the song. Young girls were on hype when the song was released on YouTube. He took a liking of it but he is certain that he never made it his ringtone nor his alarm tone. He doesn't hate it. It's just that his time is always on the run due to his busy schedule and the last thing he want right now is a song stealing that precious sleeping-time of his. ♫♪ You can call me artist, You can call me idol! ♫♪ Tunog uli nito. "I just want to sleep!!" Hapong-hapong bumagsak ang balikat ni Liam hudyat nang pagsuko dahil natitiyak niyang mahihirapan siyang hanapin kung saan man niya tinapon ang cellphone niya sa kalat ng kaniyang kwarto -- not just his room but his entire bachelor's pad*. Pabagsak nalang siya uling humiga sa kama at tinakpan ang buong mukha ng unan. As much as he wanted to resume his sleep, he can't unless he destroy that f*****g phone. [*Bachelor's Pad - is a home in which a single men resides. The interior design is of minimalistic. In Liam's case, his pad is on Earth tone/shade. Furniture of wood, marble floor in a color of wine red, curtains and other small details of the room are in Aztec colors of red, black, orange and white. The purpose of having a pad is to facilitate the owner on his daily activities EASILY. Such as entertaining friends and family.] NAKASUOT ng itim na sleep mask si Liam na nakatakip sa mga mata niya habang nakaupo sa backseat. Baka kahit naman papaano'y makatulog siya ng ilang minuto habang papunta sila sa Prima Nova, ang enteratainment agency na humawak sa kaniya. Prima Nova is a prime agency in the country controlled and owned by the largest conglomerate in the business world, Smith&Miller. Tahimik namang nagmamaneho ang driver niyang si Boyet. ♫♪ You can call me artist, You can call me idol! ♫♪ Liam cursed as he heard the song again. Kahit suot pa ang sleep mask, hinablot niya ang cellphone na nahanap niya sa ilalim ng kama kanina. He pressed the accept button on the screen then he answered the call. "That was a nice joke, Hailey." Narinig niyang tumawa sa kabilang linya ang babaeng manager niya. No one knew his unlock pattern on his IPhone except his manager. Therefore, he can only suspect Hailey. [Did You Know: That giving your personal mobile/computer/laptop password to your manager is required on some entertainment agency in case of emergency such as hacking.] "And it was a success. Nagising ka naman. Now, I need you here at Prima Nova. Any minute from now, magsisimula na ang meeting." And just like that, she ended the call. Inis na tinanggal ni Liam ang sleep mask at patapon na binaba ang cellphone sa tabi niya. "Damn!" Isinandal niya ang ulo sa headrest ng upuan at tumingala sabay masahe sa noo niya. "I need some decent sleep, Boyet and that hell of a manager is not giving me few hours to rest!" Tumawa lang si Boyet sa harapan at bahagyang tumingin sa rearview mirror para tingnan siya. "E, kasi naman, Sir... Tumakas ka kaya noong nakaraang linggo sa photoshoot mo para bumili lang ng sapatos. Alam mo namang mahirap galitin si Ms. Hailey." "The shoes are limited edition. Okay?" Liam turned his head towards the window and watched the squatters' area as they were passing by. Alas-tres kaninang madaling araw natapos ang video shoot niya para sa Vogue Italia. He can't postpone it because IT IS Vogue Italia, an internationally renowned fashion magazine that only covers top-caliber fashion icons. Pero dahil may meeting ang Prima Nova para sa taunang Community Outreach at bilang mukha ng Prima Nova – Philippines, dapat siyang dumalo. Sa ayaw man niya't sa gusto. Sa gusto man niyang matulog... o hindi. "Boyet." "Ho?" "I'm hungry." "Dadaan po ba tayo sa McDo o sa Starbucks—" "Nah. Gusto ko ng lutong bahay." "Pwede po. U-turn lang tayo sa unahan para puntahan natin bahay ng mama mo—" "Hanapan mo nalang ako ng karinderya." He tried to check coins on his pocket. "P-Po?" natarantang tanong sa kaniya ni Boyet. "Sir! Delikado! Wala tayong kasamang bodyguard! Baka dumugin kayo at saka may meeting ho—Nako! Magagalit si Ms. Hailey kapag—" Liam sat straight then tilted his body forward to tap Boyet's shoulder. "Ako bahala sa'yo. Doon, oh!" Turo nito sa karinderya sa gilid ng kalsada. "I just wanted to give Hailey the dose of her own medicine. She shouldn't mess with me." He grinned and grabbed a black wig and a blue-tinted sunglasses from a bag. PINAYPAYAN ni Isla ang sarili gamit ang kwelyo ng kaniyang kupas na orange t-shirt habang naglalakad papunta sa karinderya ni Aling Dona. Kakatapos lang niyang maglako ng isda sa palengke kaya sumisigaw na sa gutom ang tiyan niya. Umupo siya sa isa sa mga upuan sa gilid ng karinderya. "Aling Dona! Gutom na ako!" Sigaw niya sabay ngisi. "Tumigil kang bata ka!" Singhal naman pabalik ni Aling Dona na noo'y nagluluto sa may kusina. "Bayad muna bago kain!" "Huh? Wala namang karatolang nagsasabi na 'PAY AS YOU ORDER', ah." Kumuha siya ng baso sabay nagbuhos ng tubig mula sa pitsel at uminom ng konti at saka nilapag ang baso sa tabi niya. Lumapit sa kaniya si Mang Berto na asawa ni Aling Dona. "Isla, eight hundred sixty pesos na utang mo." Kahit inimporma siya nito sa utang niya'y naglapag pa rin ito ng kanin at isang bowl ng libreng sabaw sa harapan niya. Sa mahinang boses, humingi ito ng paumanhin. "Pasensiya ka na hija. Ito lang muna maipapakain ko nang libre. Baka bugbugin ako ni Misis mamaya pag malaman niyang nagbibigay uli ako ng libreng ulam." "Okay lang, Mang Berts." Nag-aprob pa siya. "Sapat na ito pantawid sa buong araw. Da best ka ho talaga!" "Ay Berto! Ayan ka na naman! Kaya 'di nagbabayad 'yan kasi sinasanay mo!" Lumabas ang pawisang si Aling Dona sa kusina. "Bigyan mo 'yan ng isang lumpia o paa ng manok! Nangongonsensiya na naman mukha niyan!" "I love you, Aling Dona!" Masaya niyang sigaw. Umiling nalang ang matandang babae at pumasok uli sa kusina. Matapos siyang bigyan ng isang pritong manok ni Mang Berto, masaganang nilantakan niya ang kaniyang tanghalian-s***h-merienda-s***h-hapunan. "It's been twenty minutes! Where are you, Boyet?!" Naiinis na sigaw ni Hailey sa kabilang linya. Napapikit si Boyet sa lakas ng boses ni Ms. Hailey sa kabilang linya at nag-aalalang nilingon ang among nakaupo sa labas ng bintana ng karinderya at prenteng kumakain. Mas lalong siyang namutla ng may taong tumabi rito na nakasuot ng kulay orange na t-shirt. 'Tang*na! Sana 'di siya mamukhaan!' "K-Kumain pa po k-kasi siya, M-Ms. Hailey—" "Kumaka— what?! Alam ba niyang siya nalang ang hinihintay rito sa meeting? "Gutom raw ho k-kasi siya—" "Or he just want to have his revenge on me for tinkering his phone?" "Ms. Hailey naman, e! Ako naiipit sa inyo!" reklamo ni Boyet. "Tell him... if I can't see even a shadow of him here in twenty minutes... ungol ng aso ang susunod kong gagawing ringtone sa phone niya!" Napangiwi si Boyet nang patayin ni Ms. Hailey ang tawag. TUMATAWANG kumakain si Isla habang nanonood ng Eat Bulaga sa maliit na TV ng karinderya. "'Langya! Ewan ko ba, Mang Berts, nababaklaan ako kay Alden. Natatawa ako sa mukha niya!" Ngumisi si Mang Berto na nagpupunas ng mga baso. "Ako nga rin, e! Sarap sapakin." "Luh? May galit po ba kayo kay Alden, Mang Berts?" Sumubo siya. Napatingala uli siya sa TV nang nagsimula na itong magpatalastas. "Ay! 'Yan ang gwapo!" Lumingon naman si Mang Berto sa TV. "Si Liam Torres? Ay, aba oo! Ganiyan ako katikas sa kapanahunan ko!" "Oh! Tingnan n'yo po." Napahinto na siya sa pagsubo at titig na titig sa mukha ng artistang si Liam na noo'y nag-e-endorse ng isang men's cologne. "Nakakalibog po mukha niya ano—" "Ugh! Ugh!" Napalingon si Isla sa katabi na noo'y pulang-pula ang mukha habang umuubo. Nagsilabasan pati ang kinain nitong kanin. "Ugh! Ugh!" Sapo nito ang dibdib sabay hinablot ang baso ng tubig ni Isla para uminom doon. Dinalawang lagok lang nito ang lamang tubig. "s**t!" Doon palang nahalata ni Isla na matangkad ito kahit nakaupo. 'Matangkad? O sadyang pandak ka lang, Islanda?' Inusisa niya ang kabuuan ng katabi. Matingkad ang puti nitong balat n sigurado siyang hindi alagang gluta katulad kay Matilda. Maitim na maitim rin ang buhok nito na parang... hindi tunay? 'Teka? Naka-wig ba ito?' At dala ng suot nitong blue na shades, halata ang matangos na ilong nito. 'Amerikano 'ata 'to, ah?' Ang mas nakakuha sa atensiyon ni Isla ay ang matitikas nitong braso na halatang disiplinado sa padyi-gym. Naputol ang pagbubusisi niya rito nang may lumapit na ka-edad nitong lalake at may binulong. Bahagyang may narinig pa siyang huli na raw ng mga ito sa meeting. Umuubo pa rin ang lalake na tumayo ito. 'Shems! Woah!' Halos mabali ang leeg ni Isla nang mapatingala siya sa tangkad nito! 'Oo na! Ako na pandak! Ako na dwende!' Na-emphasize pa lalo ang matataas nitong binti sa suot na gray jogging pants and itim na t-shirt. Bago ito umalis, naglagay ito ng isang libo sa mesa at naglakad na papalayo. Nang tuluyan na itong sumakay sa kulay puti na kotse at umalis, nilingon ni Isla si Mang Berto. "Mang Berts! Psst!" "Oh?" Nilingon siya nito habang nagpupunas na ng mga plato. "Sino 'yon?" "Sino?" "Yung katabi ko kanina? Iyong matangkad na lalake?" "Aba'y 'di ko kilala. Ngayon ko nga lang din nakita 'yon dito. Bakit?" "Foreigner 'yon, ano?" "Malay ko ba. Um-order lang naman iyon ng— hala! Umalis siya? Iyong bayad niya!" "Nag-iwan ho siya ng pera." Kinuha niya isang libo at inilahad rito. "Magkano po ba 'yong sa kaniya? Tiyak sobra ito." "One hundred forty pesos." "Huh? Iyon lang —" Natigilan si Isla at tiningnan ang pera sa kamay niya. Mabilis siyang nagkalkula kung magkano ang sukli nito. Eight hundred sixty pesos! Sakto ang sukli sa utang niya mismo sa karinderya. 'Hindi kaya ay...' Agad pinilig ni Isla ang ulo. 'Bakit naman niya babayaran utang ko?" HABANG nagmamaneho, sinisilip ni Boyet ang amo sa rearview mirror. Takip nito ang bibig gamit ang likod ng mga palad at nakatingin sa labas. "Sir?" "Hmm?" "Okay ka lang po ba?" "I am." "Bakit po kayo inuubo kanina?" Mata na naman nito ang tinakpan. "Wala." "Ba't po kayo namumula." "Wa-wala." [STAGE 2 PREVIEW:] "Pardo?" Napa-angat ang tingin ni Liam sa sinabi ni Zoey, ang Corporate Relations Officer ng Smith&Miller. "You'll be a judge on a barangay beauty contest." A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Mag-vote. ⭐

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
244.5K
bc

My Secret Marriage

read
129.1K
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
324.1K
bc

Denver Mondragon

read
72.7K
bc

My Secret Agent's Mate

read
122.4K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
253.6K
bc

The Empire Series: Von Liam

read
597.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook