Stage 2: Heartstrings

4637 Words
Enjoy! NAPALINGON ang lahat sa conference room nang pumasok si Liam. Agad nameywang si Zoey na siyang tumatayo bilang presiding officer ng meeting. "Glad you came... late, Liam." He removed his wig and sunglasses, revealing a blonde hair and blue eyes. Malapad siyang ngumiti. "Better late than never." Tapos nilingon niya ang sambakol na mukha ni Hailey at umupo sa tabi nito. Sa mahinang boses ay binalingan siya ni Hailey. "Stop doing that." "What? It's not as if I'm always late in meetings. I happen to be hungry. Ngiti ka na riyan." Pinisil niya ang pisngi nito. Umayos siya nang upo at tiningnan ang presentation slide sa harapan. "Oh! By the way..." Bumulong siya sa manager niya. "That's what you get from pissing me off." Hailey just rolled her eyes upwards and resume taking notes of the meeting's discussion. Nilibot ni Liam ang paningin sa loob ng conference room. Halos andoon lahat ng mga modelo ng Prima Nova - Philippines. Iyong may mga commitments, manager  ng mga ang tumatayong representative. "Oy!" Nakangiti niyang tango sa mga kakilalang modelo. The meeting is about the Prima Nova's Annual Social Community Outreach. Every year, as part of upholding the positive image of the entertainment agency, models are assigned with tasks that have something to do with the community. Paraan ito ng Prima Nova para turuan ang mga modelo nila na huwag lumaki ang ulo at marunong lumingon sa kanilang pinanggalingan. The assignments mostly spans from giving out uniforms to the street sweepers, working in an animal shelter, teaching on urban places and the likes. Liam is twirling his wig on his fingers as he was listening to Zoey laying the schedules. Dahil masiyadong abala ang mga modelo, pahirapan ang pagsingit sa assignments. "This time..." May kinuha si Zoey na isang basong may lukot na mga papel sa loob. "..we'll have a fair draw of the assignments." Napansin ni Liam na umani ito ng mga ungol sa ibang modelo. 'Huh? What's up with them?' "And I heard whines." Tumaas ang isang kilay ni Zoey. "May gustong mag reklamo? Ibahin natin ang mga assignments ngayon. Kung noon, sanay na kayo sa parati ninyong assignment. We'll do rotations this year. Inaabuso niyo na kasi. Nagbabayad kayo ng mga tao para gawin ang gawain ninyo." Kung ang nakatoka sa isang modelo ay pagtuturo ng mga bata, yun kasi uli ang gagawin nito sa susunod na taon, at sa darating pa. Some models paid other people to do their dirty works which defeats the purpose of Community Outreach. "Let's start," Lahad ni Zoey sa baso. "You, Kyla. Pick one paper in the glass and tell me the number." Kumuha naman ang morenang modelo at binasa ang numero na nakasulat sa papel. "Forty-one." Zoey clicked a button on the laptop which revealed some words on the wide whiteboard behind her. "You'll be assigned to do a feeding program in Cebu." "Not bad," nakangiting ani ni Kyla. Then the draw continued for the other models. "Hailey." Liam slide his chair towards his manager. "Total, alam ko naman kung anong maging assignment ko, can I go? I really wanted to steal some hours of sleep." Inis na nilingon ni Hailey ang alaga. "Wala talaga ang utak mo rito, ano?" "Why are you so agitated today? Period mo ba?" "Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Zoey? Napagdesisyunan na nga ng board na taon-taon na nilang i-re-re-shuffle lahat ng assignments. Who knows, you might be cleaning a public toilet this year." "Liam." Napa-angat ng tingin nilang dalawa kay Zoey na may tinuro sa likod niya. "Ow, sorry." 'Di niya namalayang siya na pala ang susunod na bubunot. Kinuha niya ang baso na lahad ng isang manager at bumunot ng isang numero. "Seriously? Wala ba akong immunity? I booked more than half of works this year," napapailing niyang sabi. "Seventeen." Taas niya sa numero. "No special treatment this time, Liam." Ani ng babae at may pinindot sa laptop. Binalingan uli ni Liam si Hailey. "Now, can I go home and sleep —" "You'll be a judge on a barangay beauty contest." Napa-angat ang tingin ni Liam sa sinabi ni Zoey, ang Corporate Relations Officer* ng Smith&Miller. "Pardon?" [*Corporate Relations Officer - handles public relations for a company. They handles promotion, presscons, interviews and double checks that everything that exits the company will not tarnish its name.] "You'll be a judge on a barangay beauty contest." Ulit ng babae. "But... I'm supposed to be at a Home for the Aged—" Nilingon siya uli ni Hailey. "Alam mo, kailangan mo nga talaga ng tulog. Hindi mo talaga naintindihan ang sinabi ni Zoey kaninang may re-shuffle nga ng assignments ngayong taon?" Sinapo ni Liam ang noo. "I promised Pablo I'll be back this year." Si Pablo ay isang ulyaning 45-years old na lalakeng  naging kaibigan niya sa Sta. Clara Home for the Aged kung saan siya taon-taong naka-assign bilang caregiver sa mga matatandang iniwan o inabandona ng kanilang pamilya. Sta. Clara may be home for the old people, yet they opened their doors to mentally-handicapped person. At isa nga roon si Pablo na paborito ni Liam dahil kahit wala ito sa matinong pag-iisip ay tahimik lang itong ngumingiti    NANGUNGULANGOT ng ilong si Isla habang nakatingin sa mga ka-tropang naglalaro ng baraha sa harap ng tindahan ni Aling Nena. Nakapatong ang isang paa niya sa bangko na gawa sa kahoy at titig na titig sa mga barahang hawak ni Junrey. Ngumisi siya at may binulong sa kaibigan. "Ah! Madaya ka, Isla!" inis na turo sa kaniya ni Empoy na noo'y kalaban ni Junrey sa laro. "Umalis ka riyan sa likod ni Junrey! Nagtuturo ka na naman, e!" Kamot pa nito sa ulo. "Talo na nga ako ng isang daan!" Kinagat ni Isla ang ibabang labi saka ngumiti. "May magagawa ka ba kung sadyang ma-swerte ako?" kibit-balikat pa niya. Binato siya ng balot ng Maxx candy ni Loloy na siya namang pangatlong manlalaro sa baraha. "Iba ang ma-swerte sa madaya, Isla." Umingos siya. "Para namang 'di mo niloloko asawa mo—" Tumatawa siyang umiwas ng tsinelas na naman ang binato sa kaniya. Umani ito ng mga tawa sa mga nakikinood sa laro. "Umalis ka nga! Tang*na! Marinig ka pa ng asawa ko!" Nahinto sila sa pagtawa nang humihingal na lumapit si Chichi na may dalang poster. "Tay! Tay!" Tawag nito kay Junrey. "Sali ako sa contest! Please!" "Kung isilid kaya kita sa isang kahon at itapon sa dagat?!" Inambanan pa ni Junrey ng suntok ang anak. "Hubarin mo nga 'yang suot mong bra! Wala kang dede! Pareho lang kayo ni Isla. Bra-bra pa, e, wala namang tinatago—P*ta!" Sigaw nito nang sapakin ni Isla ito sa ulo. "Wag mo ako isali sa problema niyo, oy! Hindi kayo inaaway ng dede ko!" Napatingin siya sa poster na hawak ng batang bakla. "Patingin niyan." Parehong poster ito sa nakita niyang hawak ni Matilda kanina. Hinablot niya iyon sa bakla. "Search for Ms. Tagpi 2018." "Tay... please... sasali ako! Malaki premyo! Fifty Thousand Pesos!" Lumabi si Chichi at yumakap sa malaking braso ng ama na puro tattoo. "Tumigil ka nga, Chichi!" Hablot ni Junrey sa braso. "Miss nga ang hanap 'di ba? Sa Miss pa lang talo ka na! Humanap ka nalang ng babaeng pwede mong bihisan tapos hati kayo kung manalo man sakali." "Sino? Si Tilda? Yuck! Taas nga ng baba no'n. Ubos na ang make-up ko sa baba palang niya." "Si Isla... babae si Isla." Biglang singit ni Empoy. Natahimik lahat at lumingon kay Isla. Patuloy pa ring nangungulangot siya ng ilong si Isla habang nakatingin sa poster. Pagkatapos ay pinahid ang daliri sa suot na t-shirt. Napailing nalang si Junrey sa nasaksihan. "Maglaro na nga uli tayo."    KINAUMAGAHAN, maganda ang mood ni Liam habang minamaneho niya ang itim niyang Ford Ranger na kotse papunta sa Sta. Clara's Home for the Aged. Napagdesisyunan niyang bisitahin nalang si Pablo bago pa humigpit uli ang schedule niya. He slowed down his speed upon entering the gate of the said retirement home then parked his car on the parking lot. Lumabas siya at hinila ang malaking box sa likod ng kotse. Lumapit ang isang matandang madre sa kaniya. "Liam, hijo." He smiles widely. His blue eyes were animating the lively rays of the sun. "Sister Maria," bati niya rito. "Mabuti naman at nakabisita ka." "Opo." Lifting the box off the car, he followed the elderly lady inside the home. "Napa-aga bisita ko. Nag-re-shuffle kasi ng assignments kaya hindi na ako muna ako ma-a-assign dito sa mga susunod na mga taon. Rest assured, I'll be visiting here once in a while." "Liam!" Huminto siya at nilingon ang dalawang matatandang lalake na noo'y magkaharap at naglalaro ng chess sa may bintana. "Looking good, Herbert!" Kindat niya. "Bagay sa'yo ang gupit mo ngayon. Tiyak na sasagutin ka na ni Ms. Ging niyan." Tumawa ang sitenta y otso anyos na matanda. His toothless smile made Liam's day. May crush kasi ito sa batang nurse doon na si Ging. "Pwede na ba?" "Pwedeng-pwede." "Ako, Liam?" Singit ni Lolo Gil na siyang kalaro ni Lolo Herbert. "Magkamukha na ba tayo?" "Definitely. It seems like we're twins. Are you my long-lost twin?" Malakas na nagsitawanan ang dalawang matanda. Nagpaalam siya sa rito at nagpatuloy sa paglakad. He brought a lot of adult diapers, vitamins and milks for all the elderly in the retirement home. Napamahal na sa kaniya lahat ng mga pasyente roon. In here, Liam feels he can be himself without pretending. Nilapag niya ang box sa sahig ng opisina ni Sister Maria. "Si Pablo po, Sister Maria?" "Ah! Baka nasa hardin na naman. Sa may fountain." Tumango siya sa madre at pinuntahan na ang pakay. Upon reaching the garden, Liam saw the middle-aged man playing the waters of the fountain. "Pablo!" Tawag niya rito. Mula sa pagkakaupo sa rim ng fountain ay lumingon ito sa kaniya at tumawa na parang bata kahit ang mga mata nito'y nagliliwaliw sa iba't-ibang direksyon.    NAKAUPO sa sidewalk si Isla na pawisan mula sa pag-ba-barker. 'Gutom na naman ako...' Yumukod siya para patahanin ang sumisigaw niyang tiyan. Inalala niya kung kelan siya huling nakakain ng kanin. 'Dalawang araw na pala ang nakakalipas.' Napatingin siya sa mga ipis na labas-masok sa kanal. 'Tae... kung may magic lang ako... ginawa ko na kayong kanin kanina pa.' Tumingala siya sa mga ibong lumilipad sa langit. 'At kayo naman mga ulam...' "Isla," tawag sa kaniya ng tsuper ng jeep. "Ho?" Agad siyang tumayo at lumapit sa bintana nito. "Oh! Wampipti!" Lahad nito ng isang daan at isang singkwenta pesos. "Mang Johnny... sobra po ito," Aniyang niyuko ang perang nasa palad niya. Pag-nag-ba-barker ka kasi, 5 pesos hanggang 10 pesos lang ang binibigay ng mga driver. "Namumutla ka na." Tinampal ni Mang Johnny ang puti niyang sombrero. "Halatang hindi ka pa kumakain." Ngumiti nang malapad si Isla. "Salamat po! Asahan ninyo, pagbubutihin ko pagsigaw bukas!" 'Love talaga ako ni Lord!' Mabilis siyang lumayo at naghanap ng makakainan.    KINATANGHALIAN, himas-himas na ni Isla ang busog niyang tiyan habang may kagat na toothpick. Huminto siya nang may nakitang nagkukupulang mga tao sa bakuran nila Kapitan Jerome. "Huh? Anong meron—" "Tabi!" sigaw ng kung sino mula sa likod niya. Agad siyang tumabi para padaanin ang dalawang babaeng kilalang chismosa sa barangay nila na mabilis na tinakbo papunta sa isang bahay sa may di-kalayuan. "May nanalo ba sa lotto? O may nagrarambulan na naman?" Sa Brgy. Tagpi kasi kung saan andoon lahat ng klase ng tao at ihahanda mo na talaga sarili kung biglang may bubulagtang patay sa harapan mo. Hinablot niya ang tumatakbong batang napadaan. "Teka, bata! Ano meron?" "Nadisgrasya si Tilda!" Ngumuwi si Isla. "Ses! Sana matuluyan! Totoo ngang matagal mamatay ang masamang damo." Nang tuluyang makalapit ay may nakitang ambulance si Isla. "Huh? Gano'n ba talaga kalala ang nangyari para tumawag ng ambulansya?" Tumingkayad siya para kahit papaano'y makasilip sa kung anong nangyari sa bakuran. "Sayang, sana sa susunod sasakyan na ng punerarya ang makita ko." "Baby! My baby girl!" umiiyak na sigaw ni Aling Gloria. "Tabi! Tabi!" sigaw naman ng medic. Nahawi ang mga tao at nakita ni Isla na nakasunod si Aling Gloria sa stretcher kung saan nakahiga si Tilda. 'Oh? Tapos?' Nagtatanong na tingin niya kay Tilda na noo'y pinasok na sa loob ng ambulance. 'Anong meron? E, Kung tutuusin mas sakitin pa nga akong tingnan sa kaniya.' Parang wala namang nangyari kay Tilda. Walang pasa, bali o dugo. 'Gumagawa na naman ito ng eksena, sigurado!' Gusto kasi nito na parati itong bida. Gustong ito palagi ang topic ng buong barangay. Kinalabit niya ang isang medic na nagbabarikada sa mga taong gustong makiusyoso. "Kuya! Kuya!" "Oh?" "Ano pong nangyari sa kaniya? Malubha po ba kalagayan niya?" "Ahh... nakagat lang ng pusa ang kamay niya." Pusa? 'May paiyak-iyak pa si Aling Gloria na para bang nasa bingit ng kamatayan ang anak nito at may pa-ambulansya pa itong nalalaman?!' 'Nakagat lang pala ng pusa?! Anak ng—Jusme!' Umalsa ang inis ni Isla. "Ay naku, Kuya! Sa Mental Hospital n'yo siya dalhin! May sayad 'yan! Nako! At saka kasuhan n'yo siya ng Public Disturbance*! Tae 'yang mukhang Ai Ai Delas Alas na iyan! Kabanas!" [* Public Disturbance Act – is a law sued to someone that causes any noise, sound or signal which unreasonably disturbs the comfort and peace of another person or persons.]    KINAGABIHAN, nasa harapan na naman uli sila ng tindahan ni Aling Nena. At dahil may nanakaw na naman ang mga ka-tropa niyang umabot thirty-thousand pesos ang halaga ay mukhang may pista ngayon doon. Nag-iinuman na naman ang mga herodes. Pilit din nila siyang pinaiinom ng alak pero tumanggi siya. Okay na siya sa isang Sprite Mismo na softdrink. Sa pagnanakaw nabubuhay sina Empoy, Junrey at Loloy. Miyembro sila sa Batang Tagpi, ang grupong itinatag ng tatay-tatayan niyang si Tay Rene. Gaano man kaaya-aya ang mga pera o gamit na nananakaw ng mga ito ay 'di pa rin sumagi sa isip ni Isla na sumapi sa grupo. Sapat na sa kaniya na nalilibre siya ng kain pag naka-ka-jackpot ang mga ito. Naniniwala kasi siya sa kasabihang —"Don't give man a fish. Teach man how to fish." Mas mabuti iyong nakaranas siya ng paghihirap dahil doon siya natuto kung paano maging madiskarte sa buhay. Kung aasa lang siya sa nakaw-nakaw ay 'di niya kailanman mabibigyang halaga ang katagang  'pagpupursigido.' At tsaka mahirap sumapi sa kanila. One wrong move baka sa selda na matutulog buong buhay. Pero 'di ba't okay din sa presinto? Libre pagkain. Hehe. Matapos ubusin nang tatlong lagok ang Sprite niya, sumubo naman siya ng isang lollipop. Oo nga, pahirapan nga naman ang pagnanakaw kasi hindi madali mangupit.  Pero ang lalaki ng katawan ng mga ito. Pwede naman silang maging kargador sa pier o tulad niya, naglalako ng isda sa umaga, barker sa tanghali at tig-linis ng Public CR ng plaza sa gabi. Sadyang gusto ng mga ito ng instant money. "Makaka-diabetes ka niyan, Isla," babala ni Aling Nena na sumilip mula sa tindahan nito. "Kakainom mo pa lang ng Sprite, lollipop na naman nilalantakan mo." "Ako 'yong sinasabi nilang sweet tooth, Aling Nena," nakangising sabi niya. "Uminom ka ng maraming tubig pag-uwi. Kuu, bata ka!" "Excuse me." Napalingon sila sa nakabukas na bintana ng kotseng pumarada sa tapat ng tindahan. "Saan po ang kina Kapitan Jerome Sandoval?" tanong ng may-edad na baklang driver. Tinuro ni Isla ang nag-iisang malaki at konkretong bahay sa Brgy. Tagpi. "'yang bahay na 'yan. Sa kanila 'yan. Ano sadya mo? Parang wala yata sila riyan, e." 'Kasi na-ospital 'yong OA nilang anak dahil nakagat ng pusa.' Gusto pa sana niyang idagdag iyon pero tumahimik na lang siya. "Ah, gano'n ba? Nag-rent kasi sila ng gowns para sa anak nilang sasali sa contest—" Biglang umeksensa si Chichi. "Ay! Siya!" turo ni baklita sa kaniya. "Siya ang anak ni Kapitan Jerome na sasali sa contest—" Sinampal niya ang noo nito. "Uy! Tumigil ka nga! Ke-bata-bata mo pa, nakikisawsaw ka sa usapang matatanda." "Ah? Siya pala?"  Na-bwesit si Isla sa bruhang driver na kung tumingin sa kabuuan niya, mula sa suot na puting sombrero, green basketball jersey at kupasin na maong na shorts, ay parang nakaka-offend na. "Oo, siya nga!" excited na tango ni Chichi na binuksan ang backseat ng kotse at kinuha ang mga gowns na naka-hanger. "Ito ba ang mga gowns?" Napa-iling nalang si Isla. Halatang gowns ang sadya ni Chichi. Matapos nag-usap si Chichi at noong nagpaparenta ng gowns ay umalis na rin naman ito. "Taray~!" tili ni Chichi sabay taas sa kulay pulang na gown na may kung ano-anong beads. "Ang ganda..." Namamangha pa ring sabi nito. "Oy! Isauli mo yan, Chichi," utos ni Junrey sa anak. "Anong mapapala mo riyan?" "What else pa ba?! Edi isusuot ko sa contest!" "Nahihibang ka na ba?! MISS TAGPI nga 'di ba? Hindi MISS GAY TAGPI. Isa pa at malilintikan talaga kita." Nagsitawanan ang mga ka-tropa nila sa tindahan. "Tay naman!" nagdadabog na angla ni Chichi at nag-adjust pa ito ng bra sa imaginary na dibdib nito. "Sayang ang gown!" "Bakit mo kasi 'yan kinuha? Kapag 'yan napunit, ikaw ang isasangla ko!" "Chichi..." singit ni Isla. "Kahit anong gawin mo, madi-disqualify ka lang. Magpa-s*x change ka, baka siguro may chance ka pa." "Tay... Please..." Hindi siya nito pinansin at patuloy pa ring binulabog ang barakong ama. "Heh!" Iwinasiwas ni Junrey ang kamay at nagpatuloy sa pag-inom ng beer. "Kay Isla mo 'yan ibigay—" Tumayo si Isla mula sa pagkakaupo sa hollowblocks na pinagpatongpatong at nagpagpag ng shorts. "Bahala kayo riyan. O, siya... matutulog na ako. Baka kung saan pa umabot ang pag-uusap na'to."    PATALON-TALONG naglalakad si Isla sa gitna ng riles pauwi sa kaniyang barong-barong nang may napansin siya sa bahay ni Aling Bebang, ang matandang nagbigay sa kaniya ng mga damit. "Hmm? Alas-onse na, a? Bakit nakabukas pa ang ilaw sa bahay ni Aling Bebang?" Kinibit-balikat lang niya ito at nagpatuloy sa pagtalon-talon papauwi. Nang makapasok sa barong-barong niya, binuksan niya ang nanghihina bombilya sabay iniwan ang tsinelas sa labas ng pinto. Nag-unat siya ng mga braso at mga binti bago sumalapak sa sahig niya na may plastic carpet sabay kuha sa isang magazine na nakapailalim sa unan niya. Isa iyong Food Magazine kung saan naka-feature ang Ducasse, isang international store na nagbebenta ng mga sweets at desserts kagaya ng cookies, ice cream, candies, at ibapa. Sa Paris nagmula ang tindahang iyon at ngayon nga ay mayroon na rin saPilipinas. Parang timang na ngumiti si Isla sa litrato ng tindahan sa magazine. "Makakakain din ako rito." Nilingon niya ang Nestle Ice Cream na tupperware sa ilalim ng kaniyang maliit na mesa kung saan sinisilid niya ang sweldo niya sa tatlong trabaho. Kinuha niya ito, binuksan at binilang ang pera. "Two thousand... fifty... two pesos." Kampante siyang nagbuntong-hininga. "Magkano nga uli 'yong isang serving nila roon ng chocolate fountain?" Pangarap talaga ni Islanda na makapasok at kumain doon mula nang nabalitaan niyang nagbukas ng branch ito sa Pinas. It's her paradise kumbaga. Kaya nga doble kayod si Isla sa pagbabanat ng buto. Humiga siya sa matigas niyang banig at nag-imagine na napapalibutan siya ng naglalakihang marshmallows. Kinikilig na humagikhik siya. Binalingan niya ang tarpaulin ni Coco Martin sa Nescafe advertisement nito na ginawa niyang pantapak sa butas ng plywood. "Yummy~" Kopya niya sa famous tagline nito. Hinila na siya ng antok na Ducasse pa rin ang nasa isipan niya.    WEARING only a black jogging pants, Liam pulled the towel from his bag after his boxing session. He wiped the sweat trailing from his neck to his bare upper body. Lumapit ang may-ari ng gym at personal trainer niyang si Vic. "Liam, araw-arawin mo kaya ang padyi-gym dito?" "Hmm?" Nagtatanong ang mga asul niyang mga mata habang umiinom ng protein shake sa steel tumbler. "Malaki kasi ang kita ko kapag andito ka." "Loko." He draped the towel on his head. "Totoo nga! Tingnan mo." Nginuso nito ang mga babaeng nag-i-stretching 'kuno' pero pasimple namang tumitingin kay Liam. "'Di ba, hindi mga pamilyar mga mukha niyan? Mga bagong salta 'yan dito sa gym ko. Alam mo ba dumarami ang nagpapa-enroll sa gym ko nang dahil sa'yo?" Umupo si Liam sa bench at nag-suot ng sapatos. "Give it a break. They came here because of your advance gym equipments." Tumingala siya rito. "Not because of me." Tumayo siya at kinuha ang puting v-neck shirt. Napatawa nalang si Vic nang makarinig siya ng mga singhap sa mga babae nang nag-inat ng braso si Liam para suotin ang t-shirt na hawak. "P*ta! Kahit pagbibihis mo, pinaglalawayan ng mga babae." "Tumigil ka nga." Siko ni Liam ang braso nito. "Ano ang regimen ko bukas?" "Ah! 500 push-ups at 500 squats tapos Muay Thai* session." [*Muay Thai – a combat sport that uses fists, elbows and knees.] "Okay," sagot lang niya sabay sukbit sa gym bag sa balikat. "I gotta go. I have a brunch meeting with a magazine editor." "Sexy ba?" "What the—" Napatawa siya sa pagiging chickboy nito kahit may asawang tao na. "Lalake ang editor, okay? Kung gusto mo, kayo na mag-date."  Naglakad na siya papunta sa elevator. Mabilis na pinindot niya ang ground floor button sa elevator panel para sumara agad at 'di makapag-selfie sa kaniya ang dalawang babaeng nagmamadaling naghabol sa kaniya.  Matapos umupo sa likod ng manibela sa kotse ay basta-basta lang niyang itinapon ang gym bag sa backseat. Kinuha niya sa bulsa ang kanina pang tumutunog na phone niya sabat sinagot iyon. "Hey." Hailey: "Have you receive my text?" "Text?" He started his black Ford Ranger's ignition and maneuvered the car outside the underground parking lot. "What text?" Hailey: "Kung saan ka mag-huhurado ng beauty contest?" "Are they for real, Hailey? I mean, I don't see anything wrong being a judge in a contest but..." He swivels the car for a sharp turn. "...but w-what's the sense?" Hailey: "Well, it goes to show that the country's top idol is willing to set foot on a squatter's area." "What do you mean squatters?" Binagalan niya ang takbo ng kotse niya ng naipit na siya sa traffic. Hailey: "Check my message. Bye." With one hand resting on the driver's wheel, Liam unlocked his phone and saw a message from her. Binuksan niya iyon. "Barangay? Huh?" He read it slowly. "Search for Ms. Tagpi 2018. Where on earth is Barangay Tagpi located, anyway?"     NAGLALAKAD si Isla sa riles ng tren. Kasalukuyan niyang itinatago ang mahabang buhok  sa puting sombrero na suot nang makita niya uli ang bahay ni Aling Bebang. Huminto siya. Katulad kagabi, nakabukas pa rin ang pintuan at ilaw nito. Nakaramdam siya ng kaba. Mga ganitong oras kasi ay nasa hardin nito ang matanda at nagwawalis. Ewan ba niya't parang may iba siyang nararamdaman kaya mabilis na humakbang ang mga paa niya papalapit sa bahay nito. "Aling Bebang?" Sumilip siya sa loob pero walang siyang nakita ni anino nito "Aling Bebang?" Tuluyan na siyang pumasok nang wala pa ring sumasagot. "Aling— Aling Bebang!" Agad siya tumakbo at napaluhod sa tabi nang nakahandusay na katawan ng matanda sa kusina. "Aling Bebang! Aling Bebang!" Niyugyog niya ito. Nang hindi ito ito sumagot gumalaw ay nataranta na siya. Lumabas siya sa bahay at malakas na sumigaw. "Tulong! Tulong!"    TUMAYO si Isla at si Empoy mula sa pagkakaupo nila sa waiting area ng hospital nang lumabas ang doctor na tumingin sa matanda. "Doc," salubong niya rito. "Anak ka ni Lola Beverly?" Natigilan si Isla. Nilingon niya ang katabing si Empoy tapos umiling. "H-Hindi po. A-Ano po... kapitbahay lang po ako." "Nasaan mga kamag-anak niya?" "Nako, Dok." singit ni Empoy na kasama niyang nagsugod sa matanda sa pampublikong pagamutan. "Nasa abroad dalawang anak niyang lalake pero ni isa ay walang lumilingon sa kaniya. Kawawang Aling Bebang." Mabait si Aling Bebang kay Isla. Ito 'yong nagbibigay sa kaniya ng mga damit at kung ano-ano pa. Nagbibigay rin nga ito ng bigas o ulam sa kaniya pag nakaluwag-luwag ito sa natatanggap na buwanang pension. Sa hiya ni Isla ay siya na mismo ang umiiwas na dumaan sa harap ng bahay nito kasi alam niyang naghihirap din ito. Kung nasa malapit lang ang dalawang anak nito, bugbog sarado na ang mga ito sa kaniya. "A-Ano pong nangyari sa kaniya, Doc?" "Intake siya sa puso. Dahil sa matanda niyang edad, mahina na ang katawan niya na bumawi kaya kailangan niya ng gabay ng mga doctor tulad sa kung anong pagkain ang dapat rito at kung anong mga gamot ang iinumin." Napakamot ng ulo si Empoy. "E, wala kaming contact sa mga anak niyan." Lumingon ito sa kaniya. "Wala tayong pera kung iniisip mong tulungan natin si Aling Bebang, Isla. Alam ko kung ano ang tumatakbo sa utak mo ngayon." "Hindi natin siya pwedeng pabayaan, Empoy. 'Di ba kapag pinapalayas ka ng tatay mo, kay Aling Bebang ka nakikitira?" "Huwag ka namang mangonsensiya, Isla." Nameywang siya. "Dalawang libo lang ang meron ako." Willing niyang ibigay ang naipon niyang perang pang-Ducasse para kay Aling Bebang. Pero kulang na kulang iyon. "Doc, sa tingin ninyo... magkano kaya aabutin ng gamot at check-up niya?" "More or less, five thousand a month given her current state." Halos mahimatay si Isla sa sinabi ng doctor. Napaakbay pa siya kay Empoy. "Anak ng— Kahit ibenta ko pa katawan ko, 'di ako makakalikom ng ganoong pera kada-buwan." Bumaling siya sa kaibigan. "Ibugaw mo kaya sarili mo sa mga matrona sa kalapit na bar, Empoy—" "Upakan tayo, gusto mo—" Natigilan si Empoy at literal na lumiwanag ang mukha. "May alam ako na paraan, Isla!" "Ano?"    NAIINIS na binuksan ni Junrey ang pinto ng bahay niya. May kung sino kasing demonyo ang malakas at mabilis na kumakatok. "Hoy! Ano ba—" Parehong hinihingal si Isla at Empoy na tumambad sa harapan niya. "Ano sadya ninyo—" "Chichi! Chichi!" tawag ni Empoy na nagpatiunang pumasok sa bahay. "Chichi!" tawag din ni Isla at pumasok na rin. "P*ta! Ano bang nangyayari sa inyo?!" naiinis na tanong ni Junrey sa dalawa. "Nasaan si Chichi?" tanong ni Empoy. "I'm here," pakikay na sagot ni Chichi na busy pala sa pagfi-fit ng gown sa kwarto nito. Lumabas ito na suot ang isang green na gown. "Hubarin mo 'yan," utos ni Isla at lumapit sa batang bakla. Pilit niyang hinablot pababa ang gown. "Ha?! No way!" Niyakap ni Chichi ang sarili. "Wala bang magsasabi sa akin kung anongnangyayari?!" sigaw ni Junrey. "Sasali si Isla sa contest!" pasigaw ring sagot ni Empoy. Natahimik lahat.  Nakanganga na napatingin si Chichi kay Isla. Sinapo ni Junrey ang noo nito. "Naloko na.." [STAGE 3 PREVIEW] Bagot na bagot si Liam sa contest kung saan isa siya sa mga hurado. Nakaupo siya sa VIP table pero nakayuko siya at naglalaro ng Plants Vs. Zombies sa cellphone. "Let's call, Candidate #9!" Liam hit the pause button of the game when he heard gasps and murmurs from the audience. Napatingala siya sa stage. A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Mag-vote. ⭐
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD