Stage 3: When Their Eyes Finally Meet

5208 Words
A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Magbasa at Mag-vote. ⭐ Nagdadabog na initsa ni Chichi ang mga gowns sa sahig. "Ayan!" Nandidiring pinulot ni Isla ang isang kulay blue na gown. "s**t! Dapat ba talagang mag-gown?" "Duh!" Tinirik ni Chichi ang mata. "Ano gusto mo? Yang suot mong jersey at shorts na sa tingin ko'y kapanahunan pa ng mga Katipunan ang irarampa mo?" "Alin dyan trip mong suotin, Isla?" Tanong ni Empoy. Matapos ideklara nilang sasali siya sa Ms. Tagpi 2018, nasa sala sila sa bahay ni Junrey at nagsimulang magplano. Umupo si Isla sa sirang-sirang sofa nila Junrey at nagkamot sa sentido. "Eh! Ayaw ko ng ganiyang maraming.. lace ba tawag diyan? Ang kati kaya niyan!" Nameywang si Chichi. "Sako ng harina, gusto mo?" Kinuha ni Isla ang tsinelas at binato sa batang bakla. "Umalis ka nga sa harapan ko! Bitter ka masyado!" Lumabi ito at nilingon ang ama na noo'y nanonood ng larong basketball sa t.v. "Fatherbells naman! Okay lang sa inyo na rumampa ang tomboy. Pero bakla hindi?!! Shucks! It hurts my feelings!" "Kasi nga..." Ngisi ni Isla. "Pinanganak akong babae." "Mas babae naman akong gumalaw sa'yo no!" "Sinasabi mo lang yan ngayon..." Patuloy niyang tukso. "Pero pagdating mo ng highschool, titigas rin t**i mo sa mga babae!" "Ewwwwwwwww!!!" Nandidiring tinakpan ni Chichi ang dalawang tainga. "I'm soooooo out of here!" Nag-flip pa ito kunwari ng buhok kahit wala namang mataas na buhok sabay nagmartsa palabas ng bahay. Nilingon sila ni Junrey. "Anong masamang hangin ang pumasok sa kokote mo Isla at sasali ka sa Miss-Miss na yan ha?" Sira pa rin ang mukha ni Isla habang tumitingin sa mga gowns sa sahig. "Para kay Aling Bebang." "Aling--- ano namang kinalaman ni Aling Bebang---" Agad nakuha ni Junrey ang nangyayari. "Ayan ka na naman, Isla. Nagpapakabayani ka na naman." "Ang bait kaya ni--" "Matanda na si Aling Bebang, Isla. Kung mamatay siya, eh di mamatay siya!" Mapanghusgang tingin ang pinukol niya sa kaibigan niya. "Isa pa, Junrey 'ah..." Parang batang naglilipat-lipat ng tingin si Empoy sa dalawa. "Oh ano? Totoo naman 'ah. Sabihin nating manalo ka.. maipagamot mo si Aling Bebang. Tapos aatakehin uli siya ng alta presyon niya... hahanap ka na naman ng contest na sasalihan ganun---" "AT LEAST MAY GINAWA AKO PARA TULUNGAN SIYA!" Sigaw ni Isla. Nilubog nalang ni Empoy ang sarili sa sofa. Pag ginalit mo ang may ikling pasensiyang si Isla, literal na bubuka ang impyerno. Napabuntong-hininga nalang si Junrey bilang pagsuko. "Ikaw, bahala ka." Huminga ng malalim si Isla at tumingin uli sa mga gown. Nakahinga naman nang maluwag si Empoy sa ginawang iyon ni Junrey. Kung si Isla ang binangga mo, mali ka man o tama, walang makakatapat kung magalit ito. Kahit ito ang pinakamaliit at nag-iisang babae sa tropa nila, maraming takot rito. Tiningnan ni Empoy ang naghihilom na maliit na sugat sa may braso na dala ng malakas na kalmot ni Isla sa kaniya kamakailan lang. Nalaman kasi nito na ninakaw niya ang nahulog na pitaka ng isang bulag na babae.    3 DAYS AGO | SA HARAP NG TINDAHAN NI ALING NENA "Aray! Aray!!" Sigaw ni Empoy nang bumaon sa braso niya ang mga kuko ni Isla. Pilit namang hinihila ng ibang ka-tropa nila si Isla na noo'y namumula na sa galit na wala talagang planong bitawan ang braso niya. "Isla! Tama na!" "Isla!" "Isla!! Masusugatan mo si Empoy oy!" Parang tigreng nagsilabasan ang ngipin ni Isla. "BITAWAN NIYO KO!!! KAHIT BULAG PINAPATULAN NIYO SA KABALASTUGAN NIYO!! DI NA KAYO NAHIYA! MAY GANA PA KAYONG TUMAWA!!!" Halos mapunit ang balat ni Empoy sa braso nang tuluyan na itong nalayo sa kaniya. Umalsa ang galit niya dala ng sakit. "PAANO KAMI MABUBUHAY KUNG PURO KAMI HIYA-HIYA HA! IKAW MAGPAPAKAIN SA AMIN?!" "HOY!" Duro ni Isla sa kaniya. Nanlilisik ang mata at kulang nalang ay usok na lalabas sa ilong nito. "PINAPALAGPAS KO ANG PAGNANAKAW NIYO HA! KAHIT MASAMA, HINILING KO SA INYO NA KAHIT PAPAANO'Y ILUGAR NIYO SA TAMA ANG GINAGAWA NIYO!! BULAG NGA ANG TAO, PINATULAN NIYO PA!! MA-SWERTE NGA KAYO KASI MAY MATA KAYO AT NAKIKITA PA ANG KAGANDAHAN NG BUHAY! EH SIYA?!! DI NIYO BA NAISIP NA BULAG NA NGA, WALA PANG MAKAIN DAHIL WALANG PERA!!" Ayaw rin papatalo ni Empoy. "WALA AKONG PAKI---" "Ahhhhh.. Walang pake pala ha." Napasinghap lahat nang binuhat ni Isla ng walang ka-abog-abog ang isang hollowblock. "SABIHIN MO SA AKIN NA WALANG KANG PAKE MATAPOS KO DURUGIN MUKHA MO!!" Doon na nanlamig si Empoy. "T-Teka... Teka, Isla.. n-nadadaan to sa magandang usapan..." "PWES, WALA AKONG PAKE!" Tumitili na ang mga kababaihan na nakiusyoso sa away nila nang akma na sanang ibato ni Isla ang hollowblock kay Empoy. "ISASAULI KO ANG PITAKA!" Pikit na sigaw ni Empoy. "ISASAULI KO ANG PITAKA!! PANGAKOOOO!!" . . Nagdilat ng mata si Empoy nang maramdaman ang katahimikan sa paligid. Halos bumalik ang mga dugo ng lahat ng mga taong andun nang binaba ni Isla ang hollowblock at pinagpag ang kamay sa short nito. "Gawin mo yan." Taas noong sabi ni Isla. "Sigurado akong may pangalan o litrato diyan sa pitaka. Isauli mo sa may-ari. Makonsensiya ka!" "Anong nangyayari dito?" Napalingon sila sa lider ng Batang Tagpi Gang. "Boss Rene.." Kilala ni Empoy sa lider nila. Nilingon ito ni Isla. Kahit halos mag-si-singkwenta na ang Tatay Rene niya'y nakakubit pa rin ito ng mga dalagang babae sa tikas ng pangangatawan nito. [A/N: Please imagine Christopher de Leon or Albert Martinez on him. ;)] "Tay..." Tango ni Isla sa tatay-tatayan niya. "Ano nga sabi nangyari rito?" "Tanungin mo siya." Inis na nilingon ni Isla si Empoy pagkatapos ay tiningala ang amahin niya. "Turuan mo ng leksiyon mga bata mo, tay. Kundi ako mismo ang mag-di-disiplina sa kanila." At galit na umalis. Kinatatakutang tao si Boss Rene sa Tagpi. Pero si Isla lang ang may kakayahang sagutin at harapin ito. . . Ganun kaangas si Isla. . . Pero bigyan mo lang ito ng candy o lollipop, walang segundong okay na ito.    "So ano plano mo?" Tanong ni Junrey kay Isla. "Magpapanggap ako na bilang si Matilda." Simpleng sagot ni Isla na tinaas ang isang kulay violet na gown. Umiling siya sabay tapon nito sa gilid. Kumurap si Junrey. "Pakiulit nga uli?" "Magpapanggap siyang bilang Matilda." Ulit ni Empoy. "Di naman siguro sira ang pandinig ko ano?" Lumapit na si Junrey sa dalawa. "Tama narinig mo, Jun." Nagtaas uli ng gown si Isla na kulay sky blue. "Kaya kampante akong mananalo ako sa contest na ito kasi narinig kong sabi ni Aling Gloria na babayaran nila ang mga hurado para panalunin nila si Matilda." [A/N: A scene where Aling Gloria and Matilda first saw the poster in Stage 1: Difference of He and She] "Total, na-ospital siya. Ako ang magiging Tilda sa contest." "Paano niyo gagawin yun?" Naguguluhang tingin ni Junrey kay Empoy. "Okay lang kung ang mga hurado di taga rito. Pero tiyak mahahalata ka ng mga tao na di ikaw si Matilda." Ngumisi si Isla at Empoy. Sabay sabing, "May sagot kami diyan."    Nakayuko sa cellphone si Liam habang inaayusan siya ng hairdresser. He's in a studio, sitting on a director's chair and searching something on the internet. "Barangay..." Type ni Liam sa search box ng Maps. "Tagpi.. Tagpe?" He looked at Hailey's reflection on the mirror. "Hailey.. is it I, Tagpi? Or E, Tagpe?" "I. Tagpi." Sagot ni Hailey na may ginagawang e-mail sa laptop. He sighs. "Saan ba yun? Di ko ma-search sa Maps ng Iphone o Google Maps sa Samsung." She turns to him. "It's a small barangay situated near a train tracks." Doon na napalingon si Liam sa manager niya. "Sa gilid ng riles--- Sure ka bang safe dun?" "Kung yan ang concern mo, we'll deploy scouts during the night of the event to guard the vicinity." Sinapo ni Liam ang noo. "Eh kasi naman bakit di nalang sa Home for the Aged ako na-assign? There, the purpose of the assignment will be much more meaningful." "Stop whining. It's just for few hours. Sitting there, smiling and judging the contest. Ayaw mo nun, ilang oras lang itatagal mo, makakauwi ka na kaagad at makakatulog." "Yeah right." S-in-earch niya ito sa Google. "Barangay... Tagpi." May lumabas sa search results. He read the article's title. "'Two found dead with gunshot on head', 'PDEA discovered two drug den at Barangay Tagpi'" He shut his phone and shakes his head. "This is absurd." "Liam." Ngisi sa kaniya ng babaeng hairdresser mula sa salamin. "Congrats nga pala." "Hmm? Saan?" "Ikaw uli ang nag-top sa Asia's Sexiest Man Alive ng Mega Magazine." "Ahhh.." Bored na tango ni Liam. Don't get him wrong. He might sound bored but he appreciate the award. It's just that... He closes his eyes. It's just sometimes... it feels a routine to him. Like everything that's happening around him is in repeat. And it gets boring and boring each passing day. He needs something... something unusual? New? Strange perhaps? Just to add spice on his life. Kinuha niya uli ang cellphone sa harapan at may d-in-ial na numero. After three rings, the woman on the other line answers. Avery: "Liam?" "Hey." Liam smiles genuinely. Avery's the only one he needs right now. "You busy?" Avery is his childhood friend and first love. It was supposed to be mutual until he did a drastic move a year ago by denying infront of the thousands of crowds on national t.v. that he has a relationship with her. And that shatters his chance on Avery. Currently, Liam is nothing to Avery but just a dear friend even though he wanted, wished, prayed and pleaded that one day, he will be more than just that. May he add that he might be the Top Male Idol in the Philippines, Avery is his female counterpart. As a full-time kindergarten teacher, she took modelling as her part-time job. Sa panakang-nakang appearance nito sa mga billboards o magazine, di pa rin maiwasan ng mga fashion critics na purihin ang kagandahan nito --- face and body value. Avery: "May art activity lang naman kami rito sa classroom. Napatawag ka?" "Wanna grab a bite?" Avery: "Hmm.." Sinilip nito ang wristwatch. "Oh, sige. Malapit namang mag-lunch break." "Great. I'll fetch you there at... 11AM?" Avery: "Oh, sige. 11AM." "Bye, Ava." Avery: "Bye. See you!" Masigla nitong paalam. Only Avery can bring energy to his dull world. In order to keep that small color of his life, kakayanin ni Liam na maging kaibigan nalang siya kay Avery. Even if it takes loving her secretly forever.    "Suotin mo 'yan." Tapon ni Chichi sa isang pares na puting heels sa kadungan ni Isla. "HA!!" Di makapaniwalang tingin ni Isla sa heels. "Ano 'to? Horror story? Kasi nakakatakot siyang tingnan." Diring-diri niyang kuha sa isang pares. "Susuotin ko ba talaga ito?" "Natural, tomboy!! Magmumukha kang thumbtacks sa mga nakahilerang posporo kung yang di pares na tsinelas mo ang susuotin mo." Lumabi si Isla. "Bakit ang taas ng heels nito?!" "Bakit? 6ft. ka ba? Assuming ka rin." Inis na tiningnan ni Isla si Junrey na nakaupo sa harapan niya. "Masapak nga 'tong anak mo." "Napasubo ka na kaya suotin mo yan." Saad lang nito. "Sa taas at tulis ng takong na'to.. pwede natong gawing pamatay tao eh." Dahan-dahang sinuot ito ni Isla at tumayo. . . "WOAH!!!!" Sabay na manghang sabi ni Junrey, Empoy at sa bagong dating na si Loloy na umupo rin sa tabi ng dalawa sa sofa. "APPROVE!" Sabay rin itong nag-thumbs up. Niyuko ni Isla ang mga binti na parang nadagdagan ng height dala ng heels. 'Di naman pala masamang magsuot nito.. may magandang naidudulot naman pala--' at parang naputol ang pag-de-daydream niya ng nagsalita si Chichi. "Oh! Subukan mong maglakad." . . "Huh? M-Maglalakad ako? Suot n-nito?!" Di makapaniwalang tanong niya. Simula't-sapol, di pa siya nakasuot ng heels. Mas lalo pa ang maglakad ng naka-heels. "Ignorante ka nga!" Inis na sabi ni Chichi. "Ano? Para ka lang rebulto ni Jose Rizal doon at parang timang lang na nakatayo?" Tumango naman ang tatlong barakong lalake sa harapan niya bilang pag-sang-ayon. "Tama, tama." Lumunok si Isla. 'Para kay Aling Bebang. Kakayanin.' Humakbang siya at bago pa niya mailapat ang paa niya sa sahig. Biglang umikot ang paningin niya. "W-WAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!" *BLAG!* "Pfft!" Pigil ni Empoy ng tawa. "AHAHAHHAHAHAHA!" Balahaw namang tawa ni Loloy. . . Masakit ang buong katawan na tumayo si Isla mula sa pagkahambalos sa sa sahig at pilit binalanse ang katawan sa pamamagitan nang paghawak sa aparador. "A-Araaay..." Ungol niya sabay himas sa balakang. Mahirap na nga ang maglakad, pahirapan pa ang pagbalanse. "P*tang*na!"    Kinahapunan, binisita ni Isla si Aling Bebang sa hospital. At dahil pareho silang walang pera, nasa public ward ito kasama ang mahigit lima katao sa iisang kwarto. Tanging consuelo, at least may sari-sariling mga higaan ang mga ito. "Aling Bebang!!" Masayang bati niya rito. Masakit ang katawan niya sa pag-e-ensayo sa paglakad lang ng naka-heeels pero di niya dapat ito ipakita sa matanda. Higit na mas kailangan nito ng positive vibes. Mahinang ngumiti sa kaniya ang matanda na may nakatirik na dextrose sa braso. "I-Isla..." Umupo si Isla sa higaan nito sabay lapag ng isang plastic bag na may lamang dalawang mansanas. "Heto lang po makakaya kung bilhin, Aling Bebang. Pasensiya ka na 'ah." Tumango ito. Bakas sa mukha nito ang paghihirap sa nararamdamang sakit. Pilit ngumiti si Isla sa kabila nang awa na nararamdaman niya sa butihing matanda. "Wag kang mag-alala. Bukas na bukas, bibilhan kita ng masasarap na pagkain. Ano gusto mo? Lechon—ay sorry.." 'Putsa! Inatake nga ito ng highblood, papakainin mo pa ng lechon.' Lihim niyang pinagalitan ang sarili. "Gusto k-ko nang lumabas rito... h-hija..." "Ay! Di pa po pwede---" "Wa-wala akong pambayad--" "Chill ka lang diyan, Aling Bebang." Kindat pa ni Isla. "Ako bahala." Dumaan ang ilang minuto ng katahimakan sa pagitan nilang dalawa. Tumagilid si Aling Bebang patalikod kay Isla. Ramdam niya ang marahang pag-alog ng balikat ni Aling Bebang hudyat na tahimik itong umiiyak. Hinamas niya ang likod nito. Habag na habag ang damdamin niya sa matanda. Kukulubot na ang balat nito pero nagbabanat pa rin ito ng buto para lang buhayin ang sarili. Di ito makasarili kasi kung anong meron ito, binabahagi nito sa iba lalo't lalo na kay Isla. Kung di dahil sa mga damit na binibigay ni Aling Bebang sa kaniya, isang lingo siguro niyang paulit-ulit siguro suotin ang nag-iisang pares na damit niya. 'Panahon namang siya ang babawi rito.' "Oy.. Aling Bebang." Yakap niya sa likod nito. "Wag ka na umiyak... magiging okay rin lahat. Bukas na bukas, lalabas ka rito." Hilam ang mukha nito ng luha na lumingon sa kaniya. "I-Islaaaa..." Umiyak uli ito. Pinahid niya ang mga luha nito sa palad niya. "Pilitin mong magpalakas 'ah." "B-Ba't m-mo ako tinutulangan, h-hija?" Natigilan si Isla sa tanong nito.    13 YEARS AGO | 10 YEARS OLD ISLA "Mammmaaaaaaaaaaa!!!" Sigaw ni Isla habang umiiyak. Pilit namang hinihila siya ng papa niya palayo para huwag takbuhan at sundan ang ina nito na papasakay na ng taxi. "MAMA!! WAG MO AKONG IWAAAAAAN!!! MAMA!!!" Pero pumasok pa rin ito ng taxi tsaka humarurot papalayo.    12 YEARS AGO | 11 YEARS OLD ISLA "Magpakabait ka sa lola mo." Ginulo ng papa niya ang buhok niya. Tumingala siya. "Kelan ka ho babalik, Papa?" Naglahad ng lollipop ang papa niya. "Di ko alam, Isla. Pero pangako ko, bibilhan kita ng maraming matatamis na pagkain pagbalik." Masayang tinanggap ni Isla ang lollipop at tumingin rito. "Maghihintay po ako."    9 YEARS AGO | 14 YEARS OLD ISLA Nakatayo pa rin si Isla sa harap ng isang punto sa sementeryo. Sariwa pa ang lupa na tumabon sa kakalibing palang na lola niya. Kinagat niya ang labi at huminga ng malalim para pigilan ang luha na nagbabadyang tumulo. "Ba't n-niyo ako iniwan, L-Lola... D-Di ko alam a-anong gagawin k-ko..."    PRESENT Malungkot na ngumiti si Isla kay Aling Bebang. "Kasi alam ko po ang pakiramdam ng isang iniwan, Aling Bebang." Yumuko siya at tiningnan ang dalawang band-aid sa tuhod niya mula sa mga sugat na natamo sa pag-e-ensayo niya. "At kung gaano kasakit ang iwan kang mag-isa at yung wala kang matatakbuhan." Sa malamig at makalyong kamay, hinawakan ng matanda ang kamay niyang nakadaop sa kandungan niya. "Alam mo, hindi senyales ng kahinaan ang humingi ng tulong sa iba, Isla." Tiningnan niya ang mukha nito. "Wag mo akong gayahin. Humingi ka ng tulong habang maaga pa. Humanap ka ng taong tutulong sa'yo. Wag kang mahiya... wag mong isarili ang problema mo. M-Mabait kang bata, kaya tiyak maraming-maraming magmamahal sa'yo." 'Okay na akong mag-isa, Aling Bebang. Kaya ko sarili ko.' Ngumisi siya nang malapad. "Ikaw ha..." Pag-i-iba niya sa topic. "Di mo sinabi Beverly pala totoo mong pangalan." At doon na tumawa uli ang matanda.    Liam is buttoning his black and white long-sleeve shirt infront of the mirror as he was preparing for his appearance as judge on a beauty contest tonight. Labag man sa kalooban niya'y trabaho ay trabaho. He sighs as he look at his blank face reflected on the mirror. The longer he stares, the longer he can't recognize himself any more. It seems like there are multiple layers of fake smiling masks covering his real emotions. The price of fame, huh? He slicked back his blonde hair backwards and smiles. Again.... A fake smile.    Matapos ang madugong dalawang araw na pag-e-ensayo, nakaupo sa harap ng salamin si Isla para ihanda ang mukha sa contest na magaganap ilang oras mula ngayon. "Tsada!" Pakembot na lapit ni Chichi sa kaniya at sinuot sa kaniya ang lagpas-balikat na blonde wig. "Total nagpa-hair color ng blonde si Tilda, dapat lang blonde rin ang buhok mo." Inipit ito sa mismong buhok niya gamit ang mga hairpins. "Kaya wag ka masyadong magagalaw ha! Baka mahulog 'to!" Humagikhik si Isla na nakatingin sa repleksiyon niya sa salamin. "Tae! Ang pangit ko!" "Oh tapos?" Tanong ni Junrey sa anak. "Paano niyo gagawing Tilda ang mukha ni Isla?" "Ako! Ako!" Presinta ni Empoy at kinuha ang blush-on. Tumingin si Loloy sa mukha ni Isla. "Kung si Tilda ang pagbabasehan, lipstick ang unang pumapasok sa utak ko 'eh." Kumuha naman ito ng kung anong lipstick lang na mahahawakan. "Ano kulay nito?" "That's Baby Fuchsia." Proud na sagot ni Chichi. "Ah.. pink!" Tango ni Loloy at tulad ni Empoy, pinakialaman rin nito ang mukha niya. "Teka!" Singit ni Chichi. "Wag niyong kalimutan ang kilay ni Tilda!" Kumuha ng eyebrow pencil si Chichi at sumingit sa gitna ng dalawang barako para guhitan ang mukha ni Isla. . . "Hoy! Male-late na si Isla. Tama na ang pag-me-make up sa kaniya." Puna ni Junrey nang bumalik siya mula sa kusina para uminom ng tubig. Napailing nalang siya. "Baka ano kinalabasan niyan 'ah... baka magmukhang---" Agad natakpan niyang ang bibig nang pinaharap ni Loloy sa kaniya ang natalikod na si Isla. . . "Diyos ko." Nag-sign of the cross si Junrey.    Natahimik lahat ng mga kandidata sa backstage nang pumasok si Isla kasama si Chichi na may dala sa gown niya. "C-Chichi.." tawag niya sa batang bakla habang naglalakad papuntang dressing room. "Ow?" "B-Ba't..." Tumingin siya sa isang candidate na tahasang nakatitig talaga sa kaniya. "..ba't nila tayo pinagtitinginan?" "Ano ka ba! Taas no, 'Matilda'!" Bigay diin ni Chichi sa pangalan niya 'kuno'. "Maganda ka ngayong gabi, darling!" "Huh? Si Matilda yan?", "Anong nangyari sa mukha niya?", "Epekto ba yan sa pagkagat sa kaniya ng pusa?", "Naku, delikado nga talagang makagat ng pusa."    After fighting his way inside from the hundreds of crowds outside the barangay's covered court. Liam, surrounded by bodyguards successfully entered the venue. "LIAAAAAAAAAAAMMMMMMMMMMMM!!" Rinig pa niyang sigaw ng mga fans sa labas ng basketball court na b-in-arakadahan ng makakapal na plywood para maging secluded ang event. But it didn't stop the audience inside to stand-up and immediately flash their phones and cameras upon seeing him. 'Tch!' Because of his fame and profession, getting angry is not an acceptable trait. Kaya kahit galit na galit siya dahil halos mahubad siya kanina pagbaba sa kotse nang may mga dalaga agad na yumakap sa kaniya at pilit makipag-selfie, pilit pa rin siyang ngumiti sa mga taong nakatingin sa kaniya. Just like that, his hands raises and waves at them as a sign of greeting. For him, he's just like a robot with built-in commands on what to do properly in situations like this.    'P*TTTTTTTTTAAA...' Nanginginig sa kaba si Isla habang nakaupo sa upuan. Nagsisimula na ang contest at isa-isa nang tinatawag ang mga kandidata sa entablado. Kumulo ang tiyan niya. 'Huwaggg...' Pigil niya para wag mag-jebs. Ganito kasi siya pag kinakabahan... Tiningnan niya ang numero niya. #9. At sa sash niyang may nakasulat na 'PHILIPPINES'. Iba't-ibang bansa kasi ang ni-re-represent nila sa contest. "I AM CANDIDATE NUMBER 7, VANILLA LOVE BARTOLOMEO! AT NANGGALING PO AKO SA LUGAR NA PAG IKAW AY NAGKASALA, DI KA NILA HUHULIHIN KUNDI... ITALY!" Rinig ni Isla na intro ng isang candidate sa stage. 's**t! #8 na ang susunod! T-Tapos ako na! s**t! s**t!'    Sa audience, full support naman ang mga ka-barako ni Isla na Batang Tagpi Gang. "Kamusta si Isla?" Tanong ni Empoy sa bagong dating na si Chichi. "Shhhhh!! She is Matilda remember?" Kuha ni Chichi sa cheerleader pom-poms niya sa sahig na kulay silver at pink. "Ah! Kamusta pala si Matilda?" "Okay naman siya---" Napalingon sila sa harap ng stage ng nagsalita uli ang emcee. "PLEASE WELCOME, CANDIDATE #9!" "WOOOOOOOHHHHHHHHH!!!" Sigaw nila nang malakas. Lumingon sa kanila halos lahat ng mga audience na andun. Mas lalong lumakas ang hiyawan nila nang lumabas sa stage si Isla suot ang isang Italian-inspired gown. Rumampa ito at parang professional beauty queen... umikot ito at pakembot-kembot na naglakad papuntang sa mikropono sa gitna ng entablado. Nakahinga ng maluwag si Chichi nang hindi ito natapilok. Na-konsumisyon naman si Junrey sa mukha ni Islat at naihilamos ang mukha sa mga palad.    Sa stage, tumikhim si Isla at humawak sa mic. "I AM CANDIDATE #9, BETTY MATILDA SANDOVAL! I COME FROM THE LAND OF MARAMING HUGOT... FEEL-IPPINES!!" "GO MATILDA!!!!!!" Malalim na boses na sigaw ng halos singkwentang barako ng Batang Tagpi Gang. "GO! MATILDA!" Patalon-talon na cheer ni Chichi. "GO, GO, MATILDA! GO!!" At nag-split. . . The contest started and just like other competitions, it started on the introductions. On the VIP table of the judges, Liam's attention is not on the stage but on his phone, scrolling articles. Natigilan siya nang nakarinig ng malakas na sigaw mula sa likod. Liam turns his head to check the source of the loud cheers. "GO CANDIDATE NUMBER 9!!!!!!" Sigaw ng isang bakla. 'Candidate #9, huh?" Lilingon na sana siya stage para tingnan si Candidate #9 pero pumasok na pala it sa backstage. He looks down again and resumes reading the article on his mobile.    Liam secretly hides his yawn by simply covering his mouth. Panaka-naka lang siyang tumitingin sa stage. Di niya namamalayang natapos na pala ang talent portion. He checked his wristwatch. 9:45PM. Kung di lang sana siya isa sa mga huradong magtatanong, kanina pa sana siya umalis. If he's heart is not on what he is doing, he easily gets bored. And right now, he IS bored. Niyuko niya uli ang Iphone at binuksan ang larong Plants vs. Zombies. He's playing underneath the VIP's table, out from the eyes of the other judges sitting beside him. . . "Okay, breathe in.. breathe out!" Payo ni Chichi matapos bihisan ng evening gown si Isla. "Chichi.. parang may mali 'eh." Himutok ni Isla. Kanina sa talent portion niya na pagsasayaw ng Tinikling, titig na titig sa kaniya ang mga audience at ang iba'y tumatawa pa. "Ano?" "Ba't tawang-tawa sila sa mukha ko?" "Well, tatawa talaga sila kasi si 'Matilda' ka di'ba? At kilala siya na makapal ang make-up." Lumabi si Isla. "Ganun ba?" "Let's call, Candidate #9!" Tawag sa kaniya ng emcee. "Ikaw na!" Tulak ni Chichi kay Isla.    Liam is too engrossed on the killing the zombies on his game when the emcee called another candidate on the stage for the Q&A. "Let's call, Candidate #9! Ms. Betty Matilda Sandoval " He hits the pause button of the game when he heard gasps and murmurs from the audience. "Anong nangyari sa mukha ni Tilda?", "Sa mukha ba siya nakagat ng pusa?" Napatingala siya sa stage. . . Damn. . . He's playing Plants vs. Zombies. Yet he never imagined, he will be the plant --- sitting and waiting--- and Candidate #9 will be the.. zombie. Liam's jaw drops from the candidate's face and the hideous sky blue gown. Para itong Elsa ng Frozen na The Walking Dead ang mukha. Isang kilay nito'y parang Mt. Everest sa pakurbada nitong pataas. Ang isa nama'y makapal pa sa traffic sa Manila. Para ring Joker ito sa lipstick nitong malapad na halos abot na ang magkabilang pisngi. Who the f**k is her make-up artist? At di namalayan ni Liam na nakangiti na pala siya sa nakita. He covers his mouth and tried to suppress a loud laugh. "Ms. Matilda.." Lapit sa kaniya ng emcee. "Please pick a number on the bowl so that we could identify the judge that will read a question to you. Again, you have 20 seconds to answer it. Once you heard the bell ring, time's up." Kumuha si Isla ng isang papel sa bowl at binasa iyon. "Judge #11?" "Judge #11, Mayor Rodrigo Aquino!" [A/N: Just played the name of our president and the ex-president ;)] Kilala ng emcee sa isa sa mga hurado. . . Napalingon si Liam sa katabi niyang Mayor na nagbasa ng tanong: "Hi Ms. Tilda. What is your motto in life and why?" Liam, entertained by Candidate #9's appearance, leans on his chair and attentively waits for her answer. . . "Good evening." Panimula ni Isla. "I do believe in the saying that POVERTY IS NOT HINDRANCE TO SUCCESS!" Pasigaw niyang sagot na umani naman ng hiyawan mula sa kaniyang mga 'fans.' "Kasi..." Pagpatuloy niya. "Hindi batayan ang estado ng buhay para makamit mo ang..." Then her eyes landed on the person sitting beside the Mayor. . . Blue-eyes staring at her playfully. "..p-para... para.. makamit m-mo ang... ang..." Pautal-utal niyang patuloy sa sagot. "..ang..." Liam leans on his hand covering his chin. Unconsciously, his middle and ring finger played his lips. At dunsumunod nag-landing ang mga mata ni Isla. Sa mga mahahabang daliring... "..makamit mo ang-ang... mga pangarap..." ....naglalaro sa mga labi nito. . . *BONG!* Tunog ng bell. Natauhan si Isla. "Shit..." Her eyes went back to Liam's eyes staring back at her. . . A teasing smile slowly forms on Liam's lips. Doon na na-realize ni Isla na di niya nasagot ang tanong kaya nakapalakas ang sigaw niya ng: "PUT*NG*NA---" Sabay mabilis na takip sa bibig niya nang malamang naisigaw niya pala ito sa microphone. Natahimik lahat. Sa audience, mabilis na yumuko si Empoy at Loloy. "D-Di namin yan ki-kilala..."    "ANO BANG NANGYARI SA'YO!" Pinagpapalo siya ni Chichi ng sa backstage. "HA! HA!" "Na-blangko ako, okay?!" "Anong nablangko?! Di'ba sabi ko sa'yo sa amin ka tumingin at wag sa mga hurado!!" Inis na dabog ni Chichi. "At sa tingin mo mananalo ka pa?" Sa mahinang boses, nagpatuloy ito. "Kahit binayaran ni Aling Gloria ang mga hurado, sa tingin mo ipapanalo ka nila eh di mo nga nasagot ang tanong--" "Oo na!! Kasalanan ko na!" 'Hindi! Kasalanan 'to ni Liam Alejo-Torres! Putek! Bakit di ako na-inform na isa siya sa mga hurado! Nabigla kasi siya ng makita niya ito. Di man siya fan ni Liam, iba pa rin ang feeling na makita mo siya sa personal at kaharap mo pa. Dagdag mo pa ang nakakatunaw na ngiti---- 'PESTE! TUMIGIL KA NGA, ISLA! NATALO KA NA NGA EH! PERA NA NGA NAGING BATO PA!'    Malungkot na nakatayo sa stage si Isla habang tinatawag pa-isa-isa ang mga nanalo sa patimpalak. Ni 3rd Runner-up di niya nasungkit. Tiningnan niya ang puting high-heels niya. Biglang umulap ang paningin niya kaya't agad siyang tumingala para di tuluyang mamuo ang luha niya. 'Di bale... manlilimos ako sa mga subdivision at village. O di kaya'y ipapa-Jessica Soho ko ang kalagayan ni Aling Bebang.' "Hi." Lumipad ang tingin siya sa matangkad na idolong nakatayo sa tabi niya. With Liam's 6ft. height, Isla's height levels on his chest only. "L-Liam.. bakit ka andito--" Lumingon siya sa mga audience na pumalakpak at nakatingin sa kanila. 'Huh? Ano na namang nangyayari?!' "I guess winning this competition means a lot to you judging by your reaction after the bell rang on your Q&A." Star-struck na tumango si Isla sa katabi. 'Ang bango! Shems!' Liam chuckles as he gives a bouquet of flowers and a golden paper to her. "You just won the Prima Nova Special Award. Simply for making this event entertaining to me." Part of their annual assignments is also giving financial aid. Sa Sta. Clara, pinaayos ni Liam ang buong facility ng retirement home at pinalitan lahat ng mga gamit na andun, gastos lahat ng Prima Nova. This time, he'll be giving an award to someone of his choice. Halos di makahinga si Isla sa saya na naramdaman. Kinapalan na niya ang mukha at tumingala rito. "M-Magkano?" "100,000 Pesos." Times two sa mismong award ng contest!! "S-Salamat! Salamat!" Yuko niya. "Salamat talaga!" Yuko uli niya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Liam. "Malaking tulong talaga ito! Salamat!" Yuyuko na sana siya ulit nang biglang nahulog ang wig niya. Napayuko rin si Liam sa pekeng blonde na buhok sa sahig ng stage. 'Kaya wag ka masyadong magagalaw ha! Baka mahulog 'to!' Alala ni Isla sa sinabi ni Chichi kanina. Napatayo si Isla bigla ng maayos. Her thick naturally red-hair falls out from a bun down her shoulder until her waist. . . Di agad nakapagsalita si Liam sa nakita. "Your hair---" "S-Salamat! Bye!" Mabilis pa sa kabayong hinablot ni Isla ang wig at pumasok sa backstage. Humarap si Liam sa audience at pilit na ngumiti. . . Nilingon niya uli ang b****a ng backstage. His mind is still on the little lady with a beautiful red hair.    Kinaumagahan, masayang pumasok si Isla sa public ward ng hospital. "Aliingggggggg Bebang!!! Nabayaran ko na ang hospital at nakabili na ako ng gamot!" Nilapag niya ang plastic bag sa mesa. "Lalabas na---" Natigilan siya na makitang bakante ang higaan ni Aling Bebang. Napalitan na ito ng bagong kumbrekama at unan. Nilingon niya ang pasyente sa kabilang kama. "Asan ang pasyente rito?" . . "Binawian na siya ng buhay kaninang madaling araw, Miss." Imporma sa kaniya ng isang babaeng may karagang umuubo na bata. "Ikaw ba si Isla?" Nanlamig ang kalamanan ni Isla na tumango. "A-Ako nga.." "May iniwan siyang singsing." Lumapit ito at binigay sa kaniya ito. "Pinabibigay niya. Wedding ring daw niya yan. Habilin niya para maalala mo siya.' Kinagat ni Isla ang mga labi para huwag umiyak. Nilingon niya uli ang bakanteng kama ni Aling Bebang. 'Ba't di niyo po ako nahintay, Aling Bebang...' Sanay na siyang iwan. . . Pero ba't ganun? . . Ang sakit pa rin. [STAGE 4 PREVIEW] Gulat na nilingon ni Lizbeth ang anak. "What? Nanakawan ka ng cellphone?!" "Yeah. You don't have to repeat it, Mom." Inis na upo ni Liam sa single settee na sofa. [STAGE 4 PREVIEW pt. 2]   'Hindi ako ang nagnakaw.' Pilit kumbinse ni Isla sa sarli niya. A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Mag-vote. ⭐
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD