Kinagabihan, tawang-tawa sina Isla, Liam at Lizbeth habang naghahapunan sa bakuran ng bahay. Lizbeth was grilling some barbecues on the griller while Isla is telling some funny stories about their time at the Liam's bachelor pad. "Tapos nun... Ho!!" Sinapo ni Isla ang sikmura para pigilan ang pagbulahaw uli ng tawa sa naalala. "Kampante pa siya nun, Ma... na ako yung bubukas sa pinto." Kaharap naman niya si Liam na noo'y umiinom ng orange juice. "I really thought it was Isla. Nakahanda pa ako nun ng unan sa tabi ng pinto para ihampas sa mukha niya." Nakangiting nilingon ni Liz ang magkasintahan sa mesa. "Tapos?" "Si Ms. Hailey pala ang naunang pumasok! HAHAHAHAHAH!" Pinahid pa ni Isla ang mga luha sa mga mata sa kakatawa. "Kung nakita mo lang ang mukha ni Isaiah, Mama. Kung gaano ka pu

