Chapter 1: The Encounter
Eazzi's Point of View
Ako si Maria Eazzi Cruz. Isang third year student sa Allison High. Sabi nila maganda raw ako kahit maliit lang. Marami rin ang tuwang-tuwa na teachers sa akin kasi outstanding ako sa loob ng classroom. Okay naman daw ako kasama pero tahimik lang lagi at tinatawag ng KJ o kill joy ng mga kaklase ko dahil kailanman ay hindi ako sumasama sa mga gimik nila. Naglalakad ako ngayon ng kabang-kaba patungo sa room namin. Kung bakit ako kinakabahan ay hindi ko rin alam ang dahilan.
"Congrats Maria Eazzi Cruz!" sigaw ng bestfriend kong si Nelly pagkapasok ko sa room namin.
Nelly Sarmiento is my bestfriend since elementary. Natural na maingay pero magaling din when it comes to academics.
"Bakit congrats?" nagtatakang tanong ko
"Gaga ka! Hindi mo ba napansin yung nakapaskil doon sa bulletin board malapit sa gate?"
"Hindi--"
"Babaita! Panlaban ka namin sa upcoming MTAP-DEPED Math Challenge!" putol niya sa sasabihin ko
"Talaga?!" tuwang-tuwa na ani ko
"Oo. Kainggit ka girl! Baka makasama mo si Nexus Jade Gutierrez"
"Sino naman yun?" tanong ko habang inaayos ang books na dala-dala ko
"Hala girl! Puro ka kasi aral kaya hindi mo kilala. Transferee sa kabilang classroom at gwapo! Hihi" kinikilig na wika niya
Hindi ko nalang pinapansin ang sinabi niya at umupo na lamang sa naka-assign na seat para sa akin. Pagkaupo ko ay saktong pagsok naman ni Maam Sandra Santos, ang math teacher namin.
"Miss Eazzi Cruz and Mister Alexander Lim, may meeting kayong mga contestants ng MTAP mamayang recess time sa Math Department" panimula ni Ma'am Santos
"Okay po" sagot ko habang nakangiti
Napalingon ako sa pwesto ni Alexander na dalawang upuan lang ang layo sa akin at kita kong naka-ub-ob nanaman siya sa table niya. Kasama ko nanaman pala siya. Well, expected ko na. Si Alexander James Lim kasi ang pinakamatalino saming lahat. Gwapo, mayaman and athletic pero bully at ang masama ay ako pa ang lagi niyang target since elementary.
Nagulat ako ng tumunghay siya at ngumisi sa akin bago sinabi ng pagkalakas-lakas lakas ang..
"Eazzi na flat sabay tayo mamaya ha?"
Hindi naman pinansin ni Ma'am Santos ang nakakahiyang ginawa ni Alexander at dahil sa hiya at inis ay inirapan ko na lang siya at nakinig sa klase.
***RECESS***
"Oh my gosh!"
"Sino siya?"
"Ang pogi niya naman"
Rinig kong bulong-bulungan ng mga kasama ko sa department. Pag tingin ko sa may pinto ay nakakita ako ng isang gwapong lalaki with napakagandang eyes. Yes! Literal na gwapo pero mas gwapo pa rin si Lee Minho.
"Nexus!" tawag ni Alexander sa lalaki sabay apir
Magkakilala pala silang dalawa. Wait what?! Nexus? Siya na ata yung sinasabi ni Nelly na transferee at another hearthrob nanaman sa campus. Well, pwede na.
"Okay everybody, listen" agaw-pansin ni Ma'am Santos
"Simula ngayon ay excuse na kayo sa mga klase niyo para mag-review. 1 month kayong magrereview dito mismo sa Math Department para well-prepared kayo sa competition. Naipamigay na rin namin ang mga excuse letters. Got it?"
"Yes ma'am" sagot naming lahat
"Get your things na at bumalik kayo dito after recess" huling wika ni ma'am Santos
8 kaming students na nandito sa Math Department. It means dalawa ang representative kada year level. Palabas na ako ng Department ng mauntog ako sa kung ano. Sure akong hindi ako sa pinto nauntog dahil malambot ang tinamaan ng ulo ko
"Bakit kasi hindi ka tumingin sa dinadaanan mo? Palagi ka ng lutang e" pangisi-ngising sabi ni Alexander na damuho
"Okay ka lang ba?" tanong ni Nexus na mukhang concern na concern sa akin.
Jusko mas gwapo pala ang lalaki na to sa malapitan. Bago pa tumulo ang laway ko at mas mapahiya ay agad kong sinagot ang tanong ni Nexus
"O-oo okay lang ako. Sorry hehe" nahihiyang sagot ko kay Nexus at tuluyan ng lumabas para kunin ang gamit ko sa room namin