MABIBIGAT ang mga daliri ni Moana sa pagpindot sa keyboard. Masama ang loob niya habang naglalaro ng Tetris sa f*******:. Gamit niya ang isa sa mga laptop ni Sley. Buwisit na Sley 'yon! A-attend daw kami ng engagement party nina Umi at Alaude, pagkatapos, dumating lang ang Alyssa na 'yon, kinalimutan na 'ko! Eh, ano'ng magagawa mo? Si Alyssa lang daw ang babaeng minahal ni Sley. Si Charly ang nagsabi sa kanya kung sino si Alyssa sa buhay ni Sley. Iyon lang ang sinabi ni Charly pero naramdaman niyang malalim ang naging ugnayan nina Alyssa at Sley. Eh, di mabuti. Kapag nagkabalikan sila, mawawalan na ng problema si Monina. Bigla siyang natigilan. Mas epektibo nga iyon kaysa sa "Make-Sley-Hate-You List." "Monina?" Marahas na nilingon ni Moana ang pinanggalingan ng boses. Nakasilip ang

