22nd Chapter: Back to Reality

1425 Words

I'M IN love with Sley. Napabuntong-hininga na lang si Moana habang binababaran ng breading ang manok na ipiprito niya para sa hapunan sa gabing iyon. Kanya lang ang ipipritong manok dahil hindi niya alam kung anong oras uuwi si Sley. Hapon pa lang ay umuwi na si Sley galing sa trabaho at ang sabi, ihahatid daw nito sa airport si Alyssa. Sa Cebu na pala kasi naninirahan ang babae. Isinasama siya ni Sley. Ang sabi niya, magbibihis lang siya pero tinakasan niya ang lalaki. Gusto kasi niyang bigyan ng oras sina Alyssa at Sley dahil baka may pag-asa pang magkabalikan ang dalawa. First love never dies naman, 'di ba? Kapag iyon ang nangyari, tapos na ang problema nilang magkapatid. Nagliwaliw siya sa mall kanina. At habang nagliliwaliw, wala siyang ibang inisip kundi si Sley. Nakakahiya pa nga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD