Chapter 17 Tin's POV UNTI unti 'kong iminulat ang mga mata ko, kasabay ng unti unting pag-unat ng mga braso ko. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa mahabang sofa, kaya't nakita agad ng mata ko ang nasa sahig na si Glenzyl, na payapang natutulog. Napangiwi naman ako. Sa sobrang antok namin sa kakanood ng Movies kagabi, hanggang sa kaninang madaling araw, hindi na kami nakaakyat pa ng kwarto. Dito na kaming lahat nakatulog sa Living room. Inilibot ko ang tingin ko sa pang-isahang sofa, at nakita ko naman duon ang natutulog pa 'ding si Hiro, ngunit nang ituon ko ang atensyon sa katabi nitong pang-isahang sofa, wala na doon si Xander. If my memory serves me right, diyan natulog si Xander kagabi. Inilibot kong muli ang tingin sa may living room, at agad nagsalubong ang kilay ko nang

