Chapter 16 MALAKAS akong hinatak patayo ni Christina, bago sunod na nilapitan ang kumakain na si Glenzyl, at ngayon, pareho na kami nitong hinatak palapit sa may pool. “Hiro, Xander! Tara dito, maglaro tayo dali!” excited na sigaw nito, na nakakuha ng atensyon ng dalawa, na kasalukuyang nagtutulungan sa pag iihaw ng isda at baboy na hinatid ni Mang Celso, na caretaker ng resthouse at nang beach. Mabilis na tinigil nang dalawa ang pag-iihaw, at sabay na naglakad palapit sa amin. Nang magsama-sama kami, agad na tumayo sa gitna namin si Christina. “Let's play pool fight!” anito. What? Pool fight? “Pool fight?” nagtataka 'kong tanong, na sinagot nito ng tango. “Yes. Pool fight. Dahil dalawa lang ang lalaki natin, dalawang girls lang din ang kasali, tapos 'yung isa scorer lang.” anito, k

