Chapter 15 Agad akong ngumiti, “Xander.” sambit ko sa pangalan nito, na agad naman nitong ikinalingon. Mabilis na nagsalubong ang kilay nito, bago sumilip sa may likuran ko. “Bat ka nandito? Ikaw lang mag-isa?” pagtatanong nito, na sinagot ko naman ng tango at isang matamis na ngiti. “Oo. Busy kasi sila sa pagsi-swimming duon.” ani ko, bago humakbang pa papalapit dito. Huminto ako nang ilang metro na lang ang layo ko sa kinauupuan nito. “Ikaw? Anong ginagawa mo dito?” pagtatanong ko naman, umaasa na sana, katulad sa kotse nung bumabyahe kami, sagutin din ako nito ngayon. I heard Xander released a heavy sigh, “Nagpapahangin lang.” sagot nito, na muli ay ikinasaya na naman ng puso ko. Lihim akong napangiti dahil kahit papaano, nararamdaman 'kong hindi na siya katulad dati na kahit tigna

