Chapter 14 Tin's POV MABILIS ang takbo ko papalabas ng kwarto naming tatlo nila Christina, na agad namang sinundan ng dalawa. “Celestia! Bumalik ka dito!” rinig 'kong sigaw ni Glenzyl, kaya mas lalo 'kong binilisan ang pagtakbo, ngunit napahinto ako nang makitang wala akong mapagtataguan dito sa ikalawang palapag. Napahinga ako ng malalim. Bakit ba naman kasi ipinagpipilitan nila na pagsuotin ako ng bikini! Eh ayoko nga! Lumingon lingon ako, at napangiti ng makita ang hagdan. Mabilis akong tumakbo patungo roon, at mabilis ang mga paa sa paghakbang pababa, nang nasa kalagitnaan na ako ng hagdan, lumingon muli ako upang tignan sila Glenzyl. Nanlaki ang mata ko nang makitang patungo na ang dalawa sa akin, kaya nakatingin ako sa kanila habang humahakbang ng mas mabilis pababa, sa takot

