Chapter 50 Tin's POV Magkakasama na kami ngayong kumakain sa hapag, dahil hindi kami hinayaan ni Christina na umalis. Ipinagpilitan pa nito na sabay-sabay kaming maghapunan, kabilang na ang mga magulang ni Xander. Tahimik lang kaming lahat, nagpapakiramdaman, maliban kay Hiro na panay ang pag-alok sa akin ng mga kung anu-anong pagkain. "This is how Christina makes her adobo, taste it babe. Masarap promise." wika pa nito, na ikinalunok ko lang naman bago sapilitang napangiti. "Uhm, H—Hiro, I think it's already enough. Marami 'pang laman ang plato ko." sagot ko, na ikinatango lang naman nito, bago ngumiti ulit. "Okay babe. Noted." sagot nito. "Hiro is sweet, but his girlfriend isn't." Our attention was shifted to Xander's father when he said that, and followed it by a mocking la

