Chapter 49 Kahit mabigat sa loob ko, mas pinili ko pa 'ring ngitian ang mga ito, na sinundan nang aking pagtayo para magbigay galang. "Good evening 'ho." Bati ko sa mga ito, na ngayon ay nananatiling nanlalaki ang mata, bago nagawa ng daddy ni Xander na lingunin si Christina. habang may nagtatanong na emosyon sa mga mata nito. "Who brought her here?" mariin ang klase ng pagtatanong nito kay Christina, bago nakatiim bagang na bumaling muli sa akin. His eyes was dilated with irritation. "I can still remember your face." dugtong nito, bago pagak na tumawa, habang ang asawa nito ay napayuko na lamang na tila ba nahihiya. "Why are you here?" tanong nito na ngayon ay para na sa akin. Again, I decided to release a smile at him. "Christina invited me here, Sir." "She invited you?" naninigur

