Chapter 48 Tin's POV Napuno ng pangamba ang dibdib ko, sa pag-aakalang lalapit sa amin si Xander, at makikinig sa usapan. Mabuti na lamang ay lumabas si Chloey mula sa playroom nito, at tumakbo upang salubungin si Xander. "Daddy, my toys are ready na! Let's now play." pagyayaya nito sa Daddy nito, na ngayon ay napabuntong-hininga na lang, bago inalis ang tingin samin. Binuhat nito si Chloey, bago tumango. "Okay, let's play." sumusukong wika nito, bago muling itinuon ang atensyon sa akin, at bakas sa mukha nito ang matinding kaguluhan, kaya ako na ang naunang nag-iwas ng tingin. Nilingon naman ni Christina ang dalawa. "Chloey, pagod ang Daddy Xander mo kaya sandali lang ang laro ha. We will eat dinner na rin later." paalala nito, habang sinusundan nang tingin ang dalawa. "Copy, Mo

