Chapter 37 Hiro's POV Mabilis ang naging takbo ko para makalapit sa kanya. Sa gitna nang ulan, tumatakbo ako para tulungan siya. "Celestine!" agad na tawag ko sa pangalan niya, bago siya mabilis na binuhat, at bumalik sa loob ng kotse. Agad naman akong inabutan ng towel nang driver namin, hindi ko man alam kung san galing 'yon, ang mahalaga may maipang-babalabal ako kay Celestine. She passed out in the middle of the street, and the pouring rain. Kanina pa ako nakasunod sa kanila ni Xander. Oo, aaminin ko, nasasaktan at nahihirapan pa rin ako sa tuwing nakikita ko sila. Pero siguro, ganito talaga pag tinamaan ka, hindi mo mako-kontrol ang sarili mo. "Sir, saan 'ho natin sya dadalhin?" rinig 'kong tanong ng driver namin, kaya naman tinignan ko ito. Kasalukuyan akong nasa back seat

