Chapter 36 “Bye guys! See you tomorrow!” paalam ni Christina samin nang sumakay ito sa service nito. Kasama nito si Glenzyl, habang si Hiro naman ay nauna nang umalis. I let go of Xander's hand just to wave at them. “Mag-iingat kayo pauwi.” Glenzyl made a thumbs up. “Kayo rin. Ingat!” balik na sigaw nito, bago sinara ang pintuan ng kotse at agad na rin iyong humarurot palayo. Nang tuluyang mawala sa paningin namin sila Christina, agad na din kaming umalis sa may parking. Nasa may highway na kami nang muling abutin ni Xander ang mga kamay ko upang pagdaupin. Ini-scan ko naman ang paligid para masigurado 'kung may ibang estudyante, pero wala naman na since maaga atang nagsi-uwi 'yung iba, lalo na't medyo makulimlim. “Uulan ata. May payong ka?” pagtatanong ko. Xander shook his he

