Chapter 1

1690 Words
Chapter 1 Tin's POV KANINA pa ako nakatambay dito sa may Home Economics building, kung saan katapat lang ng building nang information and Communication Technology, kung saan kabilang si Xander. It's been 2 years simula nang makilala ko si Xander—or in complete name—Alexander Greek Velasquez, kasalukuyan na akong 3rd year College Student, at inaamin ko na isa ako sa mga maituturing na stalker ng binata. Biruin mo 'yon, dalawang taon na pala akong may gusto sa kanya, pero hanggang ngayon, hanggang tingin lang ako sa malayo. Tamang stalk lang palagi sa kanya. Ni hindi niya nga ata ako kilala. And it really hurts me. Hindi ako sanay na tinatago ang nararamdaman ko, lalo na't simula nung bata ako, halos ako ang palaging umaamin sa mga taong nagugustuhan ko. First time 'kong naglakas loob 'nung grade six ako, last graduation practice namin 'yon, at halos anim na taon 'ko ding naging crush ang classmate 'kong sobrang talino at bait na si Joshua. Umamin din naman ito na naku-kyutan ito sakin, pero mas malinaw pa sa sikat ng araw na alam ko sa sarili ko na bawal pa akong mag-boyfriend that time. Wala naman akong balak suwayin 'yon, umamin lang ako para atleast, pag hindi man kami naging magkaklase pagdating ng highschool, wala akong regrets dahil nasabi ko ang true feelings ko kay Joshua. The second time is nung 4th year high school naman ako, which is si Kevin, this time, hindi ko sya kaklase.  Kasamahan ko lang siya sa isang chorale na sinalihan ko. Nagustuhan ko sya dahil napakabait nya, at talagang napakaganda ng boses. Graduation na din namin 'yon, at mismong graduation day ako umamin, kaso plakda ang pag amin ko. Sinabi kasi nito na may girlfriend daw ito na mahal na mahal nito ng sobra. Well, okay lang din naman since wala naman akong balak na jowain sya, dahil that time, stressed ako sa course na kukunin ko. Medyo nalilito kasi ako kung mage-education ako or magto-tourism. Well,  maganda naman ako kaya pwede sa tourism, ang kaso lang, kinulang ako sa tangkad. Kaya, mas pinaburan ko na lang ang education. Atleast duon, okay lang kahit mag-high heels ako habang nagtuturo, atsaka walang height requirement, as long as mataas ka sa academics, ayos na. Okay, back na tayo sa kasalukuyang nangyayari sa buhay ko. So ayon nga, nasa stalker mode na naman ako ngayon, at pilit na hinahanap ng mata ko si Xander. Hindi ko pa kasi ito nasasaksihan ngayong araw, dahil na-late ako nang pasok kanina, kaya hindi ko nasubaybayan ang wild grand entrance nya. Wild kasi ang daming wild animals sa paligid nya. At isa na ako duon kung andun ako kanina. Dahil hindi pa rin mahagilap ng mata ko ang gwapong si Xander, napahinga ako nang malalim, at tinignan ang suot 'kong relong pambisig. 3:00 pm. Sakto naman ang punta ko, dapat ganitong oras dismissal na nila ah, eh bakit di pa rin sya lumalabas. Napatalikod na lang ako, habang may malungkot na emosyon sa mukha. Hindi kaya wala silang klase sa last subject kaya napaaga ang uwi nya? Dahil sa naisip, tumalikod na lang ako at nagsimulang maglakad pababa sa first floor ng Home Economics Building. 4th floor kasi ng ICT building located ang room ni Xander, kaya sa fourth floor din ako ng HE naglalagi pag ganitong oras dahil dito masisilayan ko sya agad, tapos pag nakababa na sya mula sa fourth floor, duon ako tatakbo pababa ng mabilis, para naman makasalubong ko sya sa hallway. Ilang beses na din kaming nagkasalubong sa loob ng dalawang taon, pero hindi ko man lang magawang mag-wave or ngumiti man lang sa kanya. Paano ba naman, kada magkakasalubong kami, at kung kailan ako magbabalak na mag wave, tsaka naman may isang fangirl na epal na biglang susulpot at mag-aabot ng love letter kay Xander. Ilang beses ko nang nasaksihan ang ganoon, at minsan naiinis na talaga ako, at the same time naiinggit dahil ang tapang tapang nila. Pero syempre, natutuwa at nalulungkot din ako kapag hindi man lang pinapansin ni Xander ang mga nagbibigay ng love letter sa kanya. Natutuwa kasi atleast wala syang ipinapakitang interes sa iba, at nalulungkot para naman duon sa mga babaeng nagtatapat at umuuwing luhaan. Masakit kayang mabasted. Isa rin tuloy 'yon sa dahilan kung bakit natatakot akong umamin sa kanya, kasi baka matulad lang din ako sa mga babaeng 'yon. Natatakot akong baka umuwi din ako ng luhaan. Kahit ba maganda ako, hindi pa rin naman 'yon papantay sa kagwapuhan ni Xander. Kinis pa nga lang ata talbog na 'yung akin e. Kaya, medyo nakakakaba din talaga. Pero buo naman na ang desisyon ko, gusto 'ko na ngayong taon na ako aamin sa kanya. Ayoko nang paabutin pa na fourth year na kami pareho, kapag umamin ako. Kung dati ayos lang 'yon, ngayon hindi. Gusto ko, bago pa man ako grumaduate, may boyfriend na ako. Iyon kasi ang sabi ng teacher namin nung highschool, na once educ student ka, dapat magboyfriend ka na habang nag-aaral, kasi pag nagtrabaho ka na magiging busy ka na sa trabaho. At naniniwala ako dun, kaya susundin ko 'yon. Sunud-sunod ang pinakawalan 'kong buntong-hininga habang bumababa ng hagdan, nakatuon lang ang tingin ko sa bawat baitang, upang masigurado na hindi ako matatapilok, or madudulas na dahilan para masaktan. Conscious na kung conscious. Ayoko lang talagang mapahamak. Ngunit nabitin ang mga hakbang ko, nang makilala ko ang lalaking kasalukuyang paakyat ng hagdan, at makakasalubong ko. Tila tumigil ang pag-inog ng mundo ko habang nakikita ang gwapo at seryosong mukha ni Xander, habang umaakyat ito. Goodness gracious! Makakasalubong ko sya, nakita ko talaga sya. At makakasalubong ko sya!! Kyaaahhh! Kami lang ang nasa hagdan kaya naman alam 'kong solo ko siya, at buo na ang loob ko. Ngayon na ako gagawa ng move, para mapalapit sa kanya. This is the right moment. This is my time to confess. Malapit na sya sa akin, kaya naman huminto na ako at humugot ng isang malalim na hininga, bago binuksan ang bubig para batiin ito...kaso... "Xander, para sayo." biglang singit ng isang babae sa tabi ko, na saktong harap naman ni Xander. Nakatayo ang babae habang nakayuko, at ang mga kamay nito ay naka-stretched patungo sa direksyon ni Xander, habang hawak at tila inaabot ito ang isang love letter. Napaawang ang bibig ko, at lihim na napangiwi.  May nauna na naman! Aish. Kelan ba ako magkaka-time na ako lang, ha? Tadhana naman oh. Bigyan mo naman ako ng chance na umamin. Yon na 'yon e. Moment ko na dapat 'yon e! Bakit naman may biglang ume-eksena. Napabuntong-hininga ako bago inabangan ang susunod na gagawin Ni Xander. At katulad nang inaasahan, tinapunan nya lang ng tingin ang bagay na inaabot nito, at agad na humakbang patungo sa gilid—which is sa may tapat ko, na agad ikinabilis ng t***k ng puso ko. Goodness gracious...nasa harap ko ba talaga sya ngayon? At talagang ilang dangkal lang ang layo nya mula sakin? OMG!!!  Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko dahil sa kaunting distansya na namamagitan samin. Sunud-sunod din ang paghugot ko nang hininga, hanggang sa tumuon sakin ang mata nito. s**t. Yung mga mata nya! Ahhhh!!!  tili ko naman sa utak ko. "Excuse me." anito, habang nakatingin pa rin ng diretso sa mga mata ko, pero para akong walang narinig. Nanatili lang akong nakatayo sa harapan nito, nakatitig, habang ang isip ko bumubuo na at umiisip nang kung ano ang pwedeng gawing hakbang. Wait, naaalala ko 'yung mga kinikwento sakin ni Glenzyl. Sa mga w*****d stories daw na nababasa nito, pag nasa ganitong moment ang isang babae at ang lalaking crush nya, bigla na lang daw may tutulak sa babae, dahilan para mawalan ito ng balanse at saluhin agad nung lalaki, gamit ang braso nito. Pero sa sitwasyon ko ngayon, walang tutulak sakin, kaya naman magkukunwari na lang akong matatapilok. Tama. Kunyari na lang matatapil— "Hoy!" nabalik ako sa reyalidad nang tumaas bigla ang boses ni Xander. Ngayon, magkasalubong na ang kilay nito habang nakatingin sakin. "I said excuse me. Hindi ka ba nakakaintindi ng english? Pwes kung hindi, ang ibig 'kong sabihin ay tumabi ka at dadaan ako." muling asik nito, na nagpanganga na naman sakin. Shit! Kota na ako ngayon. Nakaharap ko na nga ito ng matagal at malapit, narinig 'ko pa itong magsalita. Wow! Wala sa sarili akong napangiti kay Xander, na mukhang ikinakunot lalo ng noo nito, kaya naman malakas ako nitong tinabig, and dahil hindi ko 'yon inaasahan, ayon, tumama ako kay ate girl na basted, at pareho kaming napaupo sa hagdanan. Masakit man pero nagawa ko pa 'ring unahin na lingunin si Xander, kesa sa sakit na nararamdaman ko, at nakakalungkot dahil ang papalayong likod na lang nito ang nakita ko. Aish. Sayang! *Sob* *Sob* Napalingon naman ako nang marinig 'kong may umiiyak sa tabi ko, at bumungad naman sakin ang nakayukong babae, 'yung nagbigay ng love letter kay Xander, at karibal ko, kaso nabasted. Nakaramdam ako ng awa dito, kaya naman ti-nap ko na lang ang balikat nito, at nagsalita. "Uhm, miss, okay lang yan. Makaka-move on ka din sa kanya, at may tao 'ring darating na para sayo talaga." ani ko, habang patuloy pa 'ring tinatap ang balikat nito. Ang galing ko talaga! Nakatulong na ako, mukhang makakabawas pa ako ng isa sa mga karibal ko kay Xander. Nice move, Celestine. Nice move. *** KASALUKUYAN akong nagi-scroll sa news feed ko, at nagbabasa ng iba't ibang posts ng mga online friends ko. Hindi ko din naiwasang makaramdam ng boredom since halos puro hugot at memes about ka-bitteran lang ang mga nakikita ko. So, naisipan ko na lang na i-stalk si Xander. Atleast dito, tiyak na hindi ako mabo-bored. Mabilis kong tinipa ang buong pangalan ni Xander sa search bar, at napangiti naman ako nang mag-load na, at unang unang lumabas ang real account nito. 2 years na din simula 'nung in-add ko siya, pero hanggang ngayon hindi ako pa rin ako nito ina-accept. I wonder kung ayaw nya lang ba talaga, or baka natatabunan lang 'yung friend request ko. Pinindot ko ang account nito, at nagsimulang mag-scroll. Pero agad din akong mapahinto nang makitang may bago itong post. Halos 5 minutes pa lang itong nakapost, pero may 586 likes na at 233 comments. Hindi ito picture nya or what, it's just a word. The word that makes my whole world stop spinning. Alexander Greek Velasquez Marrying... Posted 5 minutes ago... 586 likes.   233 comments.      71 shares Damn! What is this 'marrying' word means?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD