Chapter 2

2118 Words
Chapter 2 Tin's POV "GLENZYL marrying! Marrying ang naka-post sa wall nya. Ano 'bang ibig sabihin 'non? Bakit ganon ang post nya? Ikakasal ba sya? Or, nagpaplano na ba siyang magpakasal? Sino? Sino ang papakasalan niya? Malabo namang ako, kasi hindi nya naman ako kilala, atsaka hindi pa naman sya nagpo-propose sa ak—araaay!" napaigik ako nang maramdaman ko ang malakas na pagbatok ni Glenzyl sakin. Masama ang mukha nito habang nakatingin sa akin. "Naniniwala na talaga akong may saltik ka, Celestia. Ang adik mo rin na isipin na may tendency na ikaw ang pakasalan, eh hindi nga nya ata alam na may Celestine Alexis Alonzo na nage-exist sa mundo." masakit, ngunit totoong sabi pa nito. "Hoy, Celestia. Ito ha, advice lang, wag 'mong masyadong seryosohin iyang post ng future jowa mo, malay mo nai-post niya lang yan kasi nabasa nya, o may napanoon sya na tungkol sa kasal,  or baka naman assignment lang nila yan." anito, na ikinasingkit naman ng mata ko. "Assignment about kasal? Seryoso ka ba, Glenzyl? Remember, IT sya, hindi theology. Bat naman sya magkaka-assignment about kasal?" nakasimangot ko namang tanong, bago napatayo, at napanguso. "Baka naman talagang magpapakasal na sya." ani ko, bago nilingon ang kaibigan. "Baka naman totoong may girlfriend sya, tapos naisipan niya nang lumagay sa tahimik kasama ang babaeng iyon? Paano na ako? Paano 'yung nararamdaman ko? Ni hindi pa nga ako nakaka-amin tapos ganito na agad, ikakasal agad? No Glenzyl. Hindi pwede. Hindi ako papayag!" maktol ko, habang pinipigilan ang tuluyang pagbagsak ng luha ko. "Hoy Celestia! Kung totoo man 'yang hinuha mo na ikakasal si Xander, walang silbi kung tutol ka o hindi. Hindi ka naman magulang ni Xander para pigilan sila, at mas lalong hindi ka rin pari na pwedeng wag ituloy ang kasal nila if ever. Stalker ka lang, sis. Stalker. Hanggang stalk lang. Hindi nya kailangan ang opinyon mo." may diin nitong sabi, na talagang nagpaluha na ng tuluyan sakin. "Glenzyl naman e!" iyak ko pa, "Bakit ba ganyan kasakit magsalita? Kaibigan ba talaga kita, ha? Dapat kino-comfort mo ako , bat parang mas dinudurog mo pa ang puso ko?" may halong panunumbat 'kong tanong na ikinairap lang nito. "Grabe 'yung durog ah. Mukha ba akong martilyo?" balik na asik naman nito, bago lumambot ang mukha, at agad na tumayo, at nilapitan ako. "Look, hindi pa natin alam kung totoo ba 'yong kumakalat na news regarding sa post ni Xander, kaya wag muna tayong mag-conclude. Madami 'pang possibilities na pwedeng dahilan kung bakir sya nakapag-post ng ganon, kaya wag ka munang umiyak. Ang mabuti pa, imbes na yan ang inaatupag mo, bat di natin pag-usapan kung kailan ka..." huminto ito at luminga-linga sa mga kaklase namin, at lumapit sa tenga ko, para ibulong ang kadugtong ng sinasabi nito. "...aamin sa nararamdaman mo kay Xander." anito, at agad na lumayo. Nagpunas naman ako ng luha, at muling naupo sa upuan ko, na nasa likod lang ng upuan ni Glenzyl. Mabilis din naman itong bumalik sa pagkakaupo, paharap sakin. "Gusto ko na talagang umamin sa kanya this week, Glenzyl." panimula ko. "Gusto 'ko na maging vocal na ako sa nararamdaman ko sa kanya." "Eh hindi ka ba natatakot na baka mabasted ka?" Napanguso naman ako. "Natatakot, pero hindi naman pwede na matakot lang ako diba? Paano na lang 'kung hindi naman pala katulad ng kapalaran ng iba ang kapalaran ko? Paano pala kung matagal na din akong gusto ni Xander? At katulad ko, paano 'kung stalker ko din pala sya, diba?" paliwanag ko, na mukhang ikinairita ni Glenzyl kaya agad ako nitong tinalikuran. Napanguso naman ako lalo dahil sa ginawa nito. "Glenzyl~" tawag ko pa, pero hindi na ito muling lumingon pa, hanggang sa tuluyan nang nagsidatingan ang mga classmates ko, kasunod ang prof namin. 7:00 am ang klase namin, at 7:30 dumadating si Xander, kaya iyon ang time kung kailan magulo sa labas ng bawat classrooms. Gusto ko din sanang makigulo doon sa pag-aabang at pagsalubong kay Xander, kaya lang, syempre, hindi ko naman pwedeng ipagpalit ang subjects ko para doon. 3 hours ang class ko na ito, since isa itong ASTRONOMY class sa mga major subjects ko. Yes, astronomy. Science major kasi ako. Ewan ko ba, napamahal na ako sa science. Gustung-gusto kong pag-aralan ang mga stars, at iba 'pang celestial objects. Gusto 'ko naman talaga ang astronomy, ang ayoko lang, astrophysics dahil sa sobrang dami ng formula na kailangang kabisaduhin. Minsan di ko na kinakaya kasi sobrang nakakadugo ng utak. Napatigil ako sa pag-iisip ng tahimik, nang bigla na lang nagsigawan at nagtilian ang mga estudyante sa labas. At isa lang ang ibig sabihin 'non, dumating na si Xander. Gusto ko ding lumabas at maki-usyoso, at alam 'kong ganoon din ang mga kaklase 'kong babae, kaso nga lang, hindi pwede kasi papagalitan kami ng instructor namin. Medyo terror pa naman si Sir Gizmundo.  Tinignan ko naman si Sir Gizmundo, na patuloy pa rin sa pagsusulat sa white board, na tila ba walang nangyayaring kaguluhan sa labas. Yes, ganyan na lahat ng prof dito. Para 'bang nasanay na sila na kapag papatak ang 7:30 ng umaga, hindi na sila naaapektuhan sa ingay sa labas. Hindi rin naman nila magawang pigilan ang mga estudyante, at mas lalong hindi nila magawang pagalitan man lang si Xander, dahil sa komosyong dinudulot nito. Paano ba naman, isa lang naman si Xander sa dahilan kung bakit marami pa 'ring nag-aaral sa University na 'to kahit may pagka-mahal ang tuition fee. 35, 000 pesos ang tuition fee dito sa Goldridge University. Mahal no? Sobrang mahal. Mabuti na lang nga kasi may kaya ang pamilya ko, at nagagawa nila akong mapag-aral sa ganito kagandang university. Bukod sa maganda ang facilities, at talagang magi-improve ka sa mga teachers, marami ring gwapo. At si Xander ang pinaka gwapo sa kanila. Kaya naman hindi ko sinasayang ang pag-aaral ko dito, kasi maganda na, medyo masakit din sa bulsa nang mga magulang ko. Napahugot ako nang malalim na buntong-hininga nang mas lumakas pa ang hiyawan sa labas lang ng room namin, may halong inggit sa mga mata akong lumingon, at ganon na lamang ang pagsinghap ko nang makita si Xander na naglalakad doon, habang may mga kababaihan na nagkakagulo ilang hakbang mula sa likurang bahagi nito. Ohmygod! Nakita ko pa 'rin sya kahit na hindi ako lumabas. First time nya 'tong dumaan sa may tapat nang room namin kaya naman di mapuknat ang ngiti sa labi ko, pero agad din iyong nawala nang bumalik sa isipan ko ang nabasa 'kong post nito kagabi. Marrying... Ano kayang pumasok sa utak nya at nagawa niyang magpost ng napakasakit na salita na ganon?  Hindi niya ba alam na may magandang binibini ditong nasasaktan nang dahil 'dun? Huhuhu. *** 2:00 pm na ng hapon, at hindi pa rin tapos ang klase namin sa STS subject. 3 hours din ang klase namin dito, at matatapos ito ng 2:30. Hayst. Ang tagal pa. 30 minutes pa akong magtitiis bago mag-dismissal,then another 30 minutes bago 'ko naman masilayan ulit ang gwapong mukha ni Xander, dahil 3:00 ang uwian nito. Bored na bored akong nakatitig sa teacher ko, at nagkunwaring nakikinig kahit ang totoo naman ay wala namang pumapasok sa utak ko. Palipat lipat lang ang tingin ko sa prof , at sa wall clock na nakasabit sa gitna. Quarter to 2:30 na. 15 minutes na lang. Malapit lapit na. MAYA-MAYA, "Okay, see you tomorrow class. You're dismissed." ani ng professor namin na ikinahiyaw naman ng mga classmates 'kong lalaki, at halos magkakasabay na nag inat. Habang ako naman, mabilis 'kong kinalabit si Glenzyl upang makuha ang atensyon nito. Mabilis din naman ako nitong nilingon. "Tara na." aya ko naman, na sinagot nito ng pagtango, sabay kuha ng bag, at sabay kaming naglakad palabas.  Pareho kaming dire-diretsong naglakad papuntang ICT garden, at duon tumambay. Wala namang katao-tao, kaya malaya kaming nakapag-usap ni Glenzyl. "Glenzyl, tama ba 'yang source mo? Pupunta ba talaga dito si Xander ngayon?" tanong ko naman dito. Agad namang tumango si Glenzyl, habang tumitipa sa phone. "Oo nga. Ka-text ko na 'yung isa sa classmate ng future jowa mo, at sinabi nito na kakalabas lang daw ni Xander ng room nila, at tiyak nya daw na dito ito sa Garden pupunta." sagot naman nito, na nagpatango sakin. Ilang beses naman kaming nagpalingon-lingon upang tingnan kung may papalapit, hanggang sa bigla akong hinila ni Glenzyl papunta sa may likod nang malaking puno ng Narra. "Bakit mo 'ko hinila?" tanong ko naman agad dito, nang makapagtago kami. "Andyan na 'yung future jowa mo. Nakikita ko na, kaya naman bilisan mo nang mag-ayos ng sarili, at ihanda mo na din ang sasabihin mo. Tandaan mo, Celestia. Ngayon ka na aamin, kaya galingan mo. Gets?" mahinang wika naman nito sa akin, at dahil narinig ko 'yung salitang 'mag-ayos ng sarili' mabilis 'kong kinuha ang salamin ko, at naglagay liptint sa labi ko. Nang makitang ayos naman ang mukha ko, still maganda at mukhang fresh, tsaka maayos din ang pagkakatali ng buhok ko, duon na ako tumayo, at tinignan si Glenzyl ng may determinasyon sa mata. "This is it. I'll make this confession worth it. Tinataga ko sa Narra na 'to, na after 'kong mag-con—" "Osya sya!  Tumigil ka na sa kakadada ng kung anu-ano, ayon na 'yung future jowa mo oh. Mukhang hinahanap na 'yung taong tinutukoy ni Ismael, na may mahalagang sasabihin sa kanya. Labasin mo na. Dali!" anito. Oo nga pala, si Ismael ang source ni Glenzyl. Manliligaw ito ni Glenzyl, at sakto namang isa sa mga kaibigan ni Xander. Sya ang kinuntsaba namin, para mapapunta si Xander dito sa ICT Garden. Anyways, tama na ang pag-iisip ng kung anu-ano. Kailangan 'kong mag-focus. Yes self. Focus focus. Ani ko sa sarili, bago nagpakawala ng malalim na buntong-hininga, at lumabas mula sa pagkakatago sa likod ng puno ng Narra. Nakatalikod na Xander ang nakita ko, kaya naman nakangiti akong humakbang palapit sa nakatalikod nitong pigura. Nang ilang hakbang na lang ang layo ko mula rito, mas nilawakan ko pa ang ngiti ko. "Xander..." tawag ko sa pangalan niya, na ikinalingon ng binata. Agad na nagsalubong ang kilay nito nang makita ako. "You're definetly not Professor Alcala, sino ka?" may halong yamot na tanong naman nito. Agad ko namang inilahad ang kamay ko sa harapan nito. "Hindi nga ako si Prof. Alcala, hindi naman ako mukhang matandang lalaki noh. Ang ganda ko kaya, anyways, I'm Celestine Alexis Alonzo." pakilala ko, habang pilit na pinipigilan ang panginginig ng mga kamay at tuhod ko. s**t. Mas nakakakaba pala talaga pag kaharap ko na sya ng personal. Feeling ko anytime babagsak ang mga tuhod ko. Todo ngiti na ang ibinibigay ko, pero nananatiling magkasalubong ang kilay ng binata. Ni hindi man lang nga nito pinansin ang handshake na offer ko, "I don't care about your name, or even you exactly. So stop wasting my time." masungit nitong sabi, at akmang lalakad na ng magpatuloy ako sa pagsasalita. "Gusto kita, Alexander Greek Velasquez. Matagal na. It's been two years since una kitang nakita, at talagang na-drool at first time ako sayo." yes, totoo 'yon. Talagang tumulo laway ko 'nung unang kita namin. Kung hindi pa nga ako sinabihan ni Glenzyl noon, which is bago 'ko palang nakilala,  eh hindi ko mapapansin na tulo laway na pala ako habang nakatingin kay Xander. "Simula 'non, naging secret admirer mo na ako. Lagi tayong nagkakasalubong sa may hallway, kaya lang hindi kita nagagawang kawayan kasi bigla na lang susulpot 'yung mga fangirls mo, o di kaya may babaeng aamin sayo. Isa rin ako sa mga laging nakakasaksi sa cold aura mo tuwing may naga-abot sayo ng love letters, kaya naman imbes na gayahin ko sila na iabot 'yung mga letters na gawa ko sayo, mas pinili ko na lang na ihulog 'yon sa locker mo. Wag ka nang magtaka kung paano ko nalaman kung alin ang locker mo, may legit source ako. Anyways, ngayon lang ako nakahanap ng tyempong umamin sayo, kaya naman, gusto ko na din itanong sayo kung...kung..." napatikhim ako, bago muling nag-angat ng tingin, at sinalubong ang tingin nito. "...pwede ba kitang maging boyfriend?" pagpapatuloy ko, bago yumuko dahil sa pinaghalong kaba at hiya. Sa wakas self. Nakaamin ka na. Finally, after two years of waiting. Congratulation self, ang tapang tapang mo tal— "May sayad ka ba?" Napatigil ako sa pagko-congratulate sa sarili ko, nang marinig ko ang response ni Xander sa mga ipinagtapat ko, kaya mabilis akong nag-angat ng tingin. At katulad pa rin kanina, magkasalubong pa rin ang kilay nito. "Ano?" paglilinaw ko namang tanong dito. Xander just irritatedly stare at me, while his eyes showing disgust. "Hindi ko alam kung saan mo nakukuha ang lakas ng loob mo na tanungin akong maging boyfriend mo, pero miss, sorry, but I'm not interested in you. Wala akong pakialam 'kung nakakasalubong kita or what. So please, tantanan niyo naman na ako. I don't need your confessions everyday of my life. Understand me?" may diin ang bawat salitang sabi nito, bago umiiling iling na tinalikuran ako, at iniwan ako duon na tulala, at nasasaktan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD