Chapter 3

3177 Words
Chapter 3 Tin's POV HUMAHAGULGOL na ako dahil halos kanina pa ako umiiyak dito sa ICT Garden, kasama si Glenzyl. Ilang minuto na din simula 'nung umalis si Xander, at iniwan akong luhaan dito. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko dahil sa mga masasakit na salitang sinabi ni Xander sa akin kanina, pakiramdam ko, pinira-piraso ng mga salitang 'yon ang puso ko. "Celestia naman. Tama na." pang-aalo naman ni Glenzyl sakin, habang marahan na tina-tap ang balikat ko. "Nasabi lang ni Xander sayo 'yon dahil nabigla lang sya. Look, hindi ka pa niya kasi kilala kaya iyon ang mga nasabi nya sayo, at expected naman natin 'yon diba, kasi unang beses mo pa lang umamin ngayon." dagdag nito, na mabilis 'kong ikinalingon. "Unang beses nga, pero ganito na agad. Sabi nya wala syang pakialam sa akin, atsaka sinabi nya pa na may sayad ako. Glenzyl, masakit. Ayoko na. Dati naman, kahit na unang beses ko palang umamin sa mga crush ko, hindi sila ganito kasakit magsalita, pero si Xander, tagos hanggang buto 'yung mga sinabi niya." umiiyak 'ko namang sagot, bago pinunasan ang mga tumutulo 'kong luha gamit ang kamay ko. "Siguro, wala naman talaga akong pag-asa. Susuko na ako. I now believed that Xander will never be exclusively mine. Halata sa mukha at sa asta nya kanina na wala talaga siyang pakialam, kaya naman ayoko na. Susukuan ko na ang nararamdaman ko." puno ng emosyon 'kong sabi, habang patuloy pa rin ang pagluha. Agad namang tumayo si Glenzyl mula sa pagkakaupo sa tabi ko, at nakapamewang na tumayo sa harap ko. "Hoy Celestine Alexis Alonzo! Unang beses mo pa lang umamin ngayon, susuko ka na agad? Halos magta-tatlong taon na kitang kaibigan at ngayon ko lang narinig ang salitang 'suko' sa bibig mo. Pakinggan mo ako ha, ang Celestine na kilala ko, palaban. Hindi basta basta sumusuko. Remember, magta-tatlong taon ka nang nagtitiis na tignan lang si Xander mula sa malayo, pero noon nga hindi ka napagod sa kakasunod sa kanya, tapos ngayon na nagawa mo nang umamin at kausapin siya, sasabihin mo na susuko ka na? Celestia naman, wag mong sayangin lahat ng paghihirap mo. Tandaan mo na walang taong nagtatagumpay sa buhay na sumubok lang ng isang beses. Isipin mo na lang na dahil sa nangyari kanina, ngayon, kilala ka na niya. Alam niya na na may isang Celestine Alexis Alonzo na nage-exist sa mundo. O diba maganda yon? Anytime now, pwede mo na syang lapitan, nang hindi natatakot kasi naamin mo na ang nararamdaman mo." mahabang litanya ni Glenzyl, na tila nakapagpagising naman ng diwa ko. Tama siya. Hindi ako ang Celestine na 'to. Ang totoong Celestine, matapang at palaban. Hindi basta bastang susuko. Napahugot naman ako ng malalim na hininga. "You're partially right." sang ayon ko naman, na ngayon ay medyo tumitigil na ang paghikbi ko. "Nasaktan lang siguro talaga ako, kaya puro negative ideas ang pumapasok sa utak ko." dagdag ko pa, bago muling bumalik sa pagkakaupo sa damuhan ng ICT Garden, at binigyan ng kemeng ngiti si Glenzyl. "Hindi ko rin naman sya kayang sukuan ng basta basta. Feeling ko, hindi ko lang basta gusto si Xander, Glenzyl. Kasi kung gusto ko lang sya, hindi ako ganito ngayon, na sobrang nasasaktan. Feeling ko, mas malalim pa sa 'gusto' ang nararamdaman ko." pag-amin ko, na agad ikinangiti ni Glenzyl. "At sa wakas, nagbalik na ang Celestia na kilala ko! Hooray!" parang baliw namang ani nito, na ikinairap ko, bago agad na inangat ang relo sa pulsuhan ko. Agad na nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko kung anong oras na. "Glenzyl! Malapit nang mag 4 pm! Lagot na ako kay Daddy!!!" may bakas ng takot 'kong wika, at kaagad na tumayo, at sinukbit ang bag ko. Ganuon din naman ang ginawa ni Glenzyl, at halos sabay kaming tumakbo papuntang Parking Lot ng Goldridge University. s**t! Lagot ako kay Daddy! I'm sure kanina pa 'yon nasa Parking! Dahil sa takot na nararamdaman ko, mas binilisan ko pa ang takbo ko, hanggang sa makarating kami ng parking lot. Agad naman nahagip ng mata ko ang pamilyar na kotse na palaging ginagamit ni Daddy, kaya duon ako sa tapat nun huminto, habang palihim na napapalunok. Goodness! Sana naman hindi sya galit. Huhuhu. Lihim 'kong dasal, bago tuluyang kinatok ang windshield ng kotse ni Daddy. Naramdaman ko naman ang presensya ni Glenzyl sa tabi ko, kaya kahit papaano nabawasan ang kabang nararamdaman ko. Nakailang katok pa ako, bago dahan-dahang bumaba ang windshield, at bumungad sakin ang matalim na mata ni Daddy. Nakatutok iyon sa akin, na nagpabangon na naman ng kaba na kanina medyo nabawasan na. s**t. Ayaw na ayaw ko pa naman na nagagalit sakin si Dad, bahala nang magalit si Mom, wag lang 'to. Grabe 'kung magalit 'to e. Dahil hindi nagsasalita si Dad, ako na lang ang nauna, at nagbigay ng ngiti dito. "H—hi, Dad." bati ko naman, habang pilit na nilalakasan ang loob sa pagsalubong ng matalim nitong tingin. Si Dad ang unang nag-iwas ng tingin sa aming dalawa, "Sumakay na kayo." walang emosyong sabi nito sa amin ni Glenzyl, bago ini-unlock ang pintuan ng kotse. Sabay naman kaming nagkatinginan Glenzyl, at sinenyasan pa ako nito na mauna nang pumasok, kaya naman agad akong pumanhik sa loob. Nang makapasok, mabilis namang sumunod si Glenzyl, at magkadikit na magkadikit ang mga balikat naming dalawa. "Saan kayo nagpunta?" Heto na. Simula na ng interrogation. Jusko! Lord, guide us please. Sekretong dasal ko naman. I cleared my throat first, before I answer Dad's question. "Uhm, ano, nandun lang po kami Dad sa Garden. Nagpapalipas lang po kami ng oras kasi maaga kaming dinismiss ng prof namin, kaya lang po, nakatulog po kami pareho ni Glenzyl e." pagsisinungaling ko naman, at lihim na nagdadasal na sana makalusot. Nakita ko naman na sinilip kami ni Dad gamit ang rear view mirror, at katulad kanina, matalim at may halong pagdududa sa mata nito. "Nakatulog? Kaya ba ganyan ang itsura nang mata mo?" muling wika nito, at agad naman akong napaiwas ng tingin. s**t. Oo nga pala, kagagaling ko lang sa pag-iyak kaya sure ako na namamaga at namumula ang mata ko. "O—opo, Dad." "Eh bakit 'yung sayo lang ang ganyan ang mata? Bakit si Glenzyl, hindi naman mukhang bagong gising?" muling tanong ni Dad samin. This time, si Glenzyl naman ang sumagot. "Uhm, Tito, kasi, ako po, kanina pa talaga ako gising, Si Celestine lang po talaga ngayon lang, kasi mahimbing po ang tulog niya e." rason din naman ito, habang ramdam ko ang mga kamay nito na hinihila ang paldang suot ko. Ganyan na ganyan talaga sya kapag kinakabahan. Narinig ko ang pagpapakawala ni Dad ng malalim na buntong hininga, bago nagsalita. "Hay naku. Kayong mga bata pa kayo, napakahusay niyong magsinungaling." anito, na naging dahilan para magtinginan kami ni Glenzyl. Hala! Ganon ba kami kahalata ni Glenzyl para masabi nitong nagsisinungaling kami? "Celestine Alexis Alonzo." tawag ni Dad sakin, kaya napabalik dito ang atensyon ko. Kung kanina, tinitignan lang kami ni Dad gamit ang rear view mirror, ngayon naman ay nakatalikod na ito, paharap sa pwesto namin sa back seat. "I'm your father. Alam ko kapag nagsisinungaling ka. You cried, am I right?" pang-uusisa muli nito, na ikinabuntong-hininga ko. Hayst. Daddy ko nga talaga 'to. "Is it because of that Xander again?" Napalunok na lang ako, bago tumango ng dalawang beses, na sinundan ng buntong-hininga ni Dad. "Hay naku Celestine. Ilang taon na yan, ah. Yan pa 'ring lalaking yan ang gusto mo? Atsaka, diba sinabi ko naman sayo na hindi ka pa pwedeng mag-boyfriend—" "Hindi ko na nga ata sya magiging boyfriend, Dad." putol ko sa sasabihin ni Daddy, kaya naman nabalik ang atensyon nito sakin. "Paano mo naman nasabi?" pagtatanong pa nito. i gulped, before pouting. "Umamin ako sa kanya kanina." pag-amin ko naman. "Ano?" gulat namang tanong nito. "Ikaw pa talaga ang umamin? Aba, Celestine!" "Don't worry, Dad. Sabi nya hindi nya ako gusto, at wala siyang pakialam sakin." malungkot ang boses na kwento ko, bago sumandal sa kinauupuan ko, at lumingon sa may bintana. Mukha akong malungkot, pero deep inside, lihim akong nagdadasal na sana mapaniwala ko si Dad na talagang malungkot ako. Iyan kasi ang kahinaan ni Dad, ayaw na ayaw niyang nakikita ako na ganito kalungkot, kaya imbes na pagalitan, mas pipiliin pa nito na tumahimik, at dalhin ako sa kung saang lugar na magpapasaya sa akin. Ilang segundo din itong tumahimik, bago bumuntong-hininga ulit. "Fine. Put on your seatbelt, ladies." anito, "At anak, san mo gustong pumunta para gumaan ang pakiramdam mo?" rinig 'kong tanong nito, na lihim 'kong ikinangiti. Yes! Success! Hahaha! *** "Norman, ano ba ang laman ng mga shopping bags na yan?" bungad na tanong ni Mommy kay Daddy, nang makapasok kami sa loob ng bahay. Nauuna ako kay Daddy na maglakad since si Dad ang may bitbit nang mga binili ko. Hinalikan ko naman si Mommy sa pisngi. "Good evening, Mom!" hyper 'kong bati na agad namang ikinangiti ni Mommy. "Good evening, My Celestine! Pero teka nga, bakit kayo ginabi? Atsaka anong laman ng mga yan?" sunud-sunod na tanong ni Mom, sabay turo sa mga shopping bags. Nginitian ko naman agad ito. "Sinamahan ako ni Dad mamili ng damit, Mom." ani ko, na ikinakunot ng noo nito. "Ano damit? Para saan naman?" pahabol pa nitong tanong. Nagpatuloy naman ako sa pagtungo sa kusina upang uminom ng tubig, "Wala na po kasi ako masyadong white shirts, Mommy. Eh mas neat tignan 'yon kapag nasa university ako kaya bumili ako ng madami." pagdadahilan ko naman, bago kumuha ng isang pitsel ng tubig mula sa ref, at sinalinan ang basong kinuha ko. Wala naman akong narinig na sagot mula kay Mommy, hanggang sa matapos akong makainom ng tubig. Di ko maiwasan ang magtaka kung bakit hindi na nakasagot sakin si Mommy, kaya naman agad akong lumabas ng kusina, at napahinto ako nang makitang nag-uusap si Mom at Dad sa may living room. Balak ko na sana silang lapitan, nang medyo mahagip ng tenga ko na ako ang pinag-uusapan nilang dalawa. "Our Celestine cried, Norman?" di makapaniwalang tanong ni Mommy kay Daddy. "Bakit? Ano 'bang nangyari?" I heard Dad sighed first. "Sabi nya, umamin daw sya duon sa long time crush nya, and that guy told our daughter na wala itong pakialam sa nararamdaman ni Celestine. Maybe, it hurst her the most, kaya ayon, umiyak." Ngayon naman, si Mom ang napabuntong-hininga. "I've never seen our daughter cried because her crush doesn't like her. Kahit 'nuong elementary Days nya, and even highschool. But now, she cried for that guy, Norman. Pakiramdam ko tuloy hindi lang pagkagusto ang nararamdaman ng anak natin dun sa lalaking iyon." ani mommy, at ewan ko ba, palihim akong sumang-ayon sa sinabi nito. Tama naman kasi, kahit nga ako aminado na ako na hindi lang basta like ang nararamdaman ko. "So, it's possible na mahal nya na 'yung lalaki?" curious na tanong naman ni Dad. "For me, oo." honest namang sagot ni Mom. "Pero hindi tayo sigurado hanggat hindi natin naririnig mula kay Celestine. Pero for now, wag na muna nating itanong sa kanya. I'm sure, kahit nakangiti yon, palihim pa rin iyong nasasaktan so it's much better to let her rest first, okay?" sabi ni Mom kay Dad, na tinanguan lang naman nito. Seeing my parents worry for me, yet they chose to let me rest first, makes me smile. Napaka-swerte ko talaga sa mga magulang ko. *** KASALUKUYAN kaming naglalakad ni Glenzyl patungong Cafeteria since gutom na kami at kakatapos lang ng klase namin sa Astronomy Class namin. 11:00 am pa lang, pero drain na ang utak ko, dahil si Prof. Gizmundo, nag-extend lang naman ng 1 hour para pasagutan samin ang activity na hinanda nito. Halos dumugo na ang utak ko kanina kakasagot, mabuti na nga lang at namana ko kay Mommy at Daddy ang pagiging matalino kaya ayon, kahit papaano, may nasagot ako. Well, hindi naman sa nagmamayabang pero parehong College Magna Cumlaude ang parents ko, kaya as expected daw kuno nila na matalino din ako. Amd hindi sila nagkamali since mula elementary, hanggang highschool, or even now, topnotcher ako. Papasok na kami sa pintuan ng Cafeteria, nang sakto namang nagsigawan ang mga kababaihan sa labas, at nagkumpulan sa may entrance non. At dahil alam ko na agad kung ano ang dahila non, mabilis kaming nakipagsiksikan ni Glenzyl dun sa mga babae, para lang makalapit sa may entrance, at hindi naman kami nabigo, dahil nakarating kami sa may harapan. At sakto rin naman na lumabas mula sa Cafeteria si Xander, habang may bitbit na tray na may lamang pagkain. "Kyah! Ang gwapo niya talaga!" "Sinabi mo pa, my gosh! Bakit ba kasi isa lang ang gwapo dito sa University, andami tuloy may crush sa jowa ko." Napatingin ako dun sa babaeng nagsabing jowa nya si Xander habang magkasalubong ang mga kilay, pero napahinto din ako nang makitang mukha rin namang fangirl lang ang babae. Hayst. Akala ko naman ito talaga ang jowa nya. "Glenzyl, na-fake news tayo. Hindi pala siya dito kakain." bulong ko naman dito. Napabuntong-hininga din naman ito. "Yeah. Kasalanan 'to ni Ismael." may halong yamot na sabi nito. "Lagot talaga sakin 'yung lalaking 'yon mamaya." "Aish. Wag mo na ngang awayin si Ismael. Thankful nga ako dyan sa manliligaw mo, kasi tinutulungan ako e. Paano pa kung wala sya, edi mas malabong makilala ako ni Xander." madamdaming sabi ko, bago napatingin sa paligid, dahil para na namang bulang nagsiwalaan ang mga babaeng kasama lang namin dito kanina. "May mga lahi atang the flash ang mga school mates natin. Napakabibilis nilang mawala." wika ko naman, bago nagpatuloy sa paglalakad papasok ng Cafeteria. Busy ang mga mata ko sa paghahanap ng pwesto, nang bigla namang higitin ni Glenzyl ang mga kamay ko, at hinila ako patungong Counter. "Teka lang, wala pa tayong napipiling pwesto!" alma ko naman, pero hindi ito tumigil sa paghila sakin, hanggang makarating kami sa may counter. "Ate, may mga mamahalin ba kayong chocolates or kahit anong dessert dyan?" agad na tanong ni Glenzyl duon sa tindera, habang ako ay napakunot noo lang. Ano namang gagawin nito sa chocolate? "Glenzyl, meron ka ba kaya nagki-crave ka ng chocolate?" agad 'kong tanong kay Glenzyl, nang makalapit ako sa tabi nito. Nakangiwi naman ako nitong nilingon. "Tse! Ginagawa ko lang 'to para sayo." anito, na naging dahilan para naman ako ang mag pout. "Paanong para sakin?" takang tanong ko. "Alam 'mong di ko hilig ang chocolate." rason ko naman. Narinig ko pang napa-tssk ito, bago pinagduldulan sa akin ang phone nito. "O hayan, basahin mo!" anito, bago muling kinausap ang tindera. Habang ako naman, nang matanggap ko ang phone nito, agad 'kong binasa ang message duon. Oh, and It came from Ismael. From: Ismael ? Love, kumakain na si Xander dito sa room. Sorry, akala ko kasi dyan siya sa Cafe kakain, kaso mukhang na-bad mood dahil napakadami daw babae dyan. Nga pala, naghahanap sya ng desert, nakalimutan ko atang sabihin sayo na hilig ni Xander ng chocolate, tell this to your friend, Celestine. Di ko mapigilan ang mapangiti ng malapad, dahil sa nabasa ko. Dahil dun, agad 'kong nginitian si Glenzyl. "Wahh! Super supportive talaga ng bestfriend ko. Huhu!" ani ko, na inismidan lang nito, at tinuloy ang pakikipag-usap duon sa tindera. "Ate, wala na 'bang mas mura dyan?" tanong naman nito, kaya napatingin ako sa chocolate na hawak ni ateng tindera, at nagsalubong ang kilay ko, dahil sa nakita ko. "What the heck! Ate, talagang Ferrero lang ang meron kayo?" gulat ko namang wika,dahil nakita ko ang hawak nitong Ferrero Rochei na Chocolate. Jusko. Eh ang mahal nito e. "Sorry Miss, pero ito lang talaga meron dito." sagot naman ng tindera, na ikinahinga ko ng malalim. "Patay tayo dyan." ani Glenzyl, bago ako tinignan. "Should we buy it?" tanong nito sa akin. Pareho kaming namo-mroblema, since nagtitipid kaming dalawa. Paano ba naman, ilang buwan na lang magaganap na ang Acquaintance Party, at hindi biro ang halagang kailangan para makasali, and since ayaw naming maistorbo pa ang mga magulang namin para sa pambayad, naisipan naming mag-ipon. So, buying expensive foods like this is a big NO...but, for Xander. Fine! "Sige, bilhin na natin." ani ko, at kaagad na kinuha ang wallet sa bag. Kumuha ako ng sapat na halaga duon, para mabayaran si ate, at agad naman nitong inabot sakin ang Ferrero. Ramdam ko naman ang tingin sakin ni Glenzyl. "Seryoso Celestia? Binili mo talaga 'yang mahal na tsokolate na yan?" I nodded, before I put the chocolate on my bag, and took a tray, and put a food in there. "Yep." simpleng sagot ko lang naman. "Hoy, ang mahal kaya nyan." habol pa nito, at katulad ko, kumuha na din ito ng tray, at naglagay ng pagkain duon. Napangiti naman ako sa sinabi nito, bago ko ito hinarap. "Ayos lang na mahal, mahal ko din naman 'yong pagbibigyan ko e." saad ko, habang may malapad na ngiti sa labi, bago nagsimulang maglakad papunta sa nakita 'kong bakanteng upuan. *** HINDI ako mapakali habang hinihintay si Ismael na lumabas mula sa room nito. Kasalukuyan kasi kaming nasa ICT building, at nagtatago dito sa may nakabukas na pintuan ng katabing room nila Xander. Ibibigay na kasi namin 'yung tsokolate. Maya maya, nakita na din namin si Ismael na lumabas,at mabilis naman kami nitong nakita, kaya tumakbo ito agad palapit sa amin. "Hey,Love!" bati nito agad kay Glenzyl ng makalapit. Inirapan naman agad ito ng kaibigan ko, "Love ka dyan, hindi kita boyfriend." Sinagot lang naman ni Ismael ng ngiti ang sinabing iyon ni Ismael, pagkatapos ay tumuon sa bagay na hawak ko. "Seriously, Ferrerro?" gulat na wika nito, bago tumingin sakin. "So expensive." dagdag pa nito. Ngumiti naman ako, "Mahal ko din naman 'yong pagbibigyan ko e, kaya ayos lang." sagot ko, na ikinasuntok sa ere ni Ismael. "Sana pati 'yung kaibigan mo, katulad mo sa ksweetan." pagpaparinig pa nito kay Glenzyl. "Wala sa lahi namin ang sweet, kaya pwede ba, kesa makipag kwentuhan ka dito, bat di mo na lang iabot yan kay Xander. May quiz pa kami after namin dito." mataray na sabi ni Glenzyl, na ikinangiwi ni Ismael. "Napaka mo talaga! Pasalamat ka mahal kita." anito, "Osige. Papasok na ako. Ibibigay ko na 'to sa bebeloves mo." ani pa nito, bago kami tinalikuran, at agad pumasok sa loob ng room nito. At dahil curious ako kung ano ang mga susunod na mangyayari, pinilit 'kong sumilip ng kaunti sa may pinto. Nakita ko naman agad ang pag-abot ni Ismael ng chocolate kay Xander, na mukhang ikinabigla nito. Nag-usap pa ang dalawa, at ewan ko pero nagsalubong ang kilay ko nang makita 'kong napakamot ng ulo si Ismael, bago naglakad paupo sa upuan nito. Ano kayang sinabi ni Xander dito? Nabalik ang atensyon ko Kay Xander nang agad itong umikot, at lumabas bitbit ang tsokolateng bigay ko. Nakangiti pa ako habang nakasunod dito ng tingin. Pero agad din iyong naglaho, nang makita ko ang ginawa nya sa tsokolateng bigay ko. He left it. He left it inside the trash can.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD