Chapter 4
Xander's POV
"Ismael, please stop giving anyone informations about me. Hindi na nakakatuwa." seryoso at may diin 'kong bigkas nang makabalik ako sa upuan, pagkatapos itapon ang chocolate na inabot ni Ismael sa akin kanina. Yes, I was craving for deserts, but that doesn't give Ismael the right to sell me off to someone I don't know.
"Tol naman, It's just a chocolate. Atsaka, hindi naman masamang tanggapin yan. By just accepthing the chocolate, you can make Celestine happy." anito naman, and him, mentioning woman's name makes me more angry.
I send him a death glare before I spoke. "I don't know who that Celestine is, but I don't care about her. So tell her to stop pestering me." I said, before I stand up, since I'm planning to leave them alone here. "And also tell that woman that I'm getting married soon." I said, and left them there, having their jaw drop in shock.
***
Tin's POV
From: Ismael ?
Love, there's a sad news that I am going to tell you and Celestine. Xander just dropped this news earlier, and it made us all shock. He said he's getting married. At sa mukha at tono nito habang sinasabi iyon, I'm hundred and one percent sure ma totoo "yon.
I felt a lone tear managed to escape from my eyes, after reading the text message coming from Ismael. Pakiramdam ko durog na naman ang puso ko, dahil sa nalaman ko. So, after all, my instict was right. That post, it's true.
He's really getting married. s**t! Pero bakit? Bakit ang aga niya namang magpakasal? Nabuntis nya ba 'yung girl na 'yon? Shete naman e! Kakaamin ko lang e. Ano ba naman 'to oh! Ang sakit kaya!
"Celestiaaaaa~" rinig 'kong tawag ni Glenzyl sa pangalan ko, pero hindi ko pa rin ito nilingon. Hindi pa rin kasi ako maka-move on. Nasasaktan ako. Bakit parang palagi na lang ata akong umiiyak? At dahil lang palagi kay Xander.
"Tama na ang iyak mo. Wala namang magagawa yan e." narinig 'kong sabi pa ni Glenzyl, na lihim 'kong sinang-ayunan.
Tama naman sya. Kahit magmukmok pa ako at umiyak nang umiyak, balewala pa din dahil hindi nito mapipigil ang kasal ni Xander sa iba.
And by just thinking of this, sunud-sunod na namang tumulo ang luha mula sa mga mata ko, kaya this time, nang makita iyon ni Glenzyl, kaagad ako nitong niyakap ng mahigpit.
"Hindi ako sanay na ganito ka, Celestia." ani nito, at base sa nanginginig nitong boses, alam 'kong umiiyak na din ito. "Alam mo, naiinis na talaga ko sa Xander na yan. Kung ako lang, mas gugustuhin ko pa na mag-move on ka na lang at maghanap ng iba e. Wala ka namang napapalang maganda dyan sa lalaki na yan. Oo nga, gwapo sya tsaka matalino, mayaman, pero lagapak naman sa ugali, tapos lagi ka 'pang pinapaiyak. Feeling ko, wala syang magandang maidudulot sayo e." anito, na mas ikinahagulgol ko naman.
Kung tutuusin, may punto siya e. Mas maganda nga siguro na kalimutan ko na si Xander, kaso nga lang, di ko naman kayang basta bastang utusan ang puso ko na ibaling na lang sa iba 'yung nararamdaman ko. Kung nauutusan lang sana ang puso, edi walang problema. Hayst.
Pinahid ko ang basa 'kong pisngi, bago nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. "Kahit gustuhin ko 'pang kalimutan sya agad, hindi ko naman magagawa 'yon. I might as well, do everything I can to make him change his mind, Glenzyl." desididong sabi ko na, na agad ikinalaki ng mata ni Glenzyl. "Ano? Anong ibig 'mong sabihin, Celestia?" gulat na wika naman nito.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa may field, at buong tapang na ngumiti habang nakatayo sa harap ni Glenzyl. "Ika nga nila, we must look to the bright side of life, and let positivity conquer you. I will apply that to myself. Masyado nang maraming effort ang ibinibigay ko para lay Xander, almost 3 years ko na siyang ini-stalk, ni hindi nga pumasok sa utak ko noon na sumuko, ngayon pa kaya na alam nya nang may nararamdaman ako para sa kanya? Ngayon pa na aware na sya na may isang Celestine Alexis Alonzo na nagmamahal sa kanya? No. I won't let that happen. I will make him change his mind. Hindi pa naman sya kasal, so bakit ako agad susuko?" puno ng determinasyon 'kong sabi na, na ikinasalubong ng kilay ni Glenzyl.
"Celestia, sigurado ka ba nyan?" puno ng paniniguradong tono na tanong nito, "I mean, if Xander loves that woman he's going to marry, magiging antagonist ka sa love story nila?" wika muli nito.
Mabilis naman akong umiling, at bumalik sa pagkakaupo sa harapan nito. "Nope." I said, "Kapag nakita ko na talagang walang pag-asa at talagang mahal nya ang babaeng papakasalan nya, and at the same time mahal sya nung babae higit sa nararamdaman ko, then, that's the time that I should stop." I spoked, and then let out a slight smile.
Glenzyl take out a heavy deep breath, before encircling her arms around me. She's hugging me, and it lessen's the hurt I am currently feeling right now. Afterwards, without breaking our hug, she mumbled something to me. "Fine. I'll support you on that, but if you think that there's no chance at all, stop okay? Ayokong ikapahamak mo 'to, Celestia." magkahalong suporta at pagbabantang sabi nito, na ikinatango ko. "Oo. I promise you that." bukal sa kaloobang sabi ko, but deep inside, I'm actually praying na sana nga pagdating ng araw na 'yon, if ever na wala talaga akong chance ay magawa 'kong kayanin ang sakit, at tuparin ang pangakong binitawan ko.
Lord, guide me please...
I silently prayed.
***
"Celestine, come here. Eat with us." narinig 'kong aya ni Mommy, pagkapasok na pagkapasok ko palang ng bahay namin. They 'were in the living room, and there, they are eating together. Yes. Ganyan minsan ang mga magulang ko. Mas gusto nilang kumakain sa living room, dahil daw mas masaya, and take note, nakaupo lang naman po sila sa lapag.
Minsan, na-adapt ko na din ang ganyang ginagawa nila, kaya kapag nasa bahay ako nila Glenzyl, madalas niyayaya ko ito na kumain sa living room.
"Mamaya na lang po siguro ako kakain, Mommy, Daddy." tanggi ko naman at akmang tutuloy na sa pag-akyat patungong kwarto, nang marinig ko ang tila nagi-imbestigang boses ni Daddy. "Celestine, ano 'yang dala mo? Teka, spiderman figure ba yan?" rinig 'kong pagtatanong nito, kaya naman lihim akong napalunok.
Shit naman. Ang daddy ko talaga, napakalinaw ng mata. Aish.
Humugot ako ng malalim na hininga, bago ngumiti kay Dad, at sinalubong ang mapanuri nitong mata. "Uhm, this is just for, a project Dad. Kailangan kasi naming mag-present ng kahit anong toy figures, and we need to define it's characterics, and tell the whole section about our similarities." imbentong paliwanag ko naman, at palihim na napa-cross fingers. Maniwala kayo, maniwala kayo. Please.
The living room was silent, until I heard Dad's laugh, and that made me shock. Dad is actually laughing. "Celestine, remember, babae ka. Why the heck did you choose Spiderman? You can just use Dora, since you like to go anywhere, or you can pick disney princesses, since you're our princess. Or you can just choose Moana, since she's cute, but short like you." Dad said, that made me release a poker face. Mom chuckled because of what Dad has said, and then Daddy look at me, and when he notices my reaction, He eventually released a weird smile. "Uhm, I'm not saying that your short, Cele—"
"Stop making yourself clean, Dad." I cutted his sentence, as I rolled my eyes. "You already humiliated me infront of Mom." I continued.
"Celestine, Daddy is just joking." wika naman nito, at alam ko naman sa sarili ko na nagjo-joke lang ito. Actually, hindi naman ako nasaktan, but I'm acting like this because I want to get free from Dad's interrogation.
At mukhang naaapektuhan ito sa ikinikilos ko, kaya naman pasimple na lang akong tumalikod at akmang lalakad, nang marinig ko na naman itong magtanong.
"Is that for a guy?"
Mabilis pa kay The Flash akong napaharap, habang nakaawang ang bibig. "Dad! No. It's not." I defended, "It's just for a project, and I really like superma—" this time, Dad was the one who cutted my sentence off. "Nope. You never liked Superman. Not even once you bought something related to that character. Now, tell me, straight, what are you going to do with that thing?" bakas ang kaseryosohan sa boses ni Dad, at halos gusto ko na lang maglaho ngayon sa harapan nila.
Pareho sila ni Mommy na pinupukol ako ng mga nag-uusisa nilang tingin, at hindi ko na alam kung ano pa ang idadahilan ko para depensahan ang sarili ko. Naubusan na ako ng explanations.
We became silent for a minute or so, before Dad finally released a deep breath. "Fine fine. I won't ask further questions since mukhang ayaw mo talagang umamin, papalusutin kita ngayon, basta sumabay ka na samin ng mommy mo na kumain." rinig 'kong wika ni Daddy, na mabilis ko namang ikinangiti. "Kung ano man ang gagawin mo dyan sa Spider man na yan, just do it later. For now, kumain ka na. Tignan mo 'yang katawan mo, para ka nang tingting." dagdag na lait pa nito, na muling ikinasingkit ng mata ko.
"Daddy, hindi ako mukhang ting-ting. Aish!" ani ko muna, "Wait lang po, iaakyat ko lang 'to sa kwarto." paalam ko, bago tuluyang umakyat at inilagay ang pinamili ko sa kama.
There are lots of empty papers, different colored pens, glue, scissors, Spiderman and Panda stickers, at marami 'pang iba na alam 'kong ginagamit sa paggawa ng loveletters. Yes. I plan to write a letter for Xander, and no matter how hard it may, I will do anything to give this to him first thing tomorrow.
***
"Celestia, bakit napakaaga mo naman atang nangangatok ng bahay,ha? Ano 'bang nakain mo?" iyan ang bungad na dada sakin ni Glenzyl, nang pagbuksan ako nito nang gate ng bahay nila. It's just 5:30 am in the morning, at ang bruhilda, tulog mantika pa. "Glenzyl, sana nag-ayos ka man lang kaunti ng mukha mo. May laway ka pa." puna ko naman, na ikinasimangot nito.
"Pagtiisin mo ang itsura ko, ikaw 'tong nangi-istorbo nang tulog e." sagot naman nito, bago magkasalubong ang kilay na nagtanong. "Bakit ba ang aga mo? Tsaka anong kailangan mo, ba?" with her question, I quickly smiled. "Actually, dumaan lang ako para sabihing, mauuna na akong pumasok sa school. Yon lang. Bye!" I said, at mabilis na umikot at tumakbo pabalik ng kotse.
Hindi ko pa man nagagawang buksan ang pintuan ng kotse, narinig ko ang malakas at pagalit na sigaw ni Glenzyl. "Leche 'kang babae ka! Istorbo! Hmpp!" sigaw nito, na sinundan ng malakas na pagkakasara ng gate nila.
Di ko naman naiwasang mapangiti nang makapasok ako sa loob ng kotse.
"That wasn't nice, Celestine." I heard Dad said, He talked in a serious voice, but a triumphant smile is plastered in his face. Naman talaga. Tatay ko nga talaga 'to.
Hindi daw nice, pero nakangiti din? Hayst.
When Dad started maneuvering the car towards the school, I just remained silent, as I keep on thinking what might happen later. Magustuhan kaya ni Xander ang love letter ko? Or, ang mas dapat na tanong is, will He accept it? Kinakabahan ako.
What if he puts it inside the trashcan? Paano na lang ang effort ko? Late na akong natulog dahil lang sa paggawa ng love letter na yan, at sobra akong masasaktan 'kung hindi man lang nya magagawang tanggapin at basahin.
"Anak, ayos ka lang?"
Nabalik ako sa sarili nang marinig ko ang tanong na iyan ni Dad, at duon ko lang napansin na ilang metro na lang ang layo namin mula sa gate ng University. And when everytime we're getting closer and closer, pakiramdam ko nasu-suffocate na ako dahilan sa sobrang kaba.
But I need to fight it. Hindi dapat ako magpadala sa kaba. I need to do this, so I will do this.
Humugot ako ng malalim na hininga, at nang tuluyang huminto ang kotseng kinalululanan, mabilis 'kong hinalikan sa pisngi si Daddy, "Thank you, Dad. Ingat po sa pag-uwi. Bye!" nagmamadaling paalam ko, habang mabilis na lumalabas ng kotse. Nang makalabas, agad na din akong tumakbo papasok ng University.
Ilang takbo, narating ko ang field, agad akong naghanap ng isang bench duon, bago tinext si Glenzyl. It's 5:50 am, siguro naman gising na 'yong si Glenzyl, mukhang di naman na yon nakatulog ulit dahil sa pang-iistorbo ko kanina.
To: Glenzyl
Glenzylll, kindly text your suitor, Ismael, to please inform me when Xander is about to go to the university. Pakisabi, naghihintay ako dito sa may field.
Sent*
I closed my phone, as I waited for the sun, actually shines. According to meteorologists, the sun will rise at exactly 6:25 am. Kaya naman aabangan ko na lang 'yon habang naghihintay sa pagdating ni Xander. Sakto namang nakatanggap ako ng text mula kay Glenzyl.
Mabilis 'ko iyong binuksan at kaagad na binasa ang laman.
From: Glenzyl
Ismael just texted right now, sabi nya, 7:30 pa daw darating si Xander. Bigla daw kasing nagbago ang isip nito kagabi, and Isma forgotten to inform you. Pasensya na daw, Celestia. ?
Di ko naman napigilang makaramdam ng lungkot dahil sa nabasa ko. So, ibig sabihin, nasayang lang ang pagpasok ko ng maaga ngayon. Wala naman palang Xander na papasok ng maaga. Hayst. Napabuntong hininga na lang muna ako, bago nagreply ng 'ayos lang' kay Glenzyl.
Maya-maya, nakaramdam ako ng antok, and without further thinking, basta ko na lang ipinatong ang magkabila 'kong braso sa ibabaw ng table sa tapat ng bench, at agad yumuko duon, at ipinikit ang mga mata.