Chapter 5
Tin's POV
"XANDER IS HERE! OMG!"
"WHAT? ANDYAN NA SI XANDER?"
"OHMYGOSH! LET'S GO GIRLS."
"TARA NA KASI. BAKA MAUNAHAN PA TAYO. HINDI NA TAYO MAKASINGIT!"
Tila nagising ang mundo ko nang makarinig ako ng malalakas na boses ng babae malapit sa akin, na agad sinundan ng mga nagmamadaling yabag ng mga paa. Nang imulat ko ang mga mata ko, agad na sumalubong sakin ang maliwanag na sikat ng araw. Shems. Umaga na.
I raised my wristwatch to check the time, at m*****s pa sa alas kwatro akong napatayo ng makitang 7:30 am na! Late na ako sa Astro Class ko, and worst is, ANDITO NA SI XANDER SA SCHOOL!
Nagmamadali 'kong binitbit ang bag ko, bago mabilis na tumakbo patungong gate ng School. I'm sure kakadating pa lang ni Xander, at paniguradong mai-stock pa ' duon sa may gate dahil sa mga babaeng nagnanais magpapansin dito.
Ilang takbo pa, sa wakas, narating ko na din ang main gate. Pero halos manlumo ako nang makitang wala na ni isang estudyante duon, mabilis akong napalingon, at nanlaki ang mata ko nang makitang nasa may tapat ng ng classroom namin ang mga nagkakagulong estudyante, at mukhang nanduon na nga din si Xander.
Mabilis na naman akong tumakbo upang makalapit, pero pagdating ko duon, hindi ko naman magawang makasingit dahil sa mga nagsisiksikang estudyante, at dahil palaban ako, nagpumilit pa din akong sumiksik, hanggang sa may isang babaeng puno ng make up ang mukha ang bigla na lang tumulak sakin palayo.
And because of the hard impact, natagpuan ko na lang ang sarili ko sa may sahig, at tumilapon naman 'yung love letter na hawak ko, ilang metro mula sa akin. Sinamaan ko na lang ng tingin 'yung babae na nginisihan lang naman ako, tapos ay pinilit ko na din na agad tumayo, nang lingunin ko ang kinalalagyan ng letter ko, halos mapuno ng pag-aalala ang mukha ko nang makitang wala na sa lapag ang letter ko.
Tatakbo na sana ako papunta duon sa lugar na 'yon, nang mahagip nang mata ko ang isang magandang babae, matangkad at naka-civilian, na nasa bandang gilid, at hawak nito ang love letter na gawa ko. Tila tinitignan nito iyon, kaya naman mabilis akong naglakad palapit sa direksyon nito.
"Miss, akin yan." pagkuha ko naman sa atensyon nito, at nang magtama ang tingin namin ng babae, duon ko napansin ang kulay gray nitong mata. The girl is pretty, and she becomes more prettier when she smiled at me. "Uh this? Sorry, kinuha ko na. Baka kasi masira pa 'nung mga nagkakagulong babae na 'yon." anito, at nagawa pang inguso ang mga babaeng nagkakagulo para kay Xander. "Anyways, ito na oh." anito, sabay abot sakin nung letter.
Mabilis ko naman iyong tinanggap at nginitian ang babae. "Thank you." pasasalamat ko, at akmang tatalikod na nang muling magtanong ang babae. "Teka, fangirl ka din Ni Xander?" pagtatanong nito, na naging dahilan ng paglingon ko.
Bakas sa mukha nito ang kuryosidad, at nag-aalangan naman ako kung sasagutin ko na ito o hindi. At mukhang napansin nito ang reaksyon ng mukha ko, kaya naman ngumiti ito, at mabilis na nagpaliwanag. "Sorry, I accidently read the name Alexander kasi written on that. Gusto ko lang malaman 'kung para yan dyan sa lalaking pinagkakaguluhan nila?" paglilinaw naman nito.
At dahil mukha namang mabait 'yung babae, sinagot ko nang pagtango ang tanong nito. "Oo."
Nanlaki naman ang mata nito. "Really? That letter is for Velasquez?"
Napatango naman ako ulit, na mas ikinatuwa nito. Then, later on, I found her, holding my arm as if we're close enough for that. "Know what, mahihirapan ka 'kung iaabot mo yan ngayon sa kanya. And knowing Xander's personality, I'm sure hindi nya yan tatanggapin, at iisnabin ka lang niya." wika nito, bago ako tinitigan sa mata. "It's better kung ako na lang ang mag-aabot nyan sa kanya." dugtong nito, na ikinakunot ng noo ko.
"Huh? Ikaw? Paano? Classmates ba kayo?" pag-uusisa ko naman.
The girl quickly shakes her head. "Nope." anito, bago muling ngumiti, bago inilahad ang kamay sa harapan ko. "I'm Christina Base, Alexander's bestfriend." pagpapakilala nito, na talagang ikinalaki ng mata ko. Literally.
What the heck! S—siya? Bestfriend ni Xander? Seryoso?
"Seryoso? Hindi ka nagbibiro?" paninigurado ko naman.
Christina nodded her head twice. "Yep." anito, "So, want me to help you?" offer pa nito.
Nagdadalawang isip pa ako kung maniniwala dito, pero, wala namang mawawala diba? What if she's really telling the truth? I might as well, believe her. Wala naman sa mukha nito ang magsinungaling.
I let out a deep breath. "Fine. Help me."
***
Xander's POV
"s**t ka talaga, Bro! Palagi na lang pahirapan makapasok dito sa room nang dahil sayo." narinig 'kong sabi ni Einre, pagkadating na pagkadating namin ng classroom. This guy really is the master of complaints. Tssk.
Inilapag ko naman ang bag ko sa table na naka assign sakin, at mabilis na naupo sa upuan. "Hindi na kita pinilit na sumabay sakin sa pagpasok. Ikaw lang naman ang may gusto." sagot ko naman, na ikinatawa ni Ismael at Brent.
"How can I say no to that? Going to school with you, means a lot of girls." wika pa nito, na mabilis na binatukan ng dalawa. "Loko ka talaga, Einre. Basta babae, wala 'ka talagang pigil." Brent said, while laughing his ass off.
"Langya! Bat ako lang? Parang ang lilinis niyo ah." matapang na sagot naman ni Einre, bago dinuro ang dalawa. "Bakit kayo ba? Ano 'bang dahilan niyo para sumabay kayo kay Xander sa pagpasok, aber?" balik tanong nito.
Ismael was the first one to reply. "Gusto ko lang makatipid. And no, wala akong pakialam sa mga babae. My Glenzyl is enough for me." sagot naman nito. Well, sa kanilang tatlo, si Ismael lang ang masasabi 'kong stick to one. Si Einre at Brent kasi, mga well-known playboy ang mga yan.
Ako naman, I stopped it so many years ago. Reason? I already know that I'm going to get married. Reason again? I don't know. Hindi ko alam kina Mom and Dad kung bakit gusto nila akong ipakasal ng maaga, and they told me to not to say no. And nung makilala ko kung sino ang ipapakasal sa akin, mas lalo akong nakumbinsi na wag nang sumayin pa sila.
"Ako, aamin na ako. Babae din ang rason." Brent answered, and it's already expected. Nag-apir naman ito at si Einre, na ikinailing-iling ni Ismael.
We're all having fun, when my phone suddenly rings. I took it out of my bag, and when I saw the caller ID, mabilis akong tumayo at naglakad palabas upang sagutin ang tawag.
Mabuti na lang at wala na 'yong mga babae sa labas ng classroom namin, may mga klase na kasi sa floor na ito, and the teachers are known for being terror, kaya natatakot ang mga estudyante na gumawa maski maliit na ingay.
I answered the call, and placed the phone on my ear. "Why did you call?" I greeted.
"Nakalimot ka ba? Ngayon kaya ako lilipat nang university mo dahil sa utos ng mga magulang ko!" singhal sa akin ni Christina, ang best friend ko, and turned out, fiancé ko pala.
I sighed loudly, before answering back. "Bakit ka ba kasi pumayag na lumipat?"
I heard Christina take a deep breath from the other line before answering my questions. "Eh loko ka pala. Alam 'mong hindi ako maka-hindi kina Dad e. Sabi ko naman kasi sayo, ikaw na lang ang maglakas loob na umayaw sa arrange marriage na 'to. Ikaw naman ang lalaki e." here we go again. Kukumbinsihin na naman ako ng makulit na 'to na hindian ang kasal.
Yes. We are arranged. Bestfriend ko ang fiancé ko. How ironic right? Actually, nuong una, I really don't agree to this freaking arrange marriage, but when I know who am I going to marry, hindi ko na rin pinigilan.
It's much more fine with me na sa kaibigan ko ako ikakasal. At least, I know her. And isa pa, pag tumanggi ako, pipili na naman sila Dad ng bagong magiging fiancè ko. So it's better to be her, that anyone I don't know.
"Christina, pareho lang tayo. I can't say no to my parents too." rason ko naman. "If I decline my marriage with you, they will find another woman to marry me off, at mas gugustuhin ko 'pang matali sayo, kesa sa babaeng hindi ko nga kilala."
"Yuck! Hearing you say that makes me want to vomit. s**t. Kilabutan ka nga, Xander. Hindi tayo talo, atsaka may boyfriend ako, ano ba!" pagta-tantrums na naman nito na ikinasuklay ko na lang ng buhok. Later on, sa wakas tumigil na din ito sa kakangawa, at muling nagsalita. "Anyways, meet tayo later sa may garden ng building nyo, may iaabot ako sayo, and balita ko, dito daw napadpad si Hiro, matapos patalsikin sa dati niyang university. I think we will be complete here." rinig kong imporma ni Christina bago tuluyang ibinaba ang tawag.
So, that guy Hiro will study here too? Wow. What a coincidence.
With that, I head back inside the room.
***
It's nearly lunch when I got here in the ICT Building Garden. Tahimik lang akong naghihintay sa pagdating ni Christina, since sabi nito, papunta na daw ito. So far, I'm happy that no one is in here right now. Walang manggugulo sa akin.
Suddenly, a memore flashed on my mind. A memory when a girl, I mean, a short girl made me went here just for her to confess her feelings. I actually chuckled on the memory. She was brave enough to confess and even asks me If I can be his boyfriend, huh.
Well, since I put her chocolate present on the trashcan, hindi na ako nito muling inistorbo. Kung ganun lang naman pala kadali ang paraan para mapalayo ang mga babae, might as well do it again with another woman whose going to give me chocolates and another stuff. Oh well.
"s**t! Nakakahingal 'yon ah."
Napatigil ako sa pagbabalik-tanaw nang rumihistro sa mata ko ang hihingal-hingal na si Christina. She was standing right infront of me, while sweats keeps on dropping from his forehead. "Seriously? You run towards here?" I mumbled, and I just get a murderous stare from her.
"Hindi ba halata?" pambabara pa nito, bago humugot ng malalim na hininga, at tumayo na ng diretso. "Anyways, pinapunta kita kasi balak ko 'tong ibigay sayo." He said, as she gives a piece of envelope, it's a pink envelope, but there's a touch of spiderman stickers attached in it I frowned, "What is that thing?" I asked.
Christina sighed again, "Love letter for you." tila masayang wika nito, at hindi ko naman napigilan ang mapangisi. "So, tanggi ka ng tanggi na magpakasal sakin, pero heto ka ngayon, binibigyan ako ng love letter?" ani ko naman, and as usual, matalim na tingin na naman ang ipinukol nito sa akin. "Tanga. Hindi sakin galing yan!" alma naman nito, na ikinasalubong ng kilay ko, "Kung hindi sayo, kanino galing yan?"
Christina gave me a smirk first before answering my question. "Well, galing yan sa bago 'kong kaibigan. Crush na crush ka niya, kaya naman, as your gorgeous and kind best friend, nag-magandang loob na ako na tulungan sya." nakangiting sagot nito, na para 'bang ang ganda ganda ng ginawa nito. "Ang galing ko diba?" ani nito, na ikinabuntong-hininga ko.
"Christina, hindi ako natutuwa." I plainly said, before giving her back the letter. "At isa pa, we're getting married, hindi magandang tignan na tumatanggap ako ng love letter sa kung sinu-sino." I mumbled, while giving her a deadly look. "And please, don't do anything to make this wedding stop. Malalagot ako kay Dad, at ganon ka din kaya makiayon ka na lang sa mga mangyayari."
Christina releases a heavy deep breath as she rolled her eyes at me. "Xander naman! Ilang beses ko 'bang sasabihin na ayoko sa kasalang ito. I have a boyfriend, at ayoko siyang saktan by agreeing to this marriage. Pwede ba? And another thing, we don't love each other at all. Paano maggo-grow ang marriage natin 'kung walang love na involve?" balik tanong nito.
This time, I am the one who sighed, before staring at her eye to eye. "We love each other as friends, Christina." I said, as if it is the answer to everything.
"But still, Xander, best friends lang tayo. Hindi ko kayang ipilit isiksik sa isipan ko na ikakasal ako sayo." She said, before giving me a desperate look. "Fine. Kung ngayon hindi kita mapipilit na i-cancel ang wedding, pwes hindi ako titigil. I will make everything I can to make you stop this s**t. Gagawa ako ng paraan, kahit ano, at sinisigurado ko sayo, darating ang araw na ikaw mismo ang magmamakaawang itigil ang kasal." buo ang boses na sabi nito, bago muling inabot ang love letter na dala nito, "And I will start from giving you this letter, don't ever try to throw it away, or else magagalit talaga ako sayo." She angrily said, before walking out.
Nakakunot noo ko naman siyang sinundan ng tingin, at nang tuluyan itong mawala sa paningin ko, duon lang ako napailing-iling. Christina really loves her boyfriend so much. But sorry to say, I won't stop this marriage.
Just like what I always say, it's better that it's her, other than anyone I don't know.
Napatingin naman ako sa love letter na inabot nito, at kung ako lang, itatapon ko na talaga ang bagay na 'to, pasalamat na lang talaga at naaapektuhan ako sa banta ni Christina. As far as I can, I'm trying not to make her so angry, grabe ang nagagawa ng babaeng iyon kapag galit. It'll be a big mess once she's angry.
Kaya kahit ayaw ko, wala akong ibang nagawa kundi ilagay sa bag ang letter na inabot nito.
***
Tin's POV
"Goodmorning, Tita Gladyz, Tito Glen." nakangiting bati ko sa mga magulang ni Glenzyl. Umaga na kasi, at nag-usap kami ni Glenzyl na sabay kaming papasok kaya naman maaga palang dumaan na ako sa kanila.
"Goodmorning, Celestine." Tita Gladyz greeted back, before glancing at Dad, whose behind me. "Goodmorning din sayo, Norman." bati nito kay Daddy.
Daddy smiled. "Goodmorning, Gladyz and Glen." balik bati naman ng Daddy ko. Muli namang binalik sakin ni Tita ang tingin nya, "Wait lang, Celestine ah, palabas na din 'yong anak namin. Masyado lang talagang makupad." ani nito, na ikinatawa ko naman.
"Baka po sinusuklay pa 'yung kulay pula niyang buhok." ani ko naman, and then Tito Glen cutted us off. "Wag na kayong maingay, palabas na sya." mahinang bulong nito, na mukhang si Glenzyl ang tinutukoy. Sabay sabay din naman kaming nanahimik, at pinipigilan ang tawa, hanggang sa makalapit sa amin si Glenzyl, na agad kaming tinignan habang nakataas ang kilay.
"Huhulaan ko na, ako na naman ang pinag-usapan niyo." tila siguradong-siguradong sabi nito, na ikinatawa naman naming lahat, habang napa-roll eyes na lang si Glenzyl. "Kayong lahat talaga. Aish." sabi pa nito, bago lumapit kay Daddy, "Tito Norman, sasakay na po ako sa kotse niyo," paalam nito na tinanguan naman ni Dad.
Nang makitang tuluyan nang naglakad si Glenzyl patungong kotse, nagpaalam na din kami ni Daddy kina Tito Glen at Tita Gladyz, at kaagad nang sinundan si Glenzyl sa loob ng kotse. She's sitting at the back seat, habang ako naman ay sa passenger seat naupo.
"Glenz, don't be mad at me. We're just talking." I explained, trying to take her irritation away. "Tsk. Ewan." sabi lang nito, bago nag-cross arms na ikinatawa nalang namin ni Dad. Oh well, sanay na kami dyan kay Glenzyl. Maya-maya lang, I'm sure magiging okay na yan.
All ride, we are all silent. Si Glenzyl nananatili pa 'ring naka-cross arms hanggang sa huminto na ang kotse sa may tapat ng University. Nauna akong bumaba, at agad namang sumunod si Glenzyl. Nagpaalam lang kami kay Dad, at sabay na 'ding naglakad.
And Glenzyl is still silent, so I started to talk to her. "Huy! Galit ka ba?" pagtatanong ko naman, na inismidan lang nito. Ayt. Galit nga. Mabilis naman akong kumapit sa braso nito, at ngumiti ng matamis. "Uy, sorry na. Alam mo naman na joke lang namin 'yon nila Tita at Tito e. Don't be mad na. Please." pagpapacute ko, at maya maya lang, tinignan na din ako nito. "As if galit talaga ako. Aish." ani nya lang, "Bilisan na nga lang natin, male-late pa tayo dahil sa ginagawa mo e." dagdag na sabi pa nito, na ikinangiti ko na lang ng malapad.
We're busy walking, when someone suddenly bumped me. Malakas ang pagkakatama samin ng taong iyon, kaya muntik na kaming matumba ni Glenzyl. Nilingon naman namin 'yung tao—I mean, lalaki, na nakasuot ng uniform nang school, at talagang ang piercing na suot suot nya ang nakakuha ng atensyon ko.
He's not familiar to me. Bagong lipat ata. Infairness, gwapo. Pwede nang lumevel kay Xander ko. Tiyak may bago na namang pagkakaguluhan ang mga babae dito.
"Hey miss, sorry. Hindi ko sadya." paghingi naman nito ng pasensya, "Uhm, okay lang naman kayo diba?" naninigurong tanong naman nito.
Mabilis naman akong tumango, "Oo. Ayos lang kami." saad ko naman, na ikinangiti ng lalaki. And oh boy, ang gwapo! Kung si Xander goodlooking at goodboy pa, ito goodlooking na may pagka-badboy type. Shems! Lakas maka-gangster ang datingan.
"Okay. I'll go ahead. See yah around, ladies." anito, na tinanguan ko lang kaya mabilis itong tumalikod, ngunit nakakailang hakbang palang ito, bigla na lang ito muling humarap, "Hey miss. Anong pangalan mo?" tanong nito, na ikinaawang ng bibig ko. Wala naman sa sarili akong napaturo sa sarili ko. "Ako?" I asked in disbelief, and he just nodded. "Yes. Ikaw." anito.
Kahit na nag-aalangan, mas pinili ko nalang sabihin ang pangalan ko. "Celestine Alexis Alonzo. That's my name."
Muli naman itong ngumiti ng todo, na tiyak makakalaglag ng panty ng ibang babae dito kapag nasilayan nila, "Okay. See yah around, Celestine." muling ani nito, bago muling tumalikod at tumakbo palayo. Habang kami ni Glenzyl, naiwang may mga nagtatanong na tingin para sa isa't isa.
Hmm, sino naman kaya ang gwapong lalaking 'yon? And why did he ask my name?