Chapter 6

3124 Words
Chapter 6 Tin's POV "Talaga? Tinanggap niya 'yung letter?" gulat 'kong tanong kay Christina, nang magkita kami sa may Cafeteria ng University. Nginitian naman ako nito, at tumango. "Yes. And nga pala, gusto mo 'bang sumama mamaya? Magkikita kasi kami sa may ICT Garden, ipapakilala kita," anito, bago tumingin kay Glenzyl, na kasalukuyang katabi ko. "Ikaw din, Glenzyl. Sama ka." aya naman nito. Oo nga pala, nagkakilala na sila kanina, since accidentally na nag-cross ang paths namin dito sa Cafe. Glenzyl quickly shakes her head. "I can't e. May gagawin kasi ako after class." anito, bago nginuso ang direksyon ko. "Siya na lang ang isama mo, Christina. I'm sure hindi tatanggi yan." anito. Christina laughed at what Glenzyl has said, "Yeah. I know right." sagot naman nito, at pareho na silang tumatawa. Okay. Sabi ko nga, magkakasundo silang dalawa e. Feeling ko, ako ang OP dito. Napangiwi naman ako habang nakatingin sa kanilang dalawa. "Okay. Sabi ko nga magkakasundo kayo sa pang-aasar sakin." ani ko na lang, "atsaka, Christina, just like what she said, oo, sasama ako." sagot ko na lang, na ikina-apir pa ng dalawa. Mukang madagdagan na ata kami ni Glenzyl. Hayst. "Okay. Then it's set. Let's meet at 3pm." Christina said, "Ayos lang?" Napaisip naman ako sa sinabi nito. 3 pm? s**t. May klase pa ako 'non. "Christina, I still have a class at 3 pm. Hanggang 3:30 ang klase ko ngayon." banggit ko naman, na ikinanguso ni Christina, at tila ba malalim na nag-isip. Maya maya lang ay muli itong tumingin sakin at ngumiti, “Okay. 4:00 pm na lang tayo magkita sa ICT garden.” sabi nito, na ikinangiti ko naman. “Okay. Noted yan.” saad ko, bago ko naaalala si Xander. “Eh, teka, ayos lang ba kay Xander 'kung mababago 'yung time nang pagkikita duon? ” pagtatanong ko naman, na mabilis sinagot ni Christina ng tango. “Oo. Saming magkaibigan, ako ang batas, atsaka hihintayin ka lang naman namin, magkikita pa din naman kami ng 3:00 pm.” aniya pa, na ikinangiti ko naman. Pare-pareho kaming natahimik sandali hanggang sa muling nag-usap si Glenzyl at Christina, habang ako naman ay di ko naiwang mapaisip ng kung anu-ano. Napatingin akong muli kay Christina, sa totoo lang, hindi pa rin ako kumbinsido na kaibigan lang sya ni Xander. Nararamdaman ko kasi na may malalim pa silang koneksyong dalawa. She talks about Xander like they were very close, at pinaparating nya na under niya si Xander. Di ko tuloy maiwasang mag-isip na baka sya ang babaeng tinutukoy ni Xander sa post nya na about sa 'marriage'. What if, she was that girl na gustong pakasalan ni Xander? What would I do? But, mukhang malabo din naman since, she's helping me to be close to Xander. Kung siya ang babaeng iyon, then why would she help me right? Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa kaguluhan ng isip ko, na mukhang nakakuha ng atensyon nilang dalawa, kaya naman napahinto sila pareho. Si Glenzyl naman ang naunang nagsalita. “Kinakabahan ka ba para mamaya, Celestia?” pagtatanong pa nito, na ikinabaling ko naman sa kanilang dalawa. Pareho silang nakatingin sakin ng seryoso, kaya naman ngumiti na lang ako at tumango. “Ah, oo. Nakakaba naman kasi talaga. Ni minsan hindi pumasok sa isip ko na balang araw magkakalapit kami ni Xander noh.” wika ko na lang, bago tinignan si Christina. “Thank you talaga, Christina. Thank you for helping me, kahit na alam 'kong wala ka namang mapapala sa pagtulong mo sakin na mapalapit kay Xander, stiil, tinutulungan mo pa rin ako.” dagdag ko naman, na mabilis nitong ikinailing, na ikinataas ng kilay ko. “Anong ibig sabihin ng pag-iling mo?” tanong ko naman. Christina sighed first, before giving me a slight smile. “May mapapala ako sa ginagawa 'kong pagtulong sayo. You will know it later, for now, matatapos na ang lunch break, kaya kailangan ko nang bumalik sa Business Management building.” sabi nito na sinundan nito ng pagtayo, “Mauna na ako guys. Mamaya na lang ulit, Celestin.” paalam nito, na sabay naman naming sinagot ng tango ni Glenzyl. Nang mag-umpisang lumakad palayo si Christina, nagsimula na din kaming magligpit ng kanya kanya naming tray ni Glenzyl para lumabas na din ng Cafeteria. Sa halip na isipin ko ang tungkol sa sinabi ni Christina, for now, pagtutuunan ko na lang muna ng pansin ang dapat 'kong gawin mamaya sa pagkikita namin ni Xander. Maaalala niya kaya ako? I hope he will. *** 3:30 pm sharp when our professor dismissed our class. My classmates quickly cleaned their tables, as they started leaving the room quietly but rapidly. Glenzyl was also doing the same thing like them, when she noticed me, still seated on my seat, while my chin is placed just above my table. “Oh, anong drama yan, Celestia? Hindi ba dapat nagkukumahog ka nang magpunta duon sa ICT Garden ngayon, dahil nandun na ang love of your life mo! Eh bat nakatunganga ka dito?” may halong pagtatakang tanong nito, bago umupo sa upuan nito, na paharap sakin. Nanatili naman ako sa posisyon ko, at tanging mata ko lamang ang ginalaw ko upang tumingin sa kanya. “Glenzyl, kinakabahan kasi ako.” tapat ko namang sabi dito, na ikina-roll eyes nito. “Ngayon ka pa talaga kinabahan? Oh well, dapat ka nga naman talagang kabahan kasi makakasama mo sya ng matagal, makakausap mo pa sya, at may tendency na after this day, maging close na kayo. Pero, diba dapat mas maging masaya ka pa nga? Hoy Celestia, matagal 'mo nang inaasam na mangyari ang bagay na 'to, kaya tama na 'yang kaba kaba na yan. Tumayo ka na, ligpitin mo na 'yang mga gamit mo, at tumakbo ka na agad papuntang ICT Garden. Mahiya ka naman kay Xander, tiyak naghihintay na 'yon don.” sabi pa nito, na mabilis ko namang ikinatayo. Oo nga pala. Ngayon ko lang naalala na 3:00 pm talaga sila magkikita nila Xander at Christina, at hihintayin lang nila ako duon. Shete naman! Bat ba nawala 'yon sa isip ko? Baka mamaya, isipin pa ni Xander na PA-VIP ako. Psh. Mabilis 'kong iniligpit ang mga gamit 'ko na nagkalat sa ibabaw ng desk, at nang matapos, mabilis 'kong isinuot ang bag ko, at tumingin kay Glenzyl, na kasalukuyang tumitipa sa cellphone nito, at mukhang may ka-text. Hmm, baka si Ismael. “Glenzyl, una na ako ha? Bye!” paalam ko, na tinanguan lang nito kaya naman may pagmamadali akong patakbong umalis, upang magtungo sa ICT garden. *** Huminto muna ako sa isang tagong lugar na malapit sa garden, para tignan kung ano ang itsura ko. Baka kasi nagmukha na ako haggard sa kakamadali, ayoko namang magmukhang pangit sa harapan ni Xander noh. Paano nya ako magugustuhan 'kong mukha akong dugyot na haharap sa kanya, kaya naman inilabas ko ang maliit na salamin sa bag ko, at tinignan ang itsura ko. Medyo haggard nga ako dahil sa kakamadali, tapos may mga takas na buhok pa ako sa gilid na mukhang nagulo dahil sa mabilis na takbo ko. Inilabas ko ang suklay sa bag ko, at dahan-dahang sinuklay at unat na unat at kulay itim 'kong buhok, na sinundan naman ng paglalagay ko ng pulbos at kaunting lip tint na kulay red. Nang makuntento na ako sa itsura ko, ibinalik ko na sa bag ko ang mga ginamit ko, at humugot ng malalim na hininga bago naglakad papasok sa ICT garden. Dahan-dahan lang ang bawat hakbang ko, habang sinisipat sipat ang paligid upang hanapin sina Christina. Agad ko rin naman silang nahanap na kasalukuyang nakaupo sa pang-apat na bench mula sa pwesto ko, nakatalikod sakin si Christina at ang isang lalaking nakaupo sa tabi nito, habang nakaupo naman paharap sa direksyon ko si Xander kaya mabilis 'kong nakita ang mukha nito. Muli akong humugot ng malalim na hininga, ni-ready ang matamis na ngiti sa aking labi, bago tuluyang humakbang palapit sa kanila. Nang marating ko ang pwesto nila, nakita ko ang pagsalubong ng kilay ni Xander nang makitang nakatitig ako sa kanya. “Hi...” mahinhing bati ko naman, habang ang mga mata ko ay nasa kanya pa rin nakatuon. Nananatili pa ‘ring magkasalubong ang kilay nito, kaya naman inalis ko ang tingin ko sa kanya, at sa halip ay kay Christina ako bumaling. “Christina...” tawag ko sa pangalan nito, at mabilis naman itong tumayo at nginitian ako. “You're here, Celestine!” may malawak na ngiti na nakapaskil sa labi nito, bago kumapit sa braso ko, at tumayo sa tabi ko. “So guys, siya ang bago ‘kong kaibigan, actually dalawa sila, kaso ‘yung isa kasi may lakad.” pakilala ni Christina sakin, actually, ngayon, wala akong pakialam sa ibang tao, dahil ang buong atensyon ko nakapokus na lang ulit sa gwapong mukha ni Xander. Siya talaga ang ultimate crush ko. Mapa-malayo man or malapit, napakagwapo! Kaso nga lang, panira lang ang seryoso nitong mukha na pinarisan pa ng magkasalubong nitong kilay. “Yow? Celestine, ikaw pala 'yung bagong kaibigan ni Christina. Wow.” naalis lang ang tingin ko kay Xander, nang marinig 'kong tinawag ng isang lalaki ang pangalan ko, at nung tignan ko kung sino iyon, napakunot noo ako. Siya 'yung lalaking katabi ni Christina, at parang pamilyar ang mukha nya. Pilit ko namang hinalungkat ang brain cells ko para lang matandaan kung saan ko nakita ang lalaki—and then suddenly, “Ahh! Natatandaan na kita! Ikaw 'yung nakabangga namin ni Glenzyl kaninang umaga.” nakangiting tugon ko, habang itinuturo ang lalaki, na agad namang ngumiti ng malapad na sinundan ng pagtango. “Ako nga. Wow! I can't believe it.” gulat na tugon pa nito, at sumunod ay agad na tumayo, “Upo ka.” alok nito, habang itinuturo ang kaninang pwesto nito. Bigla namang naging alanganin ang ngiti ko dahil sa pag-aalok nito ng upuan nya, matapos ay pasimple 'kong sinulyapan si Xander, na kasalukuyan namang nakatitig kay Christina nang walang emosyon sa mukha. For some reason, medyo nanikip ang dibdib ko dahil sa nakita. Nakatitig sya sa babae, at parang pinipiga ang puso ko dahil duon, maybe dahil nagseselos ako na sa iba nakatuon ang mga mata nito. Napahinga na lang ako ng malalim, bago ibinalik ang tingin dun sa lalaki—na hindi ko pa rin alam ang pangalan. “S—sige.” pagpayag ko, at akmang hahakbang na patungo sa pwesto nito nang biglang magsalita si Christina. “Celestine, dyan ka uupo sa tabi ni Xander.” imporma nito, na ikinagitla ko. “Christina!” rinig 'kong may diing tawag ni Xander sa pangalan nito, na para 'bang sinasaway ito, pero dakilang makulit si Christina, kaya eto na ang tumulak sakin paupo sa tabi ni Xander. “Yan, dyan ka dapat.” ani lang nito na parang walang taong nagagalit ngayon sa kanya, at nakangiting bumalik sa upuan nya. Sa tabi nung lalaki, na ramdam 'kong nakatitig sa kin. Nakakaramdam ako ng ilang sa kanya, pero sa tuwing napapatingin ako sa mukha ng lalaki, nakakaramdam din ako ng kaunting kilig. Eh kasi naman! Ikaw ba naman titigan ng isang kagwapuhang lalaki, diba? Kahit naman ata hindi mo crush, kikiligin ka pa din. “So Christina, this guy beside me is Hiro Glenn Sanchez, bago lang din sya dito sa Goldridge, kanina lang din sya dumating.” pakilala naman ni Christina sa lalaking katabi nito, kaya napatango tango naman ako. Nginitian ko si Hiro. “Hi, Hiro. Welcome sa Goldridge.” ani ko, na mas ikinalapad naman ng ngiti ng lalaki. “Salamat, Celestine.” nakatitig nitong sagot, at kung kanina nakakaramdam pa ako ng kilig sa pagtitig nito, ngayon naiilang na talaga ako, kaya naman ako na ang naunang nag-iwas ng tingin. At aksidente namang natuon ang atensyon ko sa lalaking katabi ko, na kasalukuyang nananatiling walang imik. Katulad kanina, hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito, titig na titig pa rin ito kay Christina, kaya naman napababa na lang ako ng tingin, habang pasimpleng bumubuntong-hininga. “And kilala mo naman na siguro si Xander, diba?” rinig 'kong tanong ni Christina sakin, na sinagot ko naman ng tango. “So, okay. Simula ngayon, gusto 'kong maging part na natin si Celestine at si Glenzyl na kaibigan niya. Okay lang naman, Hiro at Xander diba?” pagtatanong pa nito. Si Hiro naman ang naunang sumagot, habang may ngiti pa rin sa labi, but this time, na kay Christina na ang atensyon nito. “Oo naman. From now on, magiging good boy na ako.” anito, na ikinataas ng kilay ni Christina. “Talaga lang, huh?” maasim nitong sagot, bago inirapan, at ngayon ay nakay Xander na ang tingin nito. “Sayo, Xander. Ayos lang?” tanong pa nito, habang may napakalapad na ngiti sa mga labi. Halata sa boses niya ang pang-aasar kaya naman napalingon ako kay Xander, na madilim pa rin ang mukha. “I can't accept it.” seryoso at matigas din naman nitong sagot. “Hindi natin sila kilala, at ayokong basta bastang may sumasama satin.” opinyon nito, na lihim ko na namang ikinasaktan. Actually, may point naman sya. Naiintindihan 'ko kung ayaw niyang pumayag na maging parte kami ng pagiging magkaibigan nilang tatlo, dahil nakakailang naman talaga 'yon. Lalo na't di nya kami ganon kakilala. But I wonder kung natatandaan nya kaya ako? Naaalala nya kaya ako na ako ang babaeng umamin sa kanya sa ICT Garden, nagbigay sa kanya ng chocolate, at nagtanong sa kanya kung pwede ko syang maging boyfriend? Napahinto naman ako sa pag-iisip ng mga tanong sa isip ko, nang marinig ko ang sagot ni Christina. “Xander, ako ang masusunod dito. Atsaka, talo ka pa din naman. Kung democracy ang paiiralin, talo ka dahil dalawa kaming sang ayon at mag-isa ka lang.” sagot nito, bago inirapan si Xander, at tumuon sa akin, at agad na lumitaw sa mukha nya ang isang ngiti. “Celestine, magpakilala ka na ng buo sa kanila.” ani nito, “Simula ngayon kaibigan mo na din sila.” dugtong nito na sinundan naman ng kindat. Nginitian ko lang naman sya, bago nagsimulang magsalita para magpakilala. “Uhm, Hi. My name is Celestine Alexis Alonzo. 20 na ako, uhm, I'm taking up BsEd Science.” maikling pakilala ko naman sa kanila, habang di ko naman maiwasang tapunan ng tingin si Xander, na tahimik lang na nakaupo sa tabi ko. Hindi man lang ba nya ako babatiin? “Wow. Science major, astig!” nabaling ang atensyon ko kay Hiro nang magsalita ito. “Mahina ako sa Science, at dahil magpapaka-good boy na ako, pwede mo 'ba akong i-tutor sa subject na yan? Kahit anong kapalit ibibigay ko, kahit puso ko.” banat pa nito, bago ako kinindat, na ikinakunot ng noo ko. Ay anak ng! Playboy ata ang lokong 'to e. Kaya naman pala gwapo, manloloko. Buti na lang si Xander ko, hindi ganyan. “Hay naku, Hiro. Wag 'mong sabihing may balak 'kang landiin si Celestine, pwede ba? Wag mo siyang idamay sa kalokohan mo, atsaka may iba akong nirereto sa babaeng yan, noh.” alma naman ni Christina, bago ako nginitian at kinindatan. Napayuko naman ako dahil sa hiya sa sinabi nito, nang maramdaman 'kong tumayo si Xander mula sa pagkakaupo sa tabi ko, kaya naman napaangat ako nang tingin. Balik na naman sa una, nakatingin na naman ito ng seryoso kay Christina, at ganun din ang babae dito. Maya maya, bigla na lang hinaltak ni Xander si Christina, sa pamamagitan ng paghawak sa kamay nito, at walang paalam na umalis. Nakita 'ko pang pilit na kumakawala si Christina, ngunit hindi nya pa rin nagawang makaalis sa pagkakahawak ng lalaki. At kahit alam 'kong ayaw ni Christina sa hawak ni Xander, hindi ko pa rin napigilan ang makaramdam ng sakit sa dibdib ko, dahil sa magkahawak nilang kamay. *** Xander's POV “What the hell are you doing, Christina?” agad 'kong singhal dito nang tuluyan kaming makalabas mula sa ICT garden, at nakatayo sa may likod ng building namin, na walang katao-tao. “Are you really pissing me off?” dagdag ko pa. I am really pissed because of what she's doing! Sinalubong naman nito ang tingin ko, habang nakataas ang mga kilay. “Pissing you off? Hala. Wala naman akong ginagawa sayo! Gusto ko lang na maging isa sa atin si Celestine dahil kaibigan ko na sya, ano 'bang masama don?” sagot nito, na ikinapikit ko ng mariin. “But you know exactly who that woman is!” “So, kilala mo sya?” tila nagtatakang tanong nito sakin, “Kung kilala mo sya, ibig sabihin binasa mo 'yung letter na binigay ko sayo? Waaah! Anong masasabi mo? Nagandahan ka ba?” mula sa seryosong expression nito, bigla na lang nag-transform sa isang ngiti ang kaninang naka-isang linya nitong labi. Napahuntong-hininga naman ako dahil sa inis na nararamdaman ko. “That woman is desperate. I can remember her face clearly. Sya 'yung babaeng umamin sakin sa ICT garden, at tinanong ako kung pwede nya ba akong maging boyfriend.” sagot ko, at imbes na makarinig ng gulat na salita mula sa babae, mas ako pa ata ang nagulat sa reaksyon nito. “Wow! She really did that? Ohem! Idol ko na talaga 'yang si Celestine!” masayang sabi nito, “Ico-congratulate ko nga 'yon mamaya. Ang lakas ng loob, matapang!” dugtong pa nito, at duon ko na naramdaman ang matinding pagkulo ng dugo ko. “Christina hindi na ako nakikipag-biruan sayo!” galit na singhal ko na ikinahinto. “Bat mo ba 'to ginagawa?” tanong ko, na mabilis ikinaseryoso ng mukha nito. “Hindi pa ba obvious? It's because I want to stop our marriage!” sagot nito, “Sinabi ko naman sayo, kung kailangan kong gumawa ng paraan para lang hindi matuloy ang kasal natin gagawin ko. At sa ngayon, ito lang ang nakikita 'kong paraan. Si Celestine lang!” rason nito, na ikinatawa ko. “You think that desperate woman can help you?” “Oo.” kalmado ngunit madiing sagot nito, “Kung kailangan ko siyang gamitin para mapilit ka na ipatigil ang kasal na 'to, then so be it.” Marahas naman akong natawa. “Ano naman ang pumasok sa isip mo na mapapabago ng babaeng 'yon ang isip ko? I'm telling you, Christina, wala kang mapapala dahil hindi ko iuurong ang kasal.” Nginisihan naman ako nito, “Let's see.” tila nanghahamon nitong sabi, habang nakatingin sakin. “I'll make sure na mahuhulog ka sa kanya, tandaan mo yan.” sabi lang nito, bago ako iniwan, at naglakad pabalik sa ICT garden. Napangisi nalang naman ako sa sinabi nito. Ako? Mahuhulog sa Celestine na 'yon? No way.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD