Chapter 7

1408 Words
Chapter 7 Tin's POV “Ang korny mo!” Di ko mapigilan ang malakas 'kong tawa dahil sa mga birong binabato sa akin ni Hiro. Jusko! Feeling ko hindi na ako makahinga sa sobrang tawa. “Ano ba naman yan!” rinig 'kong sambit ni Hiro, kaya napatingin ako dito, at nakita 'ko namang nakalabi ito habang nakatingin sakin. “Tawa ka naman ng tawa e!” anito, na ikinatigil ko, at ngumiti na lang. “Eh kasi naman, ang korny talaga ng joke mo!” sagot ko, at pabiro 'pang pinisil ang pisngi nito—ngunit agad din naman akong natauhan sa ginawa ko—lalo na nang mapansin 'kong napahinto din si Hiro, habang titig na titig sakin. Mabilis 'kong binitawan ang pagkakapisil sa pisngi nito, at muling umayos ng upo, bago nagpakawala ng isang alanganing ngiti. “Sorry. N—nasanay kasi ako na namimisil ng pisngi kapag ganitong tawa ako ng tawa, tapos naku-kyutan din ako sayo, lumiliit kasi 'yung mata mo.” seryosong paliwanag ko naman, at ewan ko ba, pero biglang ngumiti ng malapad si Hiro. “Talagang naku-kyutan ka sakin?” nakangiting tanong nito, habang nananatili pa rin ang mga tingin nito sa akin. Agad naman akong tumango, “Oo. Ang cute mo naman talaga e.” sabi ko, dahil totoo naman talaga. Si Hiro kasi ay may maputing kompleksyon ng balat, tapos 'yung mga mata nya singkit—maybe may lahi 'tong japanese kasi Hiro name e—tapos pink ang labi, at matangos ang ilong. Kaso may piercing sya sa ears nya, na nagpapa-badboy look sa kanya, pero all in all, gwapo talaga ang isang 'to. Napahinto ako sa pagde-describe ng itsura nito, ng marinig ko ang mahina niyang tawa, at akmang magsasalita ng mahagip ng mata ko ang paparating na si Christina at Xander. Agad akong umayos ng upo, habang nakasunod lang ang tingin sa dalawa. Seryoso ang mga ito, at si Christina ang nauunang maglakad—ngunit nang papalapalit na si Christina sa pwesto namin—at uupo sana sa tabi ni Hiro—agad itong hinila ni Xander, at pinaupo sa upuan nito kanina—which is sa tabi ko, habang ang ito naman ay prenteng naupo sa tabi ni Hiro. “Xander!” rinig 'kong may galit na tawag ni Christina, ngunit hindi na ito binalingan pa ni Xander. Napayuko naman ako 'non, at lihim na napalunok dahil sa inakto ng lalaki. Muli 'kong naramdaman ang bigat sa dibdib ko. Ganun nya ba kaayaw sakin para hindi nya ako tabihan? Siguro nga naaalala ako nito, baka ang nakatatak na sa isip nya na first impression sa kin ay desperadang babae. Pero ayos lang, 'yon naman talaga ang dating ko e. Nagpapaka-desperada na ako para lang mapalapit sa kanya. Lihim na umaasa na sana sa pamamagitan nito, maging malapit kami sa isa't isa. “Uhm, dito lang ba tayo tatambay? Bat di tayo kumain sa labas?” narinig naming tanong ni Hiro, kaya napalingon kami dito, na kasalukuyang nakangiti. “Maybe we need to celebrate this day since nadagdagan na tayong tatlo, right?” suhestyon nito, na agad sinang-ayunan ni Christina. “Nice idea, Hiro.” nakangiting tugon nito, bago ako nilingon. “Hanggang anong oras ka ba pwede?” pagtatanong nito. “Actually, susunduin ako ni Daddy ng 5 pm.” sagot ko, kaya naman mabilis na sinilip ni Christina ang relo nito, at napangiwi. “4:30 pm na.” imporma nito, kaya naman napanguso na lang ako, at alanganing ngumiti, nang bigla naman akong lingunin ni Christina. “Hindi mo ba pwedeng i-extend man lang ang pagsundo sayo ng Daddy mo? Maybe you can make it 6 pm!” suhestyon naman nito. Agad naman akong umiling. “Uwi ni Daddy sa work nya ay 5 pm, dinadaanan nya na lang kasi ako para sabay kaming umuwi.” “Geez.” rinig 'kong sambit nito, “Eh paano 'kung kami na lang ang maghahatid sayo pauwi sa inyo, ayos lang kaya?” tanong nito, na naging dahilan para mapatingin sakin si Hiro, habang si Xander naman ay nakatingin sa malayo, habang naka-cross arms at seryoso lang ang ekspresyon ng mukha. Actually, pwede naman akong mag-text kay Dad na wag na akong sunduin, pwede akong sumama sa kanila, kaya lang, nahihiya naman ako. Sa itsura pa lang ni Xander, halatang ayaw nya akong kasama. Ni hindi man lang nga niya ako tinapunan ng tingin magmula pa ng dumating ako. Feeling ko, out of place ako. Napayuko na lang ako saglit, bago dahan-dahang umiling. “Kayo na lang muna siguro, kailangan ko na talagang umuwi e.” sabi ko na lang, at tinignan muli si Xander. “What? s**t! Psh, wag na lang muna tayong tumuloy 'kung hindi ka sasama.” banggit ni Christina, na agad ikinalingon ni Xander. “What the heck, Christina?! Dahil lang sa kanya nagkakaganyan ka? She's not officially a part of us, hindi ako pumayag!” seryoso nitong saad, bago ako tinapunan ng masamang tingin, at pagalit na umalis mula sa bench na kinaroroonan namin. Kitang-kita ko ang mabilis nitong lakad palabas ng ICT Garden, at wala naman na kaming nagawa kundi sundan na lamang ito ng tingin. Muli akong napayuko, habang ramdam ko ang p*******t ng dibdib ko dahil sa lungkot na nararamdaman ko. This time, wala na talagang duda. Ayaw nya sa akin. Dapat ko na 'yong ituring na dahilan para i-uncrush na sya? “Lagot talaga sakin yan mamaya!” Nabaling naman ang atensyon ko kay Christina nang marinig ko siyang sabihin ang mga salitang iyon. Napakunot-noo naman ako. Mamaya? Ibig sabihin, magkikita sila mamayang dalawa? Magkalapit lang ba ang mga bahay nila? Iyan ang mga tanong na gusto 'kong itanong dito, pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Ayoko namang magmukhang tsismosa. “Madalas KJ talaga 'yang si Xander.” rinig 'kong opinyon ni Hiro, bago tinignan si Christina. “Makakaya mo kayang tagalan ang ugali nya kapag kinas—” “Hiro!” agad na singit ni Christina kaya napahinto sa pagsasalita ang binata. “I already told you that that is confidential.” may halong diin nitong sabi, habang matalim na nakatingin dito. Hiro immediately smiled awkwardly, as he nods. “Okay, okay. Sorry naman.” sabi lang nito, bago muling bumaling sakin. “Siguro naman bukas makakasama ka na? Anong oras ba end ng klase mo bukas?” pagtatanong nito, kaya naman napaisip ako. Bukas ay friday, kaya medyo maaga ang uwi ko. Pilit ko namang nginitian si Hiro, bago sumagot. “2:00 pm ang uwian ko bukas.” sagot ko, na ikinangiwi naman ng huli. “What? s**t. 3:00 pm pa ako.” “Ako din, 3 pm pa!” komento naman ni Christina, kaya naman pareho na akong nakatingin sa kanilang dalawa—hanggang sa, “Ohmygod! 2:00 pm din ang uwian ni Xander bukas!” sabi nito, bago nakangiting tumingin sakin. “You can wait here with him tomorrow.” excited nitong sabi. Napaisip naman ako, at tama sya. Pag Friday, parehas kami ng uwian ni Xander. Ngingiti na sana ako, nang biglang pumasok sa isipan ko ang seryosong mukha ni Xander kanina. Sasamahan kaya ako nitong maghintay dito bukas? Eh sa itsura pa lang nito kanina, at sa tono ng pananalita, halatang ayaw nito sakin, kaya imbes na matuwa, nakaramdam pa ako lalo ng lungkot. Pinaglapit nga kaming dalawa sa pamamagitan ni Christina, pero nananatili pa 'ring malayo ang distansya ni Xander mula sakin. Pakiramdam ko, hindi ko sya kayang abutin kahit anong lapit ko pa sa kanya. “Don't worry, kakausapin ko siya mamaya.” rinig 'kong mahinang bigkas ni Christina, kaya napaangat ako ng tingin. Nakita ko itong may maliit na ngiti sa mga labi, na tila sinasabi na 'magiging-okay-din-sya-sayo'. At kahit papaano dahil duon, nabawasan ang bigat na nararamdaman ko. “Thank you.” ani ko, “and actually, mukhang makakasama ko naman siguro bukas si Glenzyl.” imporma ko, since alam ko na walang lakad ang babaeng yon bukas. “Oh, that's good then, at least hindi kayo magkakailangan ni Xander bukas.” sabi pa ni Christina, bago lumapit ng kaunti sakin at bumulong, “Next time na lang siguro kayo mag-solong dalawa ni Xander, kapag malapit na kayo sa isa't isa.” dugtong nito, na ikinatawa ko naman. Dahil duon, tuluyan nang napalitan ng saya ang lungkot na nararamdaman ko kanina, at masaya na lang kaming nag-kwentuhang tatlo, at magkakasabay na hinintay na mag-5 pm.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD