Chapter 8
“Sige na, dito na lang ako, nakikita ko na ang kotse ni Dad mula dito, hindi nyo na ako kailangan ‘pang samahan.” agad na sabi 'ko, nang makalabas kami nila Hiro sa main gate ng university. Kanina pa ako nagsasabi na hindi naman nila ako kailangang ihatid, pero ayaw nilang magpaawat. They said that they wanted to make sure na makakauwi ako ng ligtas, kaya hanggang dito sinamahan ako nang dalawa.
Si Christina ang naunang ngumiti, bago sunod na hinawakan ang mga kamay ko. “Pagpasensyahan mo na si Xander. Naiilang kasi ‘yon sa ibang tao, pero mabilis din kayong magiging close, basta ba lagi ‘kang sasama samin.” nakangiting sabi nito, na sinagot ko naman ng tango.
“Ayos lang. Naiintindihan ko naman.” sagot ko na lang, na sinundan ng pagpapaalam namin sa bawat isa, at agad na din naman ako nitong tinalikuran. Maging ako ay tumalikod na rin at agad na tinungo ang direksyon kung saan naka-park ang kotse ni Daddy.
Malayo pa lang ako ngunit napansin ko na ang dahan-dahang pagbaba ng windshield ng kotse, at bumungad sakin ang mukha ni Dad—at napahinto ako nang makilala kung sino ang katabi nito sa kotse.
“Dad? Mom?” agad ‘kong bungad nang makalapit, “B—bakit magkasama niyo akong sinusundo ngayon?” nagtatakang tanong ko, habang nananatiling nakatayo sa labas ng kotse—sa tapat ng bintana ng driver's seat, habang nakatingin pa din sa dalawa.
Dad was the one first one who answered me. “Let's just say that...we want to have a family bomding today!” He said happily, that was followed by Mom's genuine laugh, while my eyes turned wide.
“Seryoso, Dad? Mom?” di ko naitago ang gulat sa boses ko, bago mabilis na binuksan ang pintuan sa may back seat at sumakay duon. “Okay. Saan tayo pupunta?” agad 'kong tanong, habang nakatingin sa mga ito.
Di nakatakas sa mga mata ko ang makahulugang tinginan nang dalawa, bago ako binalingan ni Mom, na sinundan ng ngiti. “Ikaw ang masusunod, mahal naming prinsesa.” sabi nito, kaya naman mas lumapad ang ngiti ko.
Sumandal muna ako sa back seat na kinauupuan ko, bago naka-cross arms na tumingin kay Daddy. “Let's go to the mall, Dad!” sambit ko, na sinundan ng malakas na tawanan ng mga magulang ko, na para 'bang pinaparating nang mga ito na alam nilang iyon talaga ang sasabihin ko.
Well, sa Mall lang naman kasi lagi ang gusto ‘kong pinupuntahan e.
***
PAGDATING pa lang namin sa Mall, agad ko nang hinatak patungong Expressions sila Mommy para magpabili ng libro sa mga ito. Mahilig akong magbasa ng libro, hindi lang basta academic books, kundi pati na rin mga w*****d books—na mukhang ikinahawa ko kay Glenzyl, dahil ito ang pinaka-mahilig magbasa ng mga w*****d stories.
Marami rin itong mga iniidolong manunulat, na hindi rin nagtagal ay naging idolo ko na rin. Magagaling kasi talaga ang mga ito, at talagang kahanga-hanga ang mga akdang isinusulat nila.
“Anak, dito lang kami sa may Pen's corner.” anang boses ni Daddy, at nag-ok sign lang naman ako habang abala pa rin ang mga mata ko sa pagi-scan ng mga libro sa shelves. Halos apat na libro na din ang bitbit ko, pero gusto ko 'pang maghanap ng iba.
Well, hindi ko alam kung gaano pa katagal bago maulit ang ganito na sama sama kaming nagba-bonding na buong pamilya, since alam 'kong madalas ay busy si Mommy—atsaka isa pa, alam 'ko naman ang dahilan kung bakit nila naisipang gawin ang ganito ngayon.
Alam 'kong magiging abala sila sa mga susunod na araw, kaya't ngayon palang ay sinusulit na nila, na magkakasama kami at masaya.
“Are you following me?”
Napatigil ako sa pag-iisip ng kung ano, nang rumihistro sa tenga ko ang napaka-pamilyar na boses na iyon. Ang boses na parang nagiging musika sa pandinig ko, sa twing aking naririnig.
Slow motion 'kong nilingon ang kanang parte ko—dahil duon nagmula ang boses, at katulad kanina, parang nag-slow motion ang paligid nang makita ko ang maamo at ang napakagwapong mukha ni Xander, na kasalukuyang nakatayo di kalayuan mula sa kinaroroonan ko. May mga hawak din itong libro sa kabilang kamay, na mukhang puro tungkol sa kursong kinukuha nito.
Napalunok naman ako, bago matapang na ngumiti sa harapan nito, at nagsalita. “Hi, Xander.” kiming bati ko, at di ko na napigilan ang pagbilis ng t***k ng puso ko nang makitang humakbang ito papalapit sa kinatatayuan ko.
“You're really following me, even in here.” He said, while looking so grumpy infront of me. Tila mabilis na nawala ang kaninang saya na naramdaman ko dahil sa itsura, at tono ng pagsasalita nito.
I cleared my throat, before showing him the books I've been holding since earlier. “I didn't know that you're here, I just came here to buy books, and actually, kasama ko ang mga magulang ko.” ani ko naman bilang sagot dito, ngunit sinagot lang naman nito iyon ng mahinang tawa.
Tawang tila hindi naniniwala sa sinasabi ko.
“Know what, I don't know you that much but there's one thing I am sure about you, and that is you being so desperate just to be near me.” seryosong salita nito, habang sinasalubong ng tingin ang mata ko.
I felt my heart aches when I saw the emotions playing in his eyes. It's pure judgement.
So, talagang desperada na ang tingin nya sakin? Oh well, yon naman siguro talaga ang ginagawa ko ngayon. Talagang nagpapaka-desperada na ako para lang makalapit sa kanya, at lihim na umaasa na sana nang dahil sakin, hindi na niya ituloy ang pagpapakasal nya.
I was expecting this to happen. Pero langya! Ang sakit pa rin pala na marinig mismo sa kanya na tawagin akong desperada.
Muli akong nagpakawala ng malalim na buntong hininga, bago ito sinagot. “Phew! You know what Xander, I'm happy right now. At least, because of what you said, alam 'kong kahit papaano natatandaan mo ako. That's a dream come true for me, kahit na medyo negative ang tingin mo sakin, at least natatandaan mo ako.” sabi ko na lang, at pilit na sinisiksik sa utak ko na dapat hindi ko intindihin ang sakit na nararamdaman ko. Sabi nga nila, ‘Always look at the brighter side.’ and this is me, looking for that brighter side at what he just said.
I was pull out from my deep thoughts when I heard Xander chuckled, before taking a small step closer to me. “You are really something.” mahinang bigkas nito, bago humugot ng malalim na hininga, at muli akong tinignan ng diretso. “I have one favor to ask.” He said, that made me gasp.
I look at him with confusion. “What is it?” matapang 'ko namang tanong sa kanya.
He gulped, and look at me fiercely. “Can you please stay away from me and Christina?”
“Why would I do that?” balik tanong ko naman dito, habang pilit na nilalabanan ang tinging ibinibigay nito, kahit ramdam ko na ang panginginig ng mga kamay ko.
“It's because that is the right thing to do.” matigas naman nitong saad, “Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? You're using someone just to have what you want? Hindi ako tanga para hindi malaman ang motibo mo kaya kinaibigan mo si Christina. Kaya pwede ba, layuan mo na kaming lahat.” He professed, and his words almost made me teary eyed, mabuti na lang at nagawa 'kong yumuko agad upang pumikit sandali, at pigilan ang pag-iyak.
It took seconds before I gulp, and look at him directly again. “I didn't do anything. Hindi ko inilapit ang sarili ko kay Christina. She offered it, at dahil alam 'kong gusto kita, tinanggap ko ang alok nya.” pag-amin ko naman. Ano pa 'bang point nang pagde-deny, kung alam nya naman ang totoong nararamdaman ko.
Xander chuckled a bit more, before putting his eyes on me again, and this time, hindi na lang basta panghuhusga ang makikita sa mga mata nito, meron 'pang dumagdag, at iyon ay inis. “Look, tandaan mo ‘tong sasabihin ko ngayon. You can’t come near Christina ever again, don’t you dare. Ayokong magulo mo ang lahat, at ikaw pa ang maging dahilan para magkasira kami.” anito, na ikinagulo ng isipan ko.
“Bakit ba ganyan ka, Xander?” pagtatanong ko naman, “Simula pa kanina, puro Christina na ang naririnig ’kong bukambibig mo. Magkaibigan lang ba talaga kayo?” puno ng katapangang tanong ko.
Sa totoo lang, wala akong karapatang tanungin sya ng ganito, at lalo na kung tungkol sa relasyon ni Christina, pero kasi... simula pa kanina, duon palang sa may ICT garden, ito na ang katanungang tumatakbo sa utak ko.
Iniisip ko na kung ano ba talaga ang mayroon sa kanilang dalawa. Kasi sa bawat salitang naririnig ko mula kay Christina, at sa bawat kilos na ipinapakita ngayon ni Xander, parang nahihinuha ko na paunti-unti ang totoo.
And it feels like my bravery started to cast away, after hearing Xander’s next words.
“Christina is not just my friend.” panimula nito, habang tutok na tutok ang mga mata nito sa akin, “She's my fiancé, so stop messing with her ever again.” anito lang, bago tuluyang humakbang pabalik sa dulo ng aisle, at agad akong tinalikuran.
Naramdaman ko ang panginginig ng tuhod ko, at ang unti-unting pagpatak ng mga luha mula sa mga mata ko. He just dropped a bomb, right through me.
Si Christina? Of all people, siya pala ang babaeng mapapangasawa ng taong mahal ko?
Siya ang babaeng iyon, yet she never told me. Pinaniwala pa ako nito na tutulungan nya akong mapalapit kay Xander. Pinaasa nya lang ako sa wala.
I thought she's a friend.
But I think I was wrong.
Tila nawalan na ako ng ganang maghanap pa ng ibang librong babasahin, kaya't basta ko na lang inilapag ang mga libro sa isang shelf, at agad na tumalikod at humakbang palabas.
Sakto naman na bumungad sakin sila Mommy at Daddy, na kasalukuyang may mga hawak na pens. “Oh, anak asan na ang mga lib—”
“Let's go home, Mom,Dad.” putol ko sa mga sasabihin pa sana nito, at nauna nang lumabas ng store.
***
Xander’s POV
“Let's go home , Mom,Dad.”
Napahinto ako matapos marinig ang boses ni Celestine, nang sabihin niya iyon sa harap ng isang babae at lalaki. Nakayuko lang siya, habang ang dalawa ay nagtatakang nakatingin dito. So, she's really here together with her parents.
I feel a little bit of embarassment, after knowing that what she said earlier was true.
She really didn't follow me here. It's just a coincidence, yet I mistook her presence. I thought, she's following me.
“What do you think happened to her, Norman?” napabalik ang tingin ko sa dalawang mag-asawa, na nakatayo di kalayuan sakin.
“Hindi ko alam. Sundan na lang muna natin si Tin.” ani ng lalaki, bago sabay na naglakad palabas ang mga ito.
Napayuko na lang ako, dahil sa hiyang unti-unting nangingibabaw sa akin. Hindi ko naman sinasadyang magsabi ng ganon kasakit na salita sa kanya, siguro pinangunahan lang ako ng kagustuhan 'kong wag nang magulo ang lahat ng dahil sa kanya.
Pero siguro nga baka sumobra ako.
Napabuntong-hininga na lang ako, “s**t!” mahinang bulong ko sa sarili, bago napagdesisyunan na ituon na lang ang buong atensyon sa paghahanap ng mga libro about IT, nang saktong mapabalik ako sa eksaktong lugar kanina, kung saan kami nag-usap ni Celestine.
I roamed the corner, and was stunned to see the books she was holding earlier, improperly placed on the empty space.
I walked towards it, and without thinking deeply, I took those books with me as I continued walking towards the counter to pay for it.