Chapter 9

2245 Words
Chapter 9 Tin's POV “Mom, Dad, hindi na po ako magdi-dinner, matutulog na po ako. Goodnight po.” agad na sabi ko pagkapasok na pagkapasok palang namin ng bahay. Halata sa mga magulang ko ang pagtataka, ngunit mabilis ko na lang hinalikan sa pisngi ang mga ito, bago naglakad paakyat sa second floor ng bahay, kung saan naroon ang kwarto ko. Pagkapasok na pagkapasok ko ng kwarto, agad na tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Para silang mga na-stuck na tubig sa isang dam, at nang binuksan ang dam, nag-uunahan ito sa paglabas at pag-agos. Hindi ko mapigilan na mapabalik sa naging usapan namin ni Xander kanina, kung saan ko nalaman ang totoong relasyon nila ni Christina. Christina is the person I should be hating. Kasi siya ang babaeng papakasalan ng lalaking mahal ko, at akala ko kaibigan ko na sya dahil sabi niya tutulungan nya ako. Pero ano 'to? Bakit bigla ko na lang malalaman na sya pala ang babaeng iyon? Ang babaeng kinaiinggitan ko, and at the same time kinamumuhian ko? Bakit siya nagsinungaling sakin? Bakit sya nagpanggap na kakampi ko siya? Bakit nya ako niloko? Mabilis akong tumakbo patungo sa kama ko, at agad na inilapag duon ang bag na dala ko, bago tuluyang nahiga at mahinang umiyak. Ang sabi ko sa sarili ko 'noon, gagawin ko ang lahat para mapansin na ni Xander. Nagawa ko 'nang umamin sa kanya, at sabi ko susubukan ko siyang pigilan sa pagpapakasal nya, pero matapos ang mga nalaman ko, pakiramdam ko wala na akong pag-asang mabago pa ang isip niya. Nakakalungkot lang dahil halos magsisimula palang akong mapalapit sa kanya, sa kanila, pero mukhang kailangan ko na silang iwasan. Dahil nangako din ako kay Glenzyl at sa sarili ko, na once nalaman 'kong wala na akong pag-asa, ako na mismo ang magpapahinto sa sarili ko. *** MALAPIT nang mag 7:00 am pero nananatili pa rin akong nakaupo sa kama ko. Male-late na ako sa unang klase ko ngayong araw, nakabihis na din ako ng campus shirt, since org. day ngayon. Pwedeng pwede na akong lumabas at magtungo ng GoldRidge pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko manghihina lang ang tuhod ko once na tumayo ako. Nakakaramdam din ako ng takot para sa mga mangyayari ngayong araw. Matapos ang mga nalaman ko mula kay Xander kahapon, natakot na akong magpakita sa kanya. Natatakot na din akong makita si Christina. Natatakot ako na baka sa oras na makaharap ko kahit sino sa kanilang dalawa, baka hindi ko mapigil ang pagtulo ng luha ko. Aminado naman ako na wala akong karapatang umiyak, hindi naman naging kami ni Xander. Wala kaming kahit na anong relasyon, maliban sa pagiging school mate. Pero siguro nga ganito kapag nagmamahal, nasasaktan kahit wala namang karapatan. Naramdaman ko ang marahang pagtulo na naman ng luha mula sa mga mata ko dahil sa mga bagay na tumatakbo ngayon sa aking utak. Mabilis 'kong pinunasan ang pisngi ko, at sakto naman na may narinig akong katok sa labas, na sinundan ng boses ni Daddy. “Celestine, anak, bat hindi ka pa lumalabas dyan? Male-late ka na sa klase mo.” rinig 'kong sabi nito, na tila ba gumising sakin mula sa pag-iisip ng malalim. Napalunok ako, bago pinilit na magmukhang maayos. Kailangan maging okay ako sa paningin ng mga magulang ko, ayokong mag-alala sila. Tutal, ang mga ganitong bagay, hindi naman dapat pinapatagal. Siguro nga, dapat ko na lang gawin ngayon ay mag-let go. Lalo na't alam ko nang wala na akong aasahan na kahit ano pa mula kay Xander. *** “Celestia, tara na sa Cafe!” rinig 'kong aya sa akin ni Glenzyl, nang makalabas ang last prof namin bago ang lunch. Nang tignan ko ito, kasalukuyan na itong nakatayo, habang bitbit ang wallet sa kanang kamay nito. “Tara na, nagugutom na ako.” anito, na sinagot ko lang marahang pagtango, bago tumayo at naglakad palapit dito. Mabilis naman nitong kinawit sa braso ko ang mga kamay nito, bago kami sabay na naglakad. “Ano kayang masarap na lunch ngayon sa Canteen? Tingin mo, ano kayang hinanda ng canteen staff ngayon?” patuloy na tanong lang nito, ngunit nanatili akong tahimik, habang ang mga mata ay nakatuon lang sa daang tinatahak naming dalawa. Mukha namang napansin nito ang pananahimik ko, kaya mabilis itong tumigil, at dahil nakakawit ang kamay nito sa braso ko, maski ako ay napahinto rin. “Bakit tayo huminto?” tanong ko, habang nakatingin dito. Nakakunot naman ang noo ni Glenzyl nang salubungin ako ng tingin. “May nase-sense akong kakaiba sayo, Celestia.” panimulang banggit nito, bago inilapit ang mukha sa mukha ko na para 'bang may chi-check ito duon. Nagsalubong lang naman ang kilay ko sa ginawa nito, at akmang magsasalita ng sakto naman na lumayo na ito. Wala akong balak na magsalita, hanggang sa narinig 'ko itong napabuntong-hininga. “Sabi na. Tama ang hinuha ko kanina, pagkapasok na pagkapasok mo palang. May problema ka noh?” tila siguradong tanong nito, na mabilis ko namang itinanggi. “W—wala ah. Okay lang ako.” deny ko naman, bago nag-iwas dito ng tingin. Hindi naman nakatakas sa pandinig ko ang sarkastikong tawa nito. “Hoy Celestia! Hindi tayo naging magkaibigan para lang magsinungaling sa isa't isa. Kilala kita, alam 'kong may dinadala ka. Atsaka sa kilos mo pa lang halata na e. Ikaw 'yung taong kilala ko na ayaw na ayaw ma-late,pero kanina, halos isang segundo na lang late ka na. Tapos halata pa na namamaga ang mga mata mo. Kaya naman pwede ba, wag ka nang mag-deny dahil sigurado na ako na may mali sayo ngayon.” litanya nito, at ewan ko ba, matapos marinig ang mga sinabi nito, bigla na lang akong napaiyak, at napayakap dito ng mahigpit. Mukhang ikinagulat ni Glenzyl ang pag iyak ko kaya naman naramdaman ko ang pagkagitla nito, bago dahan dahang tinapik ang likod ko, upang pakalmahin ako. “Shhh, wag ka nang umiyak, Celestia.” rinig 'kong ani nito, “Whatever problem you are facing right now, I'm sure enough na may solusyon yan. You just have to find it.” anito, na ikinangiti ko na lang ng mapait. “Actually Glenzyl, nahanap ko na 'yung solution.” mahinang sagot ko, habang nananatiling nakayakap dito. “Nahanap mo na pala, eh bakit ayaw mo pa 'ring gamitin ang solution na yon? Para maging okay ka na.” pagtatanong nito, na mas ikinapatak ng luha ko. Marahan akong napalunok, bago sumagot. “Ayoko pa siyang gamitin kasi...once na ginamit ko 'yon, pakiramdam ko mas lalo lang akong mahihirapan.” sagot ko pa, bago mas lalong napaluha. Mas lalo akong mahihirapan at masasaktan, dahil ang tanging solusyon ko lang ay i-let go, at mag-move on mula kay Xander. *** “Celestia, eto Chicken Curry! Masarap 'to sabi mo 'noon diba?” rinig 'kong alok ni Glenzyl. Talagang hindi ako nito tinigilan para lang mapilit na kumain ngayon sa Cafeteria. Matapos nang iyakan session namin kanina, hindi naman ako nito pinilit na sabihin ang problema ko, pero nang sabihin ko na ayokong kumain, duon lang ito nagsalita upang pilitin ako. Panay sabi pa ito na dapat ay hindi ako nagpapagutom lalo na ngayon na may problema ako. And dahil dakilang makulit ang kaibigan ko, wala na akong nagawa nang hilain nya ako sa loob ng Cafe, kaya heto kami ngayon, may sari-sariling tray na hawak, habang pumipili ng ulam. At kanina pa ito alok ng alok, since nahihirapan nga akong pumili dahil wala talaga akong gana, at nakukuha na namin ang atensyon ng mga kasama namin pumipili. “Sige, yan na lang ang sa akin.” sang-ayon ko na lang dito, bago nagsimulang kumuha ng isang sandok ng Chicken Curry, ngunit napahinto na lang ako dahil sa biglaang pag-ingay ng Cafeteria. Halos mabingi kami ni Glenzyl dahil sa malakas na tilian at sigawan, at isa lang ang sigurado ko. Si Xander ang dahilan 'non. Mabilis akong napayuko, at lihim na napalunok. Dati, excited na excited at natutuwa ako kapag nakakarinig ng ganyang ingay, dahil alam 'kong magkakaroon ako ng pagkakataon na masilayan si Xander, pero iba ngayon, imbes na iyon ang maramdaman ko, nakakaramdam ako ng takot at kaba. Takot na baka makita niya ako na ganito ang itsura. Hindi ko naman itatago na matamlay ako, at namamaga din ang mga mata dahil sa pag-iyak ko kagabi. At kaba dahil sa presensya nito. Hindi ko rin naman itatago na talagang mahal ko pa rin si Xander, pero sa ngayon, mas pipiliin ko munang lumayo at umiwas. Dahil iyon ang mas makakabuti para sakin. “OMG! XANDER IS HERE! TOGETHER WITH HIRO GLENN SANCHEZ! KYAAAH! ” “SIYA BA 'YUNG BAGONG SALTA SA SCHOOL? SHEMS! ANG GWAPO NGA!” “Yes! Gwapo na, tapos kaibigan pa ni Xander!” “Celestia! Ayan na, pampa-good mood mo.” rinig 'kong mahinang bulong ni Glenzyl, na siniko lang naman ako, habang ang mga mata ay nakatuon pa rin sa may pintuan, kung saan papasok ang dalawang lalaking tinitilian ng mga estudyante ngayon. Si Xander at Hiro. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga, bago napagpasyahang tumalikod na at maglakad patungo sa isang table—na nasa dulo, para hindi makakuha ng atensyon. Ayoko nang manatili duon, at panoorin ang pagdating ni Xander, mas lalo lang akong mahihirapan. “Huy, Celestia!” rinig 'kong tawag sakin ni Glenzyl, habang ramdam ko ang marahan nitong pagsunod sa akin. Alam 'kong nagtataka ito sa mga inaakto ko, lalo na't alam nya kung gaano ako ka-adik kay Xander. Nang makahanap ng pwesto, na alam 'kong tago, mabilis na akong naghila ng upuan, at naupo, upang magsimula na sanang kumain. Mas pinili 'kong umupo na nakatalikod sa may pintuan, upang kahit papaano ay hindi ako madi-distract nang mga taong papasok at lalabas ng Cafeteria. Naupo naman sa harap ko si Glenzyl, at tahimik kami pareho sa paglalagay ng tray, at paghahanda ng mga pagkain. Napansin ko naman na medyo nagbalik na sa normal ang mga estudyante, kaya't naisip 'ko na baka umalis na ang dalawang tinitilian ng mga ito kanina, kaya naman pasimple akong lumingon—at sa hindi inaasahang pangyayari, nagtagpo pa ang tingin namin ni Hiro, na nakatayo sa tabi ni Xander, habang may hawak na tray at mukhang naghahanap ng mauupuan. Mabilis itong ngumiti, na muling ikinatili ng mga kababaihan, habang ako naman ay agad na napaiwas ng tingin, at lihim na napadasal na sana hindi nito maisip na dito kumain sa mesang napili ko. Bakit ba naman kasi ako lumingon lingon pa eh?! Sekretong asik ko sa sarili, at akmang magsisimula nang kumain, nang bigla na lang may tray na lumapag sa kaliwa ko, at may tray din na lumapag sa pwestong katapat lang nito. May idea na ako sa kung sino ang mga ito, lalo na't ramdam ko ang pagkagitla ni Glenzyl, na sinamahan pa ng mga titig ng ibang estudyante. “Pwedeng makiupo dito, Celestine?” rinig 'kong tanong ni Hiro, na siyang kasalukuyang nakatayo sa kaliwa ko, at mukhang sa kanya ang tray na nakalapag duon. Lihim akong napalunok. s**t. Tama nga ang hinala ko. Sila nga. At dahil si Hiro ang nasa tabi ko, ibig sabihin si Xander ang uupo sa tabi ni Glenzyl, at di kalayuan na kaharap ko lang. Dapat tumanggi ako! Dapat hindi ko sila hayaang makiupo sa table namin, pero ano 'bang karapatan ko? Hindi ko pagmamay-ari ang Cafeteria na ito, at nakakahiya kung iti-turn down ko sila, kaya naman wala akong ibang choice kundi ang tumango na lang. Narinig ko pa ang mahinang pagsabi ng 'yes' ni Hiro, bago ito naupo sa tabi ko, habang si Xander naman ay naupo na din sa tabi ni Glenzyl. Napatikhim ako, bago pasimpleng tinignan si Glenzyl para i-check ito, at nakita ko naman itong tahimik na kumakain, ngunit ramdam ko ang pagtataka nito. Hindi ko naman inaasahang mapansin ito, ngunit aksidenteng nahagip ng paningin ko ang mga mata ni Xander na kasalukuyang nakatuon sa akin. At dahil sa mga nangyayari ngayon, mas lalo lang ata akong nawalan ng ganang kumain. Paano ba naman hindi, eh ang taong iniiwasan ko, heto ngayon sa kapareho 'kong mesa kumakain, at halos kaharap ko pa! “It's really a nice idea na dito tayo kumain, Xander. Nakita pa natin si Celestine.” rinig 'kong salita ni Hiro, bago ko naramdaman ang tingin nito. “Oh, bat di ka pa kumakain, Celestine?” rinig 'kong tanong nito, na ikinalingon ko naman dito. Mabilis 'kong nginitian si Hiro. “Huh? Ah, wala naman. Medyo naiilang lang ako kasi andito kayo, at pinagtitinginan tayo.” sagot ko na lang, bago muling mas ngumiti sa lalaki. “Oo nga pala, Hiro, si Glenzyl, best friend ko.” pakilala ko naman dito kay Glenzyl, na ngayon ay may ilang na ngiti sa mukha. “H—hi.” kiming bati nito, na ibinalik naman ni Hiro. “Hello, Glenzyl. Nice to meet you.” anito, bago tumuon kay Xander, na tahimik na ngayong kumakain. “Xander, pakilala ka naman sa kaibigan ni Celestine.” rinig 'kong sambit nito, na ikina-angat ng tingin ng lalaki. “No need.” panimula nito, bago bumaling sakin. “I'm sure that she knows me already.” ani lang nito, bago muling nagpatuloy sa pagkain. Muli akong napalunok dahil sa sagot nito, ngunit mas pinili ko na lang na ituon ang atensyon sa pagkain, ngunit nakakailang subo palang ako, bigla na namang may dumating na isa na naman sa iniiwasan ko. Si Christina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD