Chapter 10
Tin's POV
“Woow! Andito pala kayong lahat, sakto!” rinig 'kong bungad nito, bago naupo sa bakanteng upuan sa kanan ko. Lihim akong napalunok dahil sa mga nangyayari.
Kung kailan ako umiiwas, tsaka naman kami pinaglalapit?
"Buti na lang pala same tayo ng lunch time guys." rinig ko 'pang sabi ni Christina, habang pinapakiramdaman ko lang ang mga kilos nito sa tabi ko. Ayoko kasing tignan ito, dahil natatakot akong baka maluha lang ako pag iyon ang ginawa ko. "Anyways, kilala mo na ba si Glenzyl, Hiro? Xander?" rinig 'kong dagdag na salita nito, at dahil ayoko nang makialam pa, pinilit ko na lang na mas bilisan ang pagkain.
"Yes. We already know her." rinig 'kong sagot ni Hiro.
"Good then." tila masayang wika ni Christina, "So, silang dalawa na ang bagong dagdag sa grupo natin. Simula ngayon, lima na tayo." dagdag na wika pa nito, bago ko naramdaman ang pasimple nitong pagtapik sakin, na ikinalingon ko dito.
Nakita ko naman itong nakangiti habang nakatingin sakin. Her smiles seems real—but I know more. Mapanlinlang ang mga ngiting yan.
I cleared my throat, and without talking, I continued to eat rapidly since I really wanted to leave this table instantly. Hindi ko na kinakaya, hindi na kinakaya nang puso ko, kaya alam 'kong anomang oras ngayon, kapag nanatili pa ako dito, iiyak lang ako sa harapan nila.
At ayokong mangyari 'yon. Ayokong kaawaan nila ako. They're not really my friend, so I'm forbidding them to pity me.
"Celestine, okay ka lang ba?" rinig 'kong may halong pag-aalalang tanong ni Christina, at ramdam ko ang titig nito, ngunit katulad kanina, hindi ko pa rin ito pinansin.
Sa halip, mas binilisan ko pa ang pagkain ko, hanggang sa tuluyan nang maubos ang laman ng tray, kung kaya't mabilis na akong tumayo, at lumakad palayo—ngunit agad iyong napigilan ni Hiro, nang maramdaman ko ang paghawak nito sa may pulsuhan ko.
"Aalis ka na agad?" rinig 'kong tanong nito, kaya't seryoso akong lumingon upang tignan ito nang diretso sa mata. Si Hiro, halos kahapon lang kami nagkakilala, nakapalagayan ko na sya ng loob, pero nagdududa ako sa kanya. What if isa rin sya na pinaglalaruan ako?
Paano kung katulad lang siya ni Christina na niloloko lang ako.
I can't let them fool me.
Tinanggal ko ang pagkakahawak nito sa pulsuhan ko, bago nag-iwas ng tingin at muling nagpatuloy sa paghakbang palayo. Ramdam ko ang tinginan mula sa likod, at sa buong paligid ko, ngunit wala na akong pakialam.
Ang tanging gusto ko lang ay makaalis sa aoat na sulok na lugar na to. Gusto 'kong layuan sila at ilabas ang nararamdaman na kanina ko pa pinipigilan!
Ibinaba ko ang tray sa may counter, at agad na ding lumabas ng Cafeteria, nang biglang may muling humawak ng braso ko, at nang lingunin ko kung sino iyon, napalagay ako.
It was Glenzyl, and she's looking at with confused eyes. "Celestia." tawag nito sa nickname ko na lagi nitong ginagamit. "What's wrong with you?" may pinaghalong pagtataka at pag-aalalang tanong nito sa akin.
Sinalubong ko naman ang tingin nito.
Glenzyl is the only friend I trust. Kaya wala akong takot na makita nya ang weakest side ko. Hindi ako matatakot na umiyak sa kanya, dahil alam 'kong kakampi ko siya.
And that's what I did.
I pulled her towards the open field, find a tree to be stayed for, and I cried there with her by my side. Duon ko sa kanya inilabas lahat ng nararamdaman ko tungkol sa mga nalaman ko kahapon.
***
Xander's POV
"What the heck is wrong with her?"
Isa 'pang ulit na tanong ni Hiro, habang sinusundan ng tingin ang papalayong likod ni Celestine, na agad namang sinundan nang kaibigan nitong si Glenzyl.
Parehong may pagtataka sa mukha ng dalawa, habang ako naman ay tahimik na lang na kumain.
But I was put on a hot seat, when Christine fired a question against me. "Xander, did you do something to make her act this way?" tila nang-iinterogate na tanong nito.
Agad 'ko namang ibinaba ang kubyertos na hawak ko, bago sinalubong ng tingin ang ngayon ay nanlilisik na mata ni Christina. I straightened my back first, "What do you think, Christina?" I asked back, without avoding her deady glares.
"What did you do, then?" tila nag-aalalang tanong nito sa akin, "Wait, sinabi mo ba sa kanya?" pagtatanong pang muli nito, na mabilis ko namang sinagot ng tango.
"She deserves to know, Christina." I strongly said, "Hindi mo pwedeng itago sa kanya ang totoo, at paasahin siya sa isang bagay na alam nating dalawa na malabong mangyari." pagtutuloy ko, na mahina naman nitong ikinamura.
"You're so s**t, Xander!" anito, bago nanggigil na napayuko. "Sasabihin ko naman sa kanya soon, but not now! Bago pa lang kaming magkakilalang dalawa, at dahil dito sa ginawa mo, tiyak na nasasaktan na sya at hindi na nya ako pinagkakatiwalaan."
"She should be." I answered, that made both of them look at me again. Christina having an angry expression while Hiro looks so confused about what we are talking about. "She shouldn't trust you." I continued, "You can't be trusted, Christina. Pinapaasa mo lang sya sa wala, kaya maaga palang, habang hindi pa sya gaanong nahuhulog sa plano mo, sinalba ko na sya. Don't you think na mas masasaktan sya kapag pinatagal mo pa?" I professed, before looking back at her. "We are marrying each other soon, and she can't stop that." mahina 'kong saad, upang hindi marinig nang ibang estudyanteng nakapaligid samin.
Christina rolled her eyes at me, before glaring back. "I can't believe you, Xander." she said, in an aching tone. "You are my bestfriend, pero parang hindi mo man lang iniisip ang nararamdaman ko! You know I can't marry you, but you kept on insisting it to happen rather than making all of this s**t stops! Parang hindi kita kaibigan." huling saad nito, bago agad na tumayo at iniwan kaming dalawa ni Hiro sa mesa.
Napabuntong hininga na lang ako, bago sinundan ng puno ng pagtatakang tanong ni Hiro.
"So, can someone enlighten me about what's happening? I really can't grasp it." He confusedly asked while looking at me. "Please enlighten me."
Instead of answering him, I just stand and took the tray with me and started walking away from him. Halos hindi pa ako nakakain pero nawalan na ako ng gana.
Celestine is angry at me and Christina, while Christina is angry at me too.
All I did is to choose the right option. Ayokong magulo kami. Christine already knew that she can't stop this engagement but she kept on resisting!
Palibhasa hindi sya ang nasa sitwasyon ko.
"Xander, wait up man!" rinig 'kong boses ni Hiro, bago naramdaman ang pag-akbay nito sa akin, na sinunda agad ng pagtatanong. "Ano 'ba talagang nangyayari? If my hearing is good, narinig 'kong kasama sa pinagtatalunan nyo kanina si Celestine. Ano 'bang meron sa kanya?" puno ng pagtatakang tanong nito.
Pareho na kami ngayong palabas, at nakikita ko na ang pasimpleng pagtanaw sa amin ng mga estudyante, habang ang iba naman ay nagsisipag bulungan na habang ang mga mata ay nakatuon sa amin ni Hiro.
Instead of answering his questions, I decided to continue first and get rid of this place.
KASALUKUYAN na kaming patungo sa direksyon ng ICT building, at katabi ng building namin ang sa mga engineering, kaya naman hanggang ngayon kasama 'kong naglalakad si Hiro.
At kanina pa niya ako kinukulit tungkol sa pinag-usapan namin ni Christina kanina. I really don't want to tell him dahil baka mas makagulo pa siya, pero napuno na ako sa kakulitan nito.
This is why I don't like him being around. He's too loud and irritating!
I stopped a few meters away from him, and checked the vicinity. When I see that it's cleared, I stared at him and drop the bomb. "Celestine likes me. Christine knows it, so she thought that she can use Celestine, for me to stop the marriage. Pinaplano nya na paglapitin kami ni Celestine, at umaasa na sana mahulog ako dito. But that will never happen, hindi ko hahayaang magulo na naman ang buhay ko sa paghahanap ng bagong magiging fiancé nang dahil lang sa lintik na plano ni Christina. I can't let her win against me. Do you understand me, Hiro." I said, before leaving Hiro there. Stunned