Chapter 4

2283 Words
“F*CK! What a coincidence!” maktol ni Wallace pagdating ng bahay. Wala roon ang parents niya. Dahil sa natuklasan ay naisip na naman niyang umurong sa kasal. But everything has settled. He felt anxious. Nang walang makausap ay umalis siya lulan ng kaniyang kotse. Pinuntahan niya si Vladimir sa kaniyang condo unit sa Pasay City. Doon niya ito pinatira pansamantala dahil wala pa itong napiling lugar kung saan bibili ng lupang pagtitirikan ng bahay. Vladimir was one of his closest friend from their organization. Ito ang miyembro ng BHO na may sariling mundo. Kapag hindi na nito gusto ang pinaggagawa ng leader nilang si Yoshin ay sa Pilipinas ito nagtatago. Vladimir has also connections to some private anti-syndicate organizations, and he’s their spy to know the latest target of the organization. Gabing-gabi na’y nagka-kape pa si Vladimir nang datnan niya. Ang hilig nito sa dark coffee, no sugar. Kasing tapang ng pagkatao nito ang kape. Hindi ito makatulog na hindi makainom ng kape. Ang weird talaga. Umupo siya sa katapat nitong silya sa may round table malapit sa bintana. “May problema ako,” panimula niya. “Can’t you divorce your detective wife?” kaagad ay tanong nito. Napasintido siya. “Hindi pa nga kami kasal, bro.” “Oh, sorry.” Inilapag nito sa mesa ang tasa ng kape. “So, what bothers you anyway?” pagkuwan ay tanong nito. Nakadikuwatro ito at itim ang kasuotan mula ulo hanggang paa. Vladimir loves everything in black. “My fiancee’s ex-boyfriend was Atty. Adamson Clarkson, the one who helps the anti-syndicate group to investigate our operations here in the country.” “I knew him. And you said he’s your fiancee’s ex-boyfriend. So, why bothers?” “Bro, they might still have connections.” “So?” Tumikwas ang isang kilay ni Vladimir. “Hindi mo ako naintindihan, eh. Kapag nalaman ni Atty. Clarkson na ako ang pakakasalan ni Angel, baka sasabihin niya ang sikreto ko. Alam ni Atty. Clarkson na miyembro ako ng iniimbestigahan nilang organization,” nababahalang sabi niya. “Mas natatakot ka sa abogado na ‘yon kaysa fiancee mo na detective? Can’t you imagine how a detective works?” “I know, but my point is Angel was unaware of my identity.” “Wait. She’s unaware you’re an as*hole mafia, but she hates you to the core.” Nagtagis ang bagang niya. Sinisira lalo ni Vladimir ang imahe niya. “Nabanggit ko ba sa ‘yo na nagkita kami ni Angel sa Sicily before we meet here?” “Uh, the moment that you f*ck her in a bar?” “Yeah, and she saw me flirting with another woman after sex.” “Sira na pala ang imahe mo sa kaniya. And she hates you because you’re a womanizer.” “Malulusutan ko pa ang problemang iyon pero itong trabaho ni Angel, ang ex niya, bro, I don’t know what to do. Once Angel find out my secret, I’m dead. My parents will find out it, too.” Humigop ng kape si Vladimir. “Refuse the marriage agreement, that’s the solution. Mabubuhay ka naman na walang asawa.” Napabuga siya ng hangin. Kung puwede pa sana siyang uurong sa kasal kaso inaalala niya ang kaniyang ina. At saka nagkasundo na silang lahat. Wala na siyang makuhang matinong opinyon kay Vladimir. Alam niya’ng pipiliin nito ang seguridad ng organisasyon nila. Sunod naman niyang pinuntahan ay si Dwayne na isa ring malapit niyang kaibigan. Umalis na ito sa grupo nila at payapang namumuhay kasama ang asawa’t mga anak nito. “That’s how karma works, bro,” sabi lang sa kaniya ni Dwayne. Nasa mini bar sila ng bahay nito at pinagsaluhan ang tequila. “Kailangan ko na talagang umalis sa grupo bago pa matuklasan ng pamilya ko ang sikreto ko,” aniya. “Paano si Yoshin? Sa palagay mo ba basta ka niyang pakakawalan na buhay?” Lalo siyang na-stress nang maalala si Yoshin. Marami pa siyang kailangang gawi upang makalaya. Kung ipipilit niya ang gustong umalis sa grupo na hindi tapos ang problema, baka pupugutan na siya ng ulo ni Yoshin o kaya ma-firing squad. “I don’t know. Gugustuhin ko na lang atang magpabaril kay Yoshin,” nahihibang na sabi niya. “Gago!” Tinapik ni Dwayne ang balikat niya. Inubos lang niya ang laman ng kaniyang baso saka nagpaalam sa kaibigan. TATLONG araw bago ang engagement party ay namigay na ng invitation card ang mommy ni Angelica. Nawindang din ang mga katrabaho niya nang malamang ikakasal na siya. Nasa crime scene sila nang lapitan siya ni Sandy, isa sa forensic department staff nila. “Is this a joke, Detective?” eksaheradong tanong nito. Palabas na sila ng kuwarto kung saan natagpuan ang walang buhay na katawan ng biktima. “Yes,” tipid niyang sagot. “My God! Kahihiwalay lang ninyo ni Atty. Clarkson, ah.” “May batas ba kung kailan dapat magpakasal? Si Adam nga ikinasal na,” sarkastikong turan niya. “Kung sa bagay. Pero biglaan naman ata. At sino naman ang pakakasalan mo?” Hindi na siya nilubayan ng mga tanong ni Andy. Wala siyang maitatago dahil nasa headline na ng balita ang nalalapit na kasal niya. Sumikat siya dahil sa kaniyang daddy na kilalang businessman. Isa ring nagpatunog sa pangalan niya ay ang nakatuwaang viral post para sa mga police officer na magaganda at guwapo. Madalas din siyang ma-interview ng mga news reporter tungkol sa mga trending na krimen sa bansa. Naging model na rin siya ng mga kilalang fashion brand pero isang beses lamang niya iyong ginawa. “He’s a businessman,” sabi niya lang. “Oh? Ano’ng pangalan?” usisa ni Andy. “Wallace Mancini. Anak siya ng business partner ng Dad ko. Italian-Filipino national pero sa Italy siya naglalagi dahil naroon ang business niya.” “Wow! I’m sure guwapo ‘yon!” Kinilig pa si Andy. She rolled her eyes. Pumasok na siya sa kaniyang kotse at binuhay ang makina nito. May kakausapin pa siyang mga tao na nasa listahan niya for interogation. Hindi naman siya nagtatagal sa crime scene. Makakuha lamang siya ng detalye ay sapat na upang masuri ang krimeng nangyari. Inabot ng gabi sa lansangan si Angelica, at ang huling target place niya ay isang bar sa Makati. Nasa listahan niya ang owner ng bar, na siyang kasama ang pangalan sa itinuturong suspect sa pagkamatay ng lalaking lasing sa kalye. Doon sa bar na iyon uminom ang biktima bago natagpuang patay. Hinarang pa siya ng security guard sa entrace. Pinakita lamang niya ang kaniyang ID rito at pinapasok na siya. Hindi na siya kinapkapan at alam naman ng mga ito na meron siyang dalang service firearm na kalibre kuwarenta y singko. Dumiretso siya sa bar counter at nagtanong sa manager na naroon. Pinakita niya rito ang kaniyang ID. Naka-blazer lang siyang itim at white blouse sa loob. Itim na denim lang pan-ibaba. Palagi siyang naka-undercover kapag ganoong nag-i-imbestiga siya. “I need to talk to the bar owner,” sabi niya sa manager. “Uh, he’s still in the meeting, ma’am,” sabi ng lalaking manager. “Anong oras siya matatapos?” “I’m not sure po. Pero abisohan ko na po siya na narito kayo para aware siya.” “Sige. Thanks.” Pumasok naman sa isang kuwarto ang manager. Umupo siya sa stool chair sa harap ng counter at nag-order ng cocktail. Habang naghihintay ng order ay nahagip ng paningin niya ang pamilyar na lalaking kalalabas ng pinto na pinasukan ng manager. May kaakbay itong sexy at magandang babae, blonde ang buhok. Naningkit ang mga mata niya nang makilala ang lalaki. He’s no other than, her fiance Wallace! Pakiramdam niya’y kumulo ang dugo niya. Hindi man lang nito nirespeto ang nalalapit nilang engagement. Hinintay niyang makalapit ang mga ito sa counter at umupo na magkatabi. Mayamaya ang hipo ng babae sa dibdib ni Wallace. Malandi talaga itong mapapangasawa niya. Habang busy ang mga ito sa paglalandian, lumapit siya at umupo sa gawing kaliwa ni Wallace. Hindi siya nito napansin kasi busy sa pakipagharutan. Nang mapansing dumapo ang kamay ng babae sa hita ng binata, kinalabit niya si Wallace. He ignored her. Malapit na ang kamay ng babae sa pagitan ng mga hita ni Wallace. Kinalabit ulit niya ito. Napansin na siya ng babae at tinutukan siya ng gitnang daliri. Animo umusok ang ulo niya sa inis. Dinukot niya ang kaniyang baril mula sa sisidlan at pinakita lang sa babae. Nanlaki ang mga mata nito at napatili, biglang tumayo. “Hey! What’s wrong?” takang tanong naman ni Wallace. Tatayo sana ito pero itinutok ni Angelica ang dulo ng baril niya sa pagkalal*ki ni Wallace. Natigilan ito at awtomatikong napalingon sa kaniya. Animo natuklaw ito ng ahas, hindi nakakilos. “Matigas na ba ‘to? Ano, puwede nang paputukin?” pilyang tanong niya rito. Diniinan pa niya ang baril sa ari nito. “A-Angel!” tanging nabigkas nito. “Y-Yes, dear. It’s me,” she said, smirking. “A-Anong ginagawa mo rito?” “My work is to find the answer to every case I handle, so expect to see me anywhere, anytime.” Nabikig na ang lalamunan ni Wallace. Ang babaeng ka-date nito ay hindi pa nakaalis at umaasa atang sasama rito ang fiance niya para ituloy ang landian ng mga ito kung saan. “Who’s that girl, Wallace?” inis na tanong ng babae. Magsasalita sana si Wallace ngunit pinigil niya. “Don’t talk or I’ll shoot your eggs,” aniya. Pagkuwan ay binalingan niya ang babae at nginitian. “Hi, dear! Let me introduce you myself. I’m Wallace’s fiancee, and we’re getting married sooner. But I will give you a last chance to f*ck my fiance, only tonight. Kaya sulitin mo na. Gawin n’yo na lahat ng posisyong alam n’yo, dahil once kasal na sa akin ang malanding nilalang na ito,” idiniin pa niya ang dulo ng baril sa ari ni Wallace, “ay wala nang kahit sinong babae ang makatitikim sa kaniya,” patuloy niya. Panay ang pagmumura ni Wallace. “You’re a nightmare, Angel,” anas nito. Ang babae ay rumampa na palayo sa kanila. “Yeah, dear, I’m your worst nightmare,” bulong niya sa mismong tainga nito. Itinago rin niya ang kaniyang baril. “Habulin mo ‘yong babae. Baka hindi siya makatulog dahil hindi ka natikman,” aniya. “Are you kidding me? After you ruined my night!” asik nito. “Oh? Sorry. Umeksena lang naman ako para aware ka, but doesn’t mean I will stop you f*cking another woman. Binigyan na kita ng chance, so what are you waiting for? F*ck all women as you can before the engagement night.” Panay ang buntong-hininga ni Wallace. “Seriously, why are you here? Sinusundan mo ba ako?” seryosong sabi nito. “Of course not! I’m here to talk to the bar owner for the investigation.” Napahilot sa batok nito si Wallace. Ngumisi na ito. “Ang tindi mo namang magselos,” anito. Nairita siya sa sinabi nito. “Excuse me? Why on earth would I feel jealousy? I will never feel jealous of a flirt like you. You’re a waste of time,” depensa niya. “Fine!” Hinihipo nito ang gitna ng mga hita. “Ang sakit ng ginawa mo, ah,” angal nito. “Alin ang masakit? Ang pagtutok ko ng baril sa bayag mo, o ang pagpigil ko sa paninigas niyan kakahipo ng babae?” aniya. Wallace chuckled. “Hindi madaling patigasin ang alaga ko, Angel. Namimili ‘to ng babae.” “Asus! Huwag ako, Wallace!” “At teka nga, bakit pinagbabawalan mo akong makipag-s*x sa ibang babae kung ayaw mo naman akong pagbigyan once kasal na tayo?” mamaya ay reklamo nito. “Bibilhan na lang kita ng s*x toys,” aniya. Kinuha niya ang cocktail na inabot ng bartender. “Son of a b*tch! You’re impossible!” maktol nito. “Mamili ka, toys o baril?” She smiled caustically at Wallace. Nanghihinang humarap ito sa kaniya. “Please don’t torture me. s*x was my life support. Without doing it, I will die.” Nagdrama pa ito. Hindi niya napigil ang kaniyang tawa. “You’re naughty, huh? Fine! Ayusin mo ang ugali mo, and prove to me that you will not touch another woman even secretly.” Umaliwalas ang mukha nito. “You mean, kapag nagawa ko na ang kondisyon mo, puwede na tayong mag-s*x?” excited nitong tanong. “Depende. At gusto ko munang matiyak na malinis ka, walang nakahahawang sakit. At once nalaman ko na may ginamit kang babae kahit nagpasubo lang, you will never touch me, kahit isang hibla ng buhok ko.” Tumabang ang ngiti ng binata. “Alam mo, para kang cancer cells sa buhay ko,” angal nito. “Mag-a-adjust ako, Wallace, pero hindi sa kabulastugan mo. I will know you better, and you should do it, too. We need respect for the marriage.” “I got your point. Madali lang akong mag-adjust, basta huwag mo naman akong pahirapan.” “Hindi ka mahihirapan kung hindi ka gagawa ng bagay na ikagagalit ko!” Wallace scoffed. “Eh, palagi ka namang galit kahit wala pa akong ginagawa.” “Nakakabwisit ka naman kasi talaga!” “Oh, kita mo,” iiling-iling na sabi nito. Naudlot ang usapan nila nang bumalik ang manager. Napalingon siya rito. “Pasok na po kayo sa office ni Boss, ma’am,” sabi ng manager. “Sige. Susunod na ako,” aniya. Paglingon niya kay Wallace ay wala na ito sa kaniyang tabi. Namataan na lang niya itong patungo sa direksiyon ng banyo. Sumenyas ito na babalik. Tumayo na lamang siya at sumunod sa manager.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD