Chapter 3

2107 Words
SINUBUKAN ulit kausapin ni Angelica ang daddy niya tungkol sa marriage agreement ngunit ayaw na nitong baguhin ang desisyon. Nakapag-deal na umano ito sa daddy ni Wallace. Pagdating sa kaniyang ama ay hindi niya ito kayang suwayin. Kaya sa harap ng mommy niya siya naglabas ng saloobin. “Ano ba ang ayaw mo kay Wallace, anak?” tanong ng mommy niya. Greenhouse sila nito. Maaga siyang nagising dahil tumawag ang staff sa presento ay may crime scene siyang dapat puntahan. “Wallace was a womanizer!” she protested. Naggugupit ng mga tuyong dahon ng rosas ang mommy niya. Mahilig ito sa halaman at iyon ang libangan nito. “How did you say that?” kunot-noong tanong ng kaniyang ina. She opened her mouth, yet her words stuck in her throat when she recalled how she met Wallace in Sicily. Isang kahihiyang malaman ng parents niya na hindi na siya virgin. “Uh… I-I saw him in a bar with different women,” she alibis. Her mother took a deep breath. “You’re just judgmental, Angel. You don’t even know Wallace yet. Mabait siyang bata, responsible sa magulang. At sobrang sipag sa negosyo. At alam mo ba? Nagtapos siya ng chemical engineering sa London. He’s an achiever,” proud pang kuwento ng mommy niya. “But I don’t like him,” mariing sabi niya. Naningkit ang mga mata ng kaniyang ina. “Wallace was better than Adamson. Please stop chasing a man who can’t stand his decision,” may riing sabi nito. She heaved a sigh. Nang maalala ang kabiguan ay Adamson ay napasubo na siya sa agreement. Naisip niya, madali lang naman mag-divorce sakaling hindi na niya kayang pakisamahan si Wallace. And she can set her rules in their marriage. Hindi puwedeng stress ang abutin niya sa lalaking ‘yon. “Fine! But if Wallace ruins my peaceful life, I’ll imminently divorce him!” she said. Hindi na niya hinintay na makapagsalita ang kaniyang ina. Rumampa na siya papasok ng bahay at kinuha ang kaniyang bag at ibang gamit sa opisina. Dapat ay hindi pa siya babalik sa trabaho ngunit tinambakan na sila ng cold cases na kailngang maresolba sa lalong madaling panahon. She drove her car straight to the crime scene and needed her presence. As a detective, she has to find more traces from the crime scene that might immediately solve the case. Sa isang araw kasi ay iba-ibang krimen ang naire-report sa presento nila. Pagdating sa crime scene ay naroon na ang mga agents nila at forensic staff na angungolekta ng specimen for laboratory examination. Isang lumang apartment unit ang pinangyarihan ng krimen. Natagpuang patay ang isang babae na hubad sa ibabaw ng kama. May saksak ito sa tiyan. Kinausap niya ang lanlord ng nasabing apartment para sa karagdagang detalye. Napag-alamang may live-in partner ang biktima at gabi bago ang krimen ay nag-away umano ang dalawa. Kinuha na rin nila ang pagkakilanlan ng live-in partner ng biktima. After checking the crime scene, she proceed to the trial court to talk to Atty. Alferos, ang lawyer ng suspect sa pinakamalaking kasong hinawakan nila. Anak ng isang politician ang suspect na boyfriend ng college nursing student na natagpuang patay sa loob ng kotse nito. Namataan niya si Atty. Alferos na may kausap na ibang abogado. At bago siya makarating dito ay nahagip ng paningin niya si Adamson na kalalabas ng isang silid. Nakasuot ito ng black suit at may bitbit ng maliit na suitcase. Awtomatikong dumapo sa kaniya ang paningin nito. Pinakiramdaman niya ang kaniyang sarili. Mabigat pa rin ang kaniyang dibdib, hindi maitago ang pait na nadarama. Gayunpaman, pinanindigan niya ang desisyon na hindi na maghahabol sa dating nobyo lalo’t ikinasal na ito. Lakas-loob niya itong nilapiyan at kaswal na nginitian. “Congratulation to your wedding!” bati niya rito. Sandaling walang kibo si Adamson. Tila hindi ito natutuwa na makitang hindi siya apektado. Naging uneasy ito. “Angel, I-I sorry. I don’t have a choice,” anito. Ang kirot sa puso niya’y nahalinhan ng inis. “Saying sorry doesn’t mean your mistake would be forgotten. Pero huwag kang mag-alala, hindi na ako apektado. At saka wala nang sense kung uungkatin pa natin ang nakaraan. I’m getting married sooner, so let’s move on,” aniya. Natigagal si Adamson. “You’re kidding, right?” hindi makapaniwalang untag nito. “I never joke, Adam. I don’t have time to play with guys. I need to settle down bago pa ma-expire ang matris ko.” Nagawa pa niyang magbiro. Lalong bumakas ang curiosity sa mukha ni Adamson. “That was arranged marriage, I guess. Your mother was right. We’re not meant to be because you’re made for a chosen guy of your parents.” Mariing kumunot ang noo niya. “Don’t pass the blame on my parents, Adam. You did a mistake! At hindi mo ako masisi kung bigla akong magpakasal sa ibang lalaki kahit pa hindi ko mahal. Ang bilis mo ngang nakahanap ng kapalit ko, o sadyang matagal mo na akong niloloko.” “I told you the reason already. Inamin ko ang pagkakamali ko pero wala akong choice, Angel.” Lalo siyang nairita. “Would you please stop saying that you don’t have a choice? Not all mistakes are unintentional and mostly was a choice. You chose this, and stop explaining yourself to me ‘cause it’s pointless!” Napasintido si Adamson. “You don’t get me,” anas nito. “I don’t care anymore. Mind your own life, and good luck!” Nilagpasan na niya ito. Tinungo na niya ang kaniyang pakay dahil nauubusan na siya ng oras. Sa maghapong trabaho ni Angel ay isang oras lang ang itinagal niya sa opisina dahil tatlong crime scene ang pinuntahan niya. Nag-follow up din siya ng investigation sa mga naunang kaso. Gabi na siyang nakauwi. At nasorpresa siya nang madatnan sa bahay nila si Wallace, naghahapunan kasama ang parents niya. “Oh, anak, mabuti dumating ka na. Kalika na rito,” sabi ng kaniyang ina. Walang imik na lumapit siya sa hapag at lumuklok sa tabi ng kaniyang ina. Katabi naman ng daddy niya si Wallace. Sinipat niya ang binata. Tipid itong ngumiti sa kaniya. She didn’t smile back, and she notice some changes in Wallace aura. Hindi na ito kasing hangin noong unang punta nito sa bahay nila. O baka nagbabait-baitan lang ito dahil kaharap ang parents niya. “We were talking about the engagement party, Angel,” sabag ng kaniyang ama sa katahimikan. “At sa Linggo na ito gaganapin para maraming bisitang makadalo,” sabad naman ng kaniyang ina. Natigilan siya. “Why so rush?” nakasimangot niyang tanong. “We need to rush the wedding since it’s already settled. And Wallace agreed with the chosen date,” maotoridad na wika ng kaniyang ama. Napansin niya na masaya ang daddy niya at tila mahirap nang mabale ang kasunduan. Talagang buo ang tiwala nito kay Wallace na mapapamahalaan nito ang kanilang negosyo. Sinipat naman niyang muli ang fiance. Malapad itong ngumiti at inalok pa siya ng red wine. Inirapan lang niya ito at nagpatuloy sa pagsubo ng pagkain. Tahimik lang siyang kumakain habang tinatalakay ang preperasyon sa kasal. And Wallace promise to shoulder all the expencess. He also suggested that the wedding will be held in New York. Alam na niya ang point nito. Walang divorce sa Pilipinas kaya napili nito sa ibang bansa. Tumutol naman ang mommy niya. “Why not here, Wallace?” usig ng ginang sa binata. “Uh…. I want the place in New York, and my closest friend was there,” alibi nito. “I agreed,” she said. Napatitig sa kaniya ang mommy niya. Nginitian lang niya ito. “No problem. Kahit saan n’yo gustong magpakasal ay walang kaso sa akin. Ang mahalaga ay matuloy ang kasal,” sabad naman ng kaniyang ama. Hindi na rin kumontra ang kaniyang ina. Pagkatapos ng hapunan ay hindi pa umuwi si Wallace. Hindi na sana niya ito kakausapin dahil may paperwork pa siya, kaso kinulit siya ng kaniyang ina. Kailangan daw nilang magkuwentuhan ng fiance niya upang mas makilala nila ang isa’t isa. Nasa garden si Wallace at katatapos lang nakainuman ang daddy niya. Wine lang naman ang pinagsaluhan ng mga ito. Gumala sa greenhouse ng rosas si Wallace at nilapitan niya ito. Pipitas sana ito ng isang bulaklak ng pulang rosas. “Don’t!” maagap niyang saway. Pumihit ito paharap sa kaniya. “Why?” nakangising untag nito. “Roses are sensitive. Cut them using the sharp cutter.” “Do you have a cutter?” Tumikwas ang isang kilay niya. “At bakit ka mamimitas ng bulaklak dito?” “Naisip ko lang na bigyan ka.” She scoffed. “Para saan?” Ngumisi ito. “Baka puwede pang humabol ng panliligaw. Siyempre, mas maganda pa rin ang step by step.” She rolled her eyes. “Uso rin pala ang panliligaw sa kagaya mo,” amuse niyang sabi. Humalukipkip ang binata. “You’re so mean to me. Wala na ba akong karapatang maging matino sa paningin mo? You’re misjudging me.” “I’m not judging you. I’m just saying what I observed about your behavior.” “Ang galing mo naman. Isang gabi lang tayong nagkita noon sa Sicily, kilala mo na kaagad ang pagkatao ko?” “May matino pa ba sa ‘yo?” Umiling si Wallace. “Uh, here’s the cutter!” bulalas nito nang makita ang cutter na nakasabit sa screen na dingding. Talagang pumitas ito ng isang pulang rosas at binigay sa kaniya. “Here, flower for you,” nakangiting sabi nito. Bumuga siya ng hangin at kinuha na lamang ang bulaklak. “It’s awkward,” komento niya. “Hayaan mo na. Next, engagement, then, the wedding. At siyempre, ang makasaysayang honeymoon!” excited nitong wika. Binato niya ito ng mahayap na tingin. “Anong honeymoon?” aniya sa matigas na tinig. “Kasama ‘yon sa traditional wedding. Pagkatapos ng kasal, may honeymoon.” Dinutdot niya ng hintuturo ang matigas nitong dibdib. “We’re done our honeymoon in Sicily. No more!” Nanlaki ang mga mata ni Wallace. “Seriously? Ayaw mo na talaga ng s*x?” “Not with you again!” Naningkit ang mga mata nito. “Hey! Huwag ka munang magsalita ng tapos. Once mag-asawa na tayo, anytime ay puwede tayong mag-s*x. Responsibilidad mong paligayahin ako.” “Talaga bang s*x lang ang habol mo?” Tumawa ito nang pagak. “Hindi naman. Siyempre, kailangan natin ‘yon. At huwag mo sabihin sa akin na hindi ka na titikim ng luto ng langit. Ang wild mo nga noon habang umaangat-baba sa ibabaw ko.” Kinilabutan siya sa pinaalala nito. Inihampas niya sa dibdib nito ang rosas. “Shut up! Natiis ko ngang walang s*x sa boyfriend ko, ikaw pa kaya? Ang nangyari sa atin ay impluwensiya lang ng alak!” asik niya. “Eh, ang hina pala ng ex-boyfriend mo. Kaya ka siguro iniwan dahil hindi mo siya pinagbigyan.” Napikon siya sa sinabi nito at akmang susuntukin sa dibdib pero tumakbo ito palayo. Lalo siyang nabuwisit dito kaya hinabol niya at pumulot ng maliliit na bato at ipinukol kay Wallace. “Hindi lahat ng lalaki kasing landi mo! At kahit kailan, hindi kita mamahalin katulad ng ex ko!” “Hey! Enough! Masakit!” angal nito. Tumigil naman siya nang makalapit dito. Wala na itong tatakbuhan dahil sarado na sa dulo. “Akala ko makakatulong ka sa akin para makalimutan ko ang ex ko, isa ka pa palang sakit sa ulo!” inis na sabi niya. “Teka, mas guwapo ba sa akin ang ex mo? Sabi ng mommy mo, lawyer ‘yon, at sa palagay ko ay boring,” anito. “True love has never been boring.” “So, you’re looking for a perfect guy. Teka, parang kilala ko ang ex mo. Humahawak daw siya ng mga syndicate cases sabi ng mommy mo.” Nag-usisa na ito. “At bakit gusto mong makilala?” She lifted her left eyebrow. “Para may ideya ako. At the same time, a reference for the guy you love.” “Magtanong ka ng qualification sa kaniya.” “Sa ex mo? Ni hindi ko nga kilala.” “His name was Adamson Clarkson,” aniya. Sandaling natigilan si Wallace. “Atty. Clarkson? Iyong nasa anti-syndicate task force agency ng gobyerno?” gilalang nitong untag. “Yes.” “F*ck!” Malutong na nagmura si Wallace. Nilagpasan siya nito. Sinundan niya ito hanggang sa makalabas sila ng greenhouse. Nagtataka siya sa reaksiyon ni Wallace, tila ba kilalang-kilala nito si Adamson. Hindi na niya ito nakausap at biglang nagpaalam na uuwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD