REIGHN SELESTINE “Bakit? Bakit ganyan ang turing niya sa ‘yo?” tanong niya sa akin. “Puwede mong itanong sa kanya para malaman mo ang sagot.” “Bakit hindi na lang ikaw ang lumayo sa kanya?” “Bakit ko naman ‘yon gagawin?” tanong ko sa kanya. “Alam ko na hindi mo maintindihan pero si Vin ay para lang sa akin. Sa ayaw o gusto niya ay ako pa rin ang papakasalan niya. Hindi siya puwedeng magmahal ng ibang babae dahil akin lang siya.” possessive na sabi niya sa akin. “Walang sa ‘yo.” walang emosyon na sabi ko sa kanya. “At sino ka para sabihin na walang sa akin?” matalim ang mga tingin niya sa akin. “Ako? Sino ako? Ako lang naman ang isa sa pinakamahalagang tao sa buhay niya. Hindi niya ako gustong mawala sa buhay niya kaya ‘wag mo ng hilingin na lumayo ako sa kanya dahil hindi ko ‘yun

