REIGHN SELESTINE “Kung hindi mo ako nakilala ay si Annalyn ba ang magiging asawa mo?” tanong ko sa kanya. “Mahal, bakit ganyan ang tanong mo?” tanong niya sa akin. “Sagutin mo na lang. Siya ba ang asawa mo kung hindi mo ako nakilala?” “Mahal, let's not talk about it.” sagot niya sa akin. “Bakit naman hindi? Siguro ay tama ako noh?” Tanong ko sa kanya. “Mahal, naghahanap ka lang ng pag-aawayan natin eh. Para naman matahimik ka ay hindi ko alam. Hindi ko alam ang sagot sa tanong mo. Pero masaya ako dahil gumawa ang tadhana ng paraan para ikaw ang maging babae sa buhay ko ngayon.” Sabi niya sa akin. Dahil sa sinabi niya ay napanguso na lang ako. Paano ba naman kasi kung anu-ano na lang ang naiisip ko. Mga bagay na hindi ko naman dapat inuungkat kasi hindi naman na nangyari. Ewan ko ba

