REIGHN SELESTINE “Hindi ako makatulog, mahal.” nakangisi na sabi niya sa akin. “Matulog ka na, alam ko na pagod ka.” sabi ko sa kanya dahil nag-aalala lang ako sa kanya dahil mahaba ang naging flight nilang dalawa ng anak namin. “Patulugin mo ako,” sabi niya kaya umikot ang mga mata ko. “Mahal, matulog na tayo. May bukas pa,” sabi ko sa kanya. “Pero gusto ko ngayon,” pabulong na sabi niya sa tainga ko na naging dahilan para uminit ang buo kong sistema. “Gusto mo talaga?” tanong ko sa kanya. “Opo,” sagot niya sa akin at tumango siya. “Mamaya,” sabi ko. “Ngayon na kasi tulog si Viel. Kapag mamaya pa ay baka gumising na naman siya. Hindi na naman ako–” Mabilis kong hinalikan ang labi niya. Paano ba naman kasi tama naman ang sinasabi niya kapag talaga minsan kakasimula pa lang namin

